AUTHOR'S NOTE

3.1K 59 4
                                    

Disclaimer


       Ang nobelang ito ay pawang kathang isip lamang ng may akda at hindi sinadyang maihantulad sa totoong buhay. Ang mga pangalan, pangyayari, lugar at eksena ay gawa-gawa lamang.

Ang modelo ng aking pabalat ay kinuha ko lamang sa google. Sila ang mga napili ko maging modelo ng aking gawang kwento. Inspired ako sa Chinese Drama Series na ang pamagat ay 'Falling into your Smile'. Maliban lamang sa isang aktor na nakaputi ang jacket ay hindi siya kabilang sa 'Falling into your Smile' napanuod ko lamang siya sa ibang series at sa tingin ko bagay siya maging karibal ng aking nagawang kwento. Pasensya na at salamat sa pag-unawa.

Bago ko simulang magsulat ng kwento gusto kong malaman ninyo na madami na akong naisulat na hindi pa tapos. May natapos na akong isang nobela pero hindi ko na ipost. Kasi wala akong sapat na tiwala sa aking sarili. Nahihiya ako dahil hindi ako kasing husay ng mga nakilala ninyo. Bagkus may nakapagsabi sa akin na walang mawawala kong subukan ko kaya susubukan ko kung saan aabot ang aking makakaya sa pagsusulat. Masyado kasing malikot ang aking isipan at pa gala-gala ito kahit saan.

Kung may mabasa man kayo na 'wrong grammar' o mga typo errors sa pagsulat pasensya na po...pwede ninyo ecomment ang aking mali ng sa ganun matuto ako ng mabuti na mula sa inyo mismo. Nasa kamay ninyo ang pagpapasya mga mambabasa. Enjoy reading!

°Fadey Drucilla

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now