Chapter 22

676 15 0
                                    

_____________5 months later_______________

(LOVELY POV)

Limang buwan na kaming mag-asawa ni Fadz ni minsan hindi n'ya ako binibigyang halaga o pinagtuonan man lang ng pansin. Simula nung may nangyari sa aming dalawa ay hindi na muli nasundan iyon. Buti nga hindi ako nabuntis kasi nadatnan din ako after one week nung may nangyari sa aming dalawa. Simula nung nagpacheck up kami ni Swen kay dok Tobby ay naliwanagan ako sa mga bumagabag sa aking isipan. Mahal ko pala talaga si Fadz. Halos hindi ako makapaniwala sa mga pangyayari kusa lang tumitibok ang puso ko sa kanya na wala man lang s'ya nagawang mabuti sa akin kundi puryesyo sa buhay, stressed, anxiety at heartbreak. Kusa na naman tumulo ang mga preskong luha sa aking mga mata.

"Bakit kailangan pa akong mahulog sa kanya?" garalgal ng aking boses. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding, lagpas na ng 3 am pero gising parin ako at naghihintay sa aking asawa.

Mga ilang sandali pa ay bumakas ang pinto at iniluwa doon ang aking asawa na lasing. Agad ko pinunasan ang aking mga luha at umayos sa pagkakaupo. Nakakunot noo pa itong nakatingin sa akin at naglakad na medyo paharay papunta sa gawi ko at naupo sa kabilang couch sa may harap ko.

"B-Bakit ka g-ising pa?! diba sabi ko sayo na huwag muna akong h-ihintayin! Tanga kaba huh!" nauutal nitong tanong at isinandal ang ulo sa headboard ng couch. Matiim akong tiningnan nito at hinihintay ang maging sagot ko.

"Hindi ako tanga Fadz, obligasyon kong hintayin ka dahil asawa mo ako." Kalma kong sagot. "Saan kaba galing? palagi ka na lang umuuwi ng madaling araw" tanong ko dito kahit alam kuna sa aking sarili na araw-araw siyang namalagi kina Sam.

Habang iniisip ko ang pinaggagawa nila nasasaktan na ako at parang gusto kong maiyak pero kailangan kong pigilan. Ayaw kong lumuluha sa harapan n'ya gusto kong ipakita sa kanya na kaya ko at malakas.

"Malamang sa syota ko saan paba?! Pwede ba Rose huwag mo akong matanong-tanong." naiirita nitong sabi.

"Ano naman ako sayo?" tanong ko na todo pigil na wag lang akong lumuha.

"Tsss... Ano pa ba? Edi asawa sa papel! May iba paba?! Mula't simula may usapan at pinirmahan na tayo pagkatapos ng pitong buwan magfile na agad tayo ng divorce. Pareho naman natin hindi ito ginusto at pareho din natin hindi mahal ang isa't-isa. Nababagot na nga ako eh embis si Sam dapat andito sa condo ko ngayon pero ang annoying working student mismo ni mom ang andito. Total malapit na din matapos, mga dalawang buwan pagtitiis pa ang kakailanganin ko. Pagkatapos makakasama kuna ang babaeng mahal ko" aniya na nakangiti. Tumayo ito at umakyat sa taas kung saan ang kanyang silid.

Ang kaninang pinipigilan kong mga luha ay bumagsak at napapahikbi ako ng 'di sinasadya. "Alam na alam ko naman na mahal n'ya si Sam pero bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko ngayon? Tela sinaksak ako muli ng maraming punyal sa aking dibdib. Dapat masanay na ako pero bakit ganito?. Ganito ba ang nagmamahal? Kailangang masaktan? ang sakit sobra parang hindi na ako makahinga. Kung alam lang n'ya na mahal ko s'ya may magbabago ba? Kailangan kong tiisin ang lahat na ito."

Maaga parin akong gumising kahit inaantok pa, mga one hour lang ang tulog ko kaninang mga madaling araw sa oras na 4:30 am. Nakatulog ako sa kakaiyak kanina kaya kahit mabigat ang aking pakiramdam pilit parin akong tumayo at pumasok sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Habang kaharap ko ang salamin ay napapansin kong medyo namamaga ang aking mga mata. Binilisan ko ang aking kilos at nagsuklay. Pagkatapos ay tumungo sa kusina at naghanda ng pang-agahan. Nagluto ako ng tinolang bangus na may kalamunggay para makahigop ng mainit na sabaw si Fadz para sa hangover n'ya.
Nakahanda na ang lahat sa mesa at bumaba na si Fadz na walang imik. "Good morning Fadz maupo kana at higupin mo itong mainit na sabaw para mahismasan ka sa hangover mo." Paanyaya ko dito na nakangiti. But deep inside malungkot talaga ako kung nababasa lang sana n'ya ang nasa mga mata ko. Ito na ang nakasanayan ko mula pa noong inampon ako ni mommy Buzz na binabati s'ya at samahan ng may matamis na ngiti. Ngunit ang mga ngiti ko noon lahat ay totoo wala halong biro. Hindi tulad ngayon nagpapanggap na okay lang dapat happy lang.
Nakaupo na ito at sinalinan ko s'ya ng sabaw sa maliit na mangkok at pati kanin sa kanyang pinggan. Obligasyon ko to eh bilang asawa kailangan ko s'yang pagsilbihan hanggang matapos ang pitong buwan. Humihigop na ito at panay pansin ko ang mga pasulyap-sulyap n'yang tingin pero hindi kuna binibigyan kahulugan. Sarap na sarap s'ya sa hinihigop n'yang sabaw kita ko mismo sa reaction ng kanyang mukha.


________________2 days later_______________

Pauwi na ako sa condo galing sa palengke at si Fadz nasa condo lang s'ya busy sa kung ano ang tinatype n'ya sa laptop. Pagkabukas ko ng pinto ganoon na lang ang aking nakita naninigas ang buong katawan ko sa gulat. Harap-harapan akong ginagago ng aking asawa. Nakapatong si Sam kay Fadz na pawang nakahubad ang dalawa. Sarap na sarap sila sa kanilang ginagawa hindi nila napansin ang aking presensya. Dinurog ako ng pinong-pino. Kay sarap sabunotan ni Sam at kaladkarin sa palabas. Bagkus wala akong karapatan asawa lang ako sa papel at hindi rin mahal.

"Beb....shittt i'm coming!" boses ni Sam na nakatingala pa sa sarap.

"Ugghhh...! damn beb i'm coming too!" boses ni Fadz sa ilalim ni Sam na mismong nakahiga sa couch kung saan ako palaging nakaupo. Gusto kong magalit sa kanila gusto kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Nakatalikod si Sam kaya hindi nila ako nahahalata. Sa sobrang bigat na aking dala na mga isda, karne at gulay nabitawan ko at nalaglag ang lahat sa sahig na s'yang naging sanhi ng ingay. Nagulat naman ang dalawa kaya sa sobrang gulat naitulak ng malakas ni Fadz si Sam at nalaglag ito sa sahig. "Ouch!!!" ipit ni Sam.

"L-Lovely!" banggit ni Fadz na kita ko mismo sa mukha ang pagkagulat at daling sinuot ang boxer nito.

"S-sorry h-hindi ko s-sinasadya..." nauutal kong paumanhin at agad pinulot ang aking pinamili na nanginginig ang mga kamay.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now