Chapter 99

524 10 2
                                    

(LOVELY POV)



"Are you ready cousin?" Tanong ko kay Sam sa harapan ng salamin. Nakaharap siya habang suot ang off shoulder nitong wedding gown.

"Kinakabahan ako cousin." Bumuntong hininga ito.

"Okay lang 'yan. It's your special day. Kailangan mo maging confident okay?"

"Thank you cous. Pinapagaan mo ang aking kalooban." She felt relieved.

"Basta isipin mo ikakasal ka na sa lalaking matagal munang gusto maabot. Grab the opportunity." Ngumiti ito ng kay tamis.

"Alam mo talagang isa siyang pangarap na mahirap sungkitin. H-Hindi ako makapaniwala na...ikakasal na ako ngayon sa lalaking minahal ko ng maraming taon..." Naluluha nitong sabi.

"Sam...masisira ang make-up mo." Saway ko sa kanya.

"Sorry..." Tanging sagot niya at ngumiti sa harapan ng salamin.

"Tara hinintay na tayo doon sa garden." Saktong pumasok sa loob ng mansyon si grandma Min Fang Chen namin.

"My two beautiful granddaughter's." Nakipagbiso-biso si grandma sa aming dalawa.

"Congratulations in advance my sammy." Masayang pagbati ni grandma.

"Thanks grandma..." Sabay halik sa pisngi. Pumasok rin si tito Carlos Chen kasama ang kanyang asawa.

"My beautiful daughter and my prettiest niece!" Nakibiso-biso rin si tito sa amin ni Sam at pati narin ang asawa niya. Sa mommy pala ni Samantha nakuha ang kanyang beauty na sakto lang ang ganda at balat lang kay tito Carlos kasi si tito maputi. Samantalang si tita ay medyo morena.

"Let's go my princess hinihintay kana ng iyong gwapong prinsipe sa harap." Paanyaya ni tito sa anak niyang abot langit ang kaba while si tito ay nakangiti.

"Hurry Sam baka mababagot ng yung groom mo doon at maisipang hindi na ituloy ang kasal." Utos ng ina. Lumingon naman si Sam nakakunot noo.

"Mommy naman eh!" Nguso niya.

"Dalian muna kasi sobra mong bagal kumilos!" Sermon ni tita sa kanya.

"Oo na tara na!" Natatarantang sagot ni Sam.

Pagdating namin sa garden ay napapalibutan ito ng sunflowers dahil mahilig nga sa sunflower si Samantha. Napaka-marangya ng wedding dahil nagkakahalaga din ng million ang wedding gown na pinagawa mismo ni Troy sa England pati narin ang kanilang wedding ring at ang suit ni Troy million rin ang halaga. Kaya hindi na nakapagtataka pati reception ay europian styles parin katulad nina Lupe at Beshy. Embis na si Kessy and maid of honor ay aba ako ang kinuha ni Sam para si Fadz naman ang bestman ni Troy. Ang aking anak na si Zaiden ang ring bearer, at as usual flower girl parin ang aking magandang anak na si Zendaya. Ang Bible bearer at coin bearer ay kamag-anak nila Troy at Fadz at kamag-anak namin ang iba pang flower girls at bridesmaid ganoon rin ang groomsmen kamag-anak nila Fadz at namin.

Napakapogi rin ng ama ng aking mga anak na nasa gilid ni Troy. Kapwa sila gentleman sa kanilang suot. Ang aking suot na pang-maid of honor ay above the knee at my slit sa right side. Naka_ladder braids ang style ng aking buhok. Tinitigan ako ni Fadz at ngumiti ito para sa akin ginantihan ko rin siya ng isang matamis na ngiti.






(AUTHOR'S POV)

"Why are you crying?" Tanong ni Mr. Troyand Monternel na ama ni Troy sa kanyang asawa na si Mayabeth na sumisinghot.

"I'm just happy for our only beloved son." Panay pagpunas ito sa kanyang mga hula gamit ang puting panyo.

"Masyadong mabilis ang panahon kung noon maliit pa ito ngayon mag-aasawa na siya at sa anak pa ni Mr. Chen Carlos." She felt weary.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now