Chapter 24

688 13 0
                                    

(SAM POV)

        Kainis talaga si Lovely na 'to sarap sampalin. Sarap na sarap na ako kanina sa ginagawa namin ni Fadz malapit na namin maabot ang rurok ng tagumpay. May palaglag pa siyang nalalaman sa mga pinamili nito mula palengke at kumbaga nagulat siya. Dapat nga hindi siya magugulat. Dahil gawain namin iyon. Dahil sa kanya naitulak ako ni Fadz ng malakas na naging dahilan upang malaglag ako sa sahig. Muntik pa akong masubsob sa carpet. Bwesittt panira moment eh!  Buti na lang walang gasgas mukha ko kasi pag merun sasabunutan ko talaga si Lovely na iyon. Wala nga akong gasgas sa mukha pero sa kamay ko merun at binti merung pasa talo ko pang sinuntok nito. Kung hindi lang sana malantsa ang pinupulot niya kanina baka sinampal kuna siya pero hindi kuna ginawa kasi ayaw  ko maamoy isda may meeting pa ako dadaluhan yuckss ayaw ko talagang humawak ng ganun kalansang isda.
   
       Sinundo ako ng aming driver at papunta na ako ngayon sa kompanya namin ni dad habang lulan namin ang daan. Nabibilang kami sa isa sa pinakamayamang angkan sa buong pilipinas. Ako si Sam for short but my whole name is Samantha Chen. Half pilipina and half chinese. Ang pinakamayang angkan sa pilipinas ay ang ama ni Fadz. Ang dating yumaon na si Si Uncle Fredd Ling Monternel na half chinese din at half pilipino. Siya ang pinakamahusay at tanyag sa world of business sa buong Asia. Kung gaano katayog si Uncle ay ganoon rin kataas ang kanyang Kumpanya at madami silang investors at  napatayong buildings dito sa buong asia. 
      
     Si Tita Buzz ay pure chinese na lumaki dito sa pilipinas at siya ay si Buzzyen Wong Monternel. Isa rin sa nabibilang na pinakamayaman na angkan si Tita Buzz. Pero hindi ko pa siya nakasalumuha sa personal palagi kasi itong busy sa negosyo nila at iwan ko pabor si tita sa aming relasyon ni Fadz na kapwa kami nagmamahalan. Tanging alam ko si Lovely ang gusto nya para kay Fadz at si Fadz ayaw kay Lovely ako ang gusto nya makasama habang-buhay. Ilang sandali pa huminto ang kotse sa harap ng aming building at pinagbuksan naman ako ng aming driver.

(LOVELY POV)

   Hindi ko alam kung bakit nanginginig mga kamay ko kanina sa pagpulot ng mga isda at karne saka gulay. Siguro sa selos? Galit? Basta tangin alam ko lang kanina ay biglang tumulo ang  aking mga luha. Wala akong pakialam kong malantsa ang aking kamay basta ang gusto ko ay pahiran ang aking mukha at mata sa mga dumadaloy kong luha. Bahala na gusto ko ng matapos ang mga pinupulot ko at hindi sila makita dalawa.
  
       Hinugasan ko ang gulay, karne at isda saka nilagay sa refrigerator. Sa freezer ko nilagay ang isda at karne at ang gulay ay sa baba sa may lagayan ng gulay. Pagkatapos ay sinabunan ko ng maigi ang aking mga kamay saka naghilamos at binanlawan. Kumuha ako ng tuyong malinis na face towel para ipunas sa aking mukha.
       Kumuha ako ng map at tubig na may bula sabong at pumunta sa sala. Pagdating ko sala wala na doon si Fadz iwan ko asan iyon baka nasa silid nito. Nagmap ako ng maigi para mawala ang malantsang amoy nito sa tiles at saka bumalik uli sa kusina. Upang maghanda ng pangtahalian naming dalawa. Masama parin ang loob ko ngayon ang babastos sa couch pa talaga pwede naman sana nilang gawin sa kwarto niya. Habang iniisip ko iyon mas lalo lang ako nasasaktan.

----------------CAMPUS UNIVERSITY -------------

( AUTHOR'S POV)

     
       Lunes pasukan na naman muli lahat ng mga mag-aaral sa unibersidad. Abala ang lahat, kanya-kanya silang gimik. May iba kumakain sa canteen. May iba naman nagdedate sa tabi-tabi. Ang iba nag-iisa sa sulok na malalim ang iniisip. Ang iba nasa library nag-aaral. May nagliligawan sa kanilang napupusoan, may kumukanta habang naggigitara sa tabi ng soccer field. Ang iba nag chicikahan sa loob ng classroom. Ang ibang babaeng mag-aaral panay papansin sa mga crush nilang pogi. Ang iba panay selfie, ang iba sumasayaw sa loob ng dance classroom. Ang iba nagdadrawing sa loob ng classroom na kakatapos palang ng klase. Ang iba may klase pa at ang iba naman ay natutulog sa loob ng classroom dahil wala pa ang kanilang professor. Ang ibang guro nasa office ang iba abala sa pagkakape. Ang iba naman ay kaharap computer nila at iba ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga studyante.
  
         Si Fadz nasa basketball court naglalaro at tudo naman ang cheer up ni Sam sa boyfriend nito sa tuwing makakashoot ng bola sa ring. Si Swen nasa field ng baseball hinihintay si Lovely na hanggang ngayon wala pa siya. P. E class nila ngayon pero andito sila sa field nag-eensayo ng larong baseball. First time na nahuli sa klase si Lovely kaya pinagtataka ni Swen.
        
              

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now