Chapter 57

605 14 0
                                    

(LOVELY POV)

Sa umaga nauna akong nagising kay Fadz. Mahimbing ang pagtulog niya at wala itong pang-itaas na saplot. Tanging boxer lang ang kanyang suot. Inayos ko ang comporter na nakatakip sa kanya. I kissed him sa pisngi at tumungo sa banyo. As usual naghilamos ako, nagtooth-brush at nagsuklay. Napansin kong may kissmark sa aking leeg, mga apat. "Naku anong gagawin ko? Paano kung madaming makakita nito mamaya sa school. Si Fadz talaga haissst..."
" Tiyak na makikita ito ni Troy mamaya at nakakahiya. What to do? Magsuot na lang siguro ako ng turtle neck long sleeve? Tama ganun na lang ang gagawin ko." Lumabas na ako sa banyo at tulog parin ito. Tumungo na ako sa kusina at naghanda ng pang-almusal namin. Nagprito lang ako ng ham, at ang ginawa ko sa itlog ay pinirito sa paraan na korean egg roll style at nagprito rin ako ng longganisa. Pagkatapos ay nagluto rin ako ng beefsteak requested ni Troy. Ang kanin namin ay ginawa kong chow fan. Matapos ang lahat ay nagsalin ako sa baonan ng chowfan at sa ibang baonan ay ang beefsteaks. Nilagay ko sa lunchbag. Gising na pala si Fadz at tapos narin itong maligo. Lumapit ito sa akin at humalik sa aking pisngi sabay pagsabi ng good morning love. Kinilig naman ako at mas lalo pang kumabog ang aking dibdib. Sana ganito na lang palagi...

"Good morning din... Kain na tayo nakahanda na ang kape mo."

"Sige sabay na tayo love." Anyaya nito sabay tikim sa kape nito. "Bilisan nating kumain sabay na tayo pumasok sa school." Dagdag niya at sumubo ng chow fan.

"Love sobrang sarap kuhang-kuha mo ang recipe at panlasa ng chow fan sa chowking...And mas masarap parin basta home made at gawa pa ng aking asawa." He smiled sweetly na nakatitig sa akin. Lumulundag lalo ang puso ko. Sumubo lang ako at saka nagsalita.

"Binobola mo lang ako!" As if feeling annoyed ako at uminom ng gatas.

"I'm serious love." He staring at me at umiwas din. Baki't ba sa tuwing titigan ako nito iiwas din kaagad? Is he afraid of falling for me? Echos huwag kana umasa self dahil malabo mangyari ang iniisip mo. Nagnod lang ako at siya ay focus lang sa kinakain.

Mas lalong pinagtaka ko ay sabay kami papuntang school. Nagsuot nga ako ng turtle neck na pinagtaka niya. "Love ito ang unang beses nakita kitang nakasuot ng turtle neck long sleeve..." Usal nito habang nagmamaneho. "Alangan lagyan mo naman ako ng apat na kissmark sa leeg. Edi ito ang naisipan kong isuot nakakahiya baka ano pa ang sabihin ng ibang mag-aaral." Wala sa loob kung banggit.

"Im just marking my territory." Tugon nito at lumingon saglit sa akin at muli ay tinuon din ang mata sa harapan. "Territory? I see." Walang gana kong sagot. Ako territoryo niya pero siya hindi ko territoryo dahil pagmamay-ari siya ng iba. Ang unfair ng life...bigla naman ako nakaramdam ng kunting kirot. Hindi na ito nagsalit at ako naman ay tinuon ang atensyon sa tabing daan.

Nagtext ako kay Troy na huwag na niya akong sunduin sa condo. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang siya ay nagmamaneho. Sa front sent ako nakaupo ayaw niya na nakaupo ako sa likod kasi raw ginagawa ko siyang personal driver. Sinunod ko naman siya sa kanyang ninanais. Nang marating namin ang loob ng campus, bago ako lumabas ng kotse ay ninakawan ako nito ng halik sa pisngi na kinagulat ko. Nang palabas na ako at ganoon rin siya ay bigla nagbago ang pakikitungo nito. Kung kanina ay nakangiti ngayon ay walang emosyon ang awra. Hindi man lang ako matingnan nito kundi deretso lang siya naglakad na walang pasabi na mauna siya. Paglingon ko sa palagid madami pa lang nakatingin sa aming gawi. Parang kami ang sentro ng kanilang pag-uusap ng mga nagkukumpulan na mag-aaral. Nasaktan naman ako sa inasal nito muli. Paasa nga naman...kung kagabi at kanina sa condo kinikilig ako ngayon nasasaktan ako ng sobra. Hanggang ngayon ba Fadz kinakahiya mo parin ako? Kunsabagay sino ba naman ako? Isang hamak na working student ng mommy mo na ngayon asawa mo. Gayunpaman, hindi rin magtatagal mag-divorce din tayo. I shutterd again into pieces... Sinalubong siya ni Sam at niyakap. Niyakap din nito ng kay higpit at hinalikan sa may labi pero smack lang.

Ang tamis ng mga ngiti nilang dalawa. Halatang mahal na mahal nila ang isa't-isa. Sampid lang ako sa relasyon nilang dalawa. Asawa nga ako pero sa papel lang... Talo parin ako dahil hindi ako mahal ni Fadz. Samantalang si Fadz mahal na mahal niya si Sam. I walked away pretending na wala akong nakita. Bahala na iyang mga chismosa na nakatingin sa akin at pinagbubulongan ako sabihin nila ang gusto nilang sabihin. Unti-unting pumatak ang aking mga luha. Tumingala ako sa langit at pinipigilan na huwag bumuhos ang mga luha. Pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking mga daliri at daling pumasok sa laboratory at pagkapasok ay nagsuot ako ng coat na white at nag-gloves.

Pagkahawak ko sa microscope ay agad nagtanong ang iba kong kaklase. "Ms. Rose kaano-ano mo si Monternel?" "Oo nga alam mo bang may girlfriend na yung tao?" Hindi pa nga ako nakasagot sa unang nagtatanong ay sunod-sunod agad. "Baki't hinatid ka niya?". Sasagot na sana ako sa lahat ng kanilang katanungan ay may biglang sumingit at nagsalita ito sa aking likuran. "Dahil magkaibigan ang mommy ng pinsan ko at ang papa niya." Nagulat man ako subalit lubos ang aking papasalamat. Dahil hindi ko alam ang dapat sana sabihin. Aamin ba ako o hindi? "Wala naman sigurong masama kung hinatid siya ng aking pinsan. Nagmamalasakit lang yung tao at wala naman silang ginagawang masama. It is a big deal?" Bored na tanong ni Troy. Ugaling Monternel talaga....Agad naman nakangiti ang kaninang mga babae na halatang naiinis o nagagalit. Syempre crush nila si Troy kaya agad sila nagpapansin. "Ah hehehe... Hindi mo naman agad sinabi sa amin Rose. Masyado kang malihim sa amin ha... Ang lapit mo lang pala sa mga Monternel." Malumanay nitong sabi.

"Hindi naman siguro pwedeng pati private life ko ay ipagsasabi ko sa kahit sinong marites. My life my rules. Nasa akin kung sino ang deserve kong sabihan." Ma-awtoridad kong pasabi at agad kumuha ng blood sample at nilagay sa stage plate ng microscope. Natahimik lang sila at tinuon ang pansin sa kanilang ginagawa. Si Troy ngumisi lang sa sinabi ko at tinapik ang aking balikat. "Good morning Lovey." Bulong nito sa aking tenga at naglagay ng kunting dugo sa stage plate ng microscope.

Nagdaan ang ilang oras breaktime na...hindi pa tapos si Troy kaya nauna na ako sa canteen susunod lang daw siya... Hinanap ko si Beshy mga ilang araw kuna siyang hindi nakikita sobrang namiss ko ang kanyang presensya. Nadismaya ako wala siya sa canteen. Naiwan din kasi cellphone ko kaya hindi ko siya matawagan. Lumabas muna ako sa papuntang art department bagkus wala siya doon.

"Excuse me alam ninyo ba asan si Swen Lesondra?"

"Lumipat na siya sa Education Department." Sagot ng lalaki na kaklase ni Beshy dati.

"Thank you..." Ngumiti lang ang lalaki at saka nagfocus na sa kanyang pinipinta. Lumipat sa education department? Anong nangyari? Art yung gusto niya ayaw niya ang nagtuturo sa mga bata. May problema na naman ba siya? Tiningnan ko ang aking relo im running out of time maybe after sa klase ko siya hahanapin. Bumalik ako sa canteen andoon na si Troy nakapag-order na ito at nagsimula ng kumain.

"Where have you been? Akala ko tapos kana mag-snack." Aniya na naka tingin sa akin.

"Pinuntahan ko si Beshy sa Art Department kaso wala siya doon." Plain kong sagot at naupo at uminom ng tubig.

"Then, where is she?"seryoso nitong tanong.

"Lumipat daw siya sa Education Department hindi ko alam kung baki't." Sagot ko at sumubo ng burger.

"Baka may iniiwasan siya... Or else she realize she loves teaching kiddos." Paliwanag nito at nagfocus na sa kinakain. May iniiwasan? Sino naman? Si Lupe? At baki't? Maybe ummm...napagtantato niya na maganda pala ang magturo mga bata. Haissst im not pretty sure... Alam kong may problema siya... Malalaman ko lang mamaya pag magkita kami.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now