Chapter 102

582 9 5
                                    

(AUTHOR'S POV)

         

        Nadatnan ni Fadz na naliligo si Lovely sa swimming pool ng condo na naka-bikini lang. Kulay pula ang suot nitong bikini kaya hindi niya maiwasan na titigan ang bagong ahon na si Lovely. Sinuklay nito ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Lutang ang malusog nitong dibdib. Ang maliit nitong beywang, ang makinis nitong balat na maputi at ang maumbok nitong pwet. Ang maliit nitong mukha at ang blonde nitong buhok. Tama ang kanyang bestfriend na si Lupe. Si Lovely Rose ay parang goddess of Love na si Aphrodite. Kahit sinong lalaki hahanga at maiinlove sa kanya. Hindi lang dahil maganda siya kundi samahan pa ang mala-dyosa nitong katawan na kababaliwan ng kalalakihan. Buti na lang pinagpala si Fadz dahil malaya niyang napagmasdan si Rose na hindi siya napapansin dahil tumalon ito muli sa tubig.
       

Masaya si Fadz kasi siya lang ang nakakakita sa magandang view sa kanyang harapan at paano kung nakapag-bikini na siya doon sa england na kasama si Troy? Bigla siyang nakaramdam ulit ng selos. Pinakalma niya ang sarili atleast siya nakita niya na ang buong pagkatao ni Rose in private way na silang dalawa lang na magkasama sa condo at nakabuo pa sila ng kambal. Nakaramdam siya ng pagkainit sa katawan at bigla-bigla na lang siya tinatayuan at iyon ang kinangiti niya sa sarili. Kay Lovely lang niya naramdaman ang ganitong klase na desire.

Umahon ulit si Rose at inabot ni Fadz ang tuwalya sa kanya na kinagulat ni Rose at umatras na muntik pa siyang malaglag pabalik sa pool buti na  lang kidlat sa bilis si Fadz sa paghila ng kanyang pulsuhan papunta sa kanyang bisig. Nanlaki pa ang mata ni Lovely sa pagkabigla at ng makahinuha ay umatras siya at kinuha ang tuwalya na nasa kaliwang kamay ni Fadz at tinakpan ang sarili. Nakalimutan niyang dalhin ang bath rub kanina.

"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" Tanong ni Rose at naupo sa upuan na malapit sa pool at naupo rin si Fadz sa kaharap na upuan.

"I'm so sorry kagabi kung napagtaasan kita ng boses. Hindi ko iyon ginusto. I'm really sorry, Pinagsisihan ko iyon promise! Please love huwag ka ng magalit sa akin. Galit lang ako kagabi da-dahil hindi mo nasagot tanong ko...Alam mo naman na high tempered ako minsan na hindi ko nakokontrol sarili ko. Sana... Maiintindihan mo ako love. " Pagsusumamong Fadz.

"Sa susunod susubukan ko na kokontrolin ang aking temper." Dagdag niya.

"Wala akong karapatan na magalit sayo." Aniya na hindi maiwasan ni Fadz na nakawan ng tingin ang makinis nitong hita na dinadaluyan ng patak ng tubig. Uminit lalo ang kanyang batok at huminga siya ng malalim. Iniwasan niya na hindi makatingin sa mga hita ni Lovely at tinuon ang atensyon sa pool. Parang gusto niyang lumangoy sa pool para maibsan ang init sa pakiramdam.

"Magbibihis na muna ako maiwan muna kita dito. Kung gusto mo hintayin mo na lang ako sa sala." Tumayo si Lovely at naglakad papasok sa loob. Sumunod na tumayo si Fadz at tumungo sa refrigerator para kumuha ng malamig na tubig at ininom. Huminga ulit siya ng malalim sawakas nabawasan ang init sa kanyang katawan. Pero tayong-tayo parin ang kanyang alaga.

"Tsss...pasaway ka! Ang bad mo alam kung mag-aapat na taon kanang tigang pero hindi pa pwede!" Ngiti niya mag-isa. Ilang sandali pa ay tapos na magbihis si Lovely at nakashorts lang ito ng maiksi at lousy t-shirt.

"Ano pala ang kailangan mo bakit ka pumunta dito?" Tanong ni Lovely at binuksan ang tv. Wala ang mga bata sa condo dahil pumasok ito sa eskwela kasama ang dalawang yaya at mga bodyguards nito.

"Pumunta ako dito para huminge ng patawad sayo at please love sa Villa na kayo uuwi. Doon ang bahay natin."

"Natin? Sayo ang Villa na iyon at ang bahay namin ay nandito sa condo." Nanood ng japanese movie si Lovely.

"Ginawa ko ang Villa na iyon ay para sa inyo ng anak natin." Malumanay na sagot ni Fadz na nakatayo. Habang si Lovely nakaupo.

"Ah sayo at sa kambal. Hindi ako kasali dahil wala naman tayo naging relasyon." Sinandal ni Lovely ang kanyang ulo sa headboard ng sofa. Natahimik si Fadz at ng makahinuha ay lumapit siya kay Lovely at lumuhod sa harap na pinagtataka ni Lovely.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now