Chapter 34

656 15 0
                                    

(LOVELY POV)

Sobrang sarap ng milktea ang flavor ay red velvet. Nabusog ako ng sobra. May fries at burgers pa na kasali. Food lover pala talaga si Troy buti hindi siya tumataba. Ako lang sana ang mag milktea kaso gusto niya sumama kaya hinahayaan ko na lang sya total ang boring din naman mag-isa. Ang sa kanya ay Chocolate flavor na milktea. Kanina ang lakas ng mga busina ng mga sasakyan siguro naiinip na ang mga drivers dahil mabagal umusad ang ibang sasakyan sa unahan sa sobrang traffic naman. Siya na ang nagbayad using his black atm card. Sa pagkakaalam ko only billionaire's ang merung black atm card. But i'm not pretty sure ayaw ko din kasi magtanong. Baka ano pa ang ibig sabihin nya.

Naihatid na ako ni Troy at nagpaalam na ito na uuwi na sa kanila. Pagkapasok ko sa loob ang una kong nakita ang masamang titig ni Fadz. "Good afternoom F-Fadz." Bati ko dito na hindi komportableng kaharap siya.

"What's good in the afternoon rose?!" matigas nitong sabi. Galit ba 'to? Dahil hindi akoa nakauwi agad at mas nauna pa sya dito sa condo kesa sa akin?

"I'm talking to you Rose! Damn! Are you deaf?!" singhal nito napaigtag naman ako sa kinatatayuan ko.

"I'm sorry Fadz, kung ngayon lang ako nakauwi." Paumanhin ko dito. Hindi ko alam baki't ako humihingi ng sorry sa gayung siya ang may kasalanan dahil iniiwan ako dito sa condo na walang paalam. Inaliw ko lang ang sarili ko upang makalimutan ang lungkot.

"Sorry?! That's bullshitt! Dapat alam mo ang iyong papel Rose hindi yung lumalandi ka sa lalaki mo!" Galit nitong sabi. Nanlalaki si Troy ba ang tinutukoy nito?

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Pero iyang sabihan mo akong lumalandi ay hindi totoo iyan! Huwag mong ipunas sa akin ang kagagawan mo sa buhay!" taas boses kong balik dito sa sinabi nya. Ang sakit na sabihang malandi sa taong minahal ko pa.    

"Talaga? edi anong tawag dun panay tawa ka sa kausap mo?! Ha?! Tawa ka ng tawa sa lalaki mo! Hindi ba malandi ang tawag dun? Baka nakakalimutan mong dala mo apilido ko Rose at dinudumihan mo ito dahil sa kalandian mo!" Singhal nito. Isang malutong na sampal ang ginawad ko kay Fadz. Nabigla naman ito at na pahawak sa pisngi. Matiim itong lumingon sa akin. Parang kainin na ako ng buo sa galit nya subalit hindi ako nagpapa-apekto. Hindi ko matanggap ang tawagin akong malandi.

"Wala kang karapatan na sabihan akong malandi! Hindi ko dinumihan ang apelido mo dahil kahit kailan ay wala naman sa school natin ang nakakaalam na asawa mo ako Monternel! Maliban sa mga tropa mo at babae mo! Ni kahit kailan hindi mo ako tinatrato na parang tunay na asawa! Ang turing mo sa akin katulong mo parin! At parausan sa mga libog mo! Alam mo mismo yan sa sarili mo na kahit kailan wala akong naging lalaki sa buhay maliban sayo! Alam mo rin na birhen pa ako na kinuha mo ang iniingatan ko para sa taong mahal ako sana... Kaso hindi mo ako m-mahal...." Napahikbi na ako sa sobrang sama ng loob. Nagbago naman bigla ang impression nito sa mukha. Kung kanina matiim ang titig ngayon ay malumanay na.

"H-hindi ako katulad mo kahit k-kasal pa tayo ay iniiwan mo lang ako dito dahil nasa kay Sam palagi ang atensyon mo. Siya palagi ang kasama mo at hindi ako. Hindi mo man lang magawang etext ako na aalis ka o hindi ka uuwi. Hindi yung naghihintay ako dito sa wala. Tao ako Fadz hindi l-laruan. Sana naman kahit minsan bago matapos ang kontrata natin ay bigyan mo din ako ng halaga kahit kunti lang kahit hindi mo ko mahal. Ang mahalaga pag-alis ko may maibabaon akong magandang ala-ala sayo. Hindi yung ganito na parang hindi ako nag-exist sa b-buhay m-mo....tapos ngayong uuwi ka ikaw pa itong galit? Eh ikaw naman 'tong lumandi kasama si Sam." Hagulhol ko dito. Hindi na ako nakaramdam pa ng hiya bahala na si batman.

"Alam mo naman hindi kita pwedeng pagbigyan sa gusto mo Rose. Mahalaga si Sam sa akin at akala ko ba mula umpisa nagkaka intindihan na tayo? Kaya 'wag kang magreklamo kung wala akong time sayo! At mas may time pa ako kay Sam. She's my everything and i love her!" Matigas nitong sabi. Saka tumalikod paakyat sa taas. Nasaktan ako lalo at humihikbi sa sobrang sakit. Ang sakit isipin na umaamot ako ng atensyon at pagmamahal mula sa kanya. Napaluhod ako sa gilid ng couch sa sobrang sakit.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now