Chapter 73

592 10 1
                                    

(AUTHOR'S POV)

Tanghaling tapat hinatid si Swen ni Valker sa boarding house nito.

"Swen, ummm...Hehehe..." Napakamot ito sa ulo.

"Anong nangyari sayo? May sasabihin kaba?" Tumango naman si Val.

"Ummm kasi ano... Iwan...ko kung nakapag move on kana..." Natotorpe nitong sabi.

"Val, anong ibig mong sabihin?"

"Kasi... Ano... Gusto kita Swen." Nahihiya niyang sabi. Nagulat man ang dalaga ay ngumiti lang ito. Nagkataon na kakarating lang ni Lupe papunta sa boarding house ni Swen at saktong narinig niya ang tanghaling pagtatapat ni Valker. Huminto siya at nakikinig. 'Please Swen sabihin mo na hindi mo siya gusto?' usal niya sa kanyang isipan. Mas lalo siyang natatakot na paano kung sasagutin ni Swen si Val? Paano na siya?'

"Thank you Val. Seryoso kaba sa sinasabi mo? At alam mo naman na..._ " Hindi niya natapos ang dapat niyang sasabihin.

"Maghihintay ako Swen. Sana...hayaan mo akong ligawan ka?" He grimacing.

"Ummm...Val alam kong malaki ang naitulong mo sa akin at tatanawin ko iyon ng utang na loob. Salamat dahil gusto mo ako at ako rin gusto kita." Natuwa ang binatang Val at si Lupe ay nasaktan. Akmang aatras na siya pabalik sa kanyang kotse ng magsalita ulit si Swen.

"Pero gusto kita bilang isang kaibigan ko. Ayaw kong masira iyon. Paano kung darating ang araw halimbawa maging magkasintahan tayo at in the end maghihiwalay tayo dahil merun tayong hindi pagkakaintindihan at hindi na natin maibabalik kung gaano tayo kalapit sa isa't-isa. Ayaw na ayaw kong m-masira ang pagsamahan natin." Umiyak si Swen. Ngumiti ng pilit si Valker. Kahit masakit na mareject ay tama naman si Swen.

"Can i have a hug?" Nang-init ang sulok ng mata ni Valker. Tumango naman si Swen at siya na mismo ang lumapit sa binata para yakapin ito. Nagyakapan sila ng mahigpit.

"Im so sorry Val that i hurt your feelings!" Usal ni Swen sa gitna ng kanilang pagyayakapan. Tinapik naman ang kanyang likod.

"It's okay!"

"Please dont mad at me?" Pakiusap ni Swen pagkatapos kumalas sa yakapan nilang dalawa. Si Lupe parang nanood siya ng Show. Kahit naiinis siya dahil nagyakapan ang dalawa ay wala siyang magagawa kundi ang panoorin sila.

"That will never gonna happen. Ayaw kong magalit sayo dahil mahal kita." Ngumiti parin ng pilit ang binata. Nararamdaman naman ni Swen ang sinabi ng binata. Alam niyang nasasaktan niya ito pero pilit parin itong ngumiti. 'I feel you' usal niya sa isipan.

"Thank you Val." Lumuluha niyang sabi.

"Pssst... don't cry okay?" Pinahiran ang kanyang mga luha gamit ang dalawa nitong index finger at hinalikan siya sa noo. Kinuyom ni Lupe ang kanyang kamao sa galit. 'How dare he to kiss my girl? Kailan ba kasi matatapos mag-usap itong dalawa?' Nababagot niyang bulong sa sarili.

"Pasok kana sa loob may aasikasuhin lang ako sa kumpanya." Paalam ni Val at nagnod lang ang dalaga.

Pagpasok niya sa loob ng kotse ay bumagsak ang kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Masakit pero wala siyang magagawa. Pinanood lang ni Swen ang papaalis na kotse ni Valker. Naawa siya kay Val kung tutuosin hindi mahirap mahalin si Val. Magaan ang kanyang kalooban sa tuwing kasama si Val. Ayaw lang niya kasi magsinungaling sa tunay niyang nararamdaman. Mahal parin niya si Lupe kahit galit parin siya nito. Kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay kay Val. Umiiyak siya at hindi niya maiwasang masaktan rin para sa kanyang kaibigan.

Si Valker ay habang nagmamaneho ay humihikbi. Tinalo pa ata niya ang isang babae kung umiyak. Mahal lang talaga niya si Swen. Nagmahal lang siya kaya siya nasasaktan. Madaming babae nagkakagusto sa kanya pero tanging si Swen lang ang bumihag sa kanyang puso. Pilit niyang pigilan ang kanyang mga luha ay patuloy parin ang pagbagsak nito.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now