Chapter 74

607 6 0
                                    

(AUTHOR'S POV)

"Please dont cry! Look im really sorry kung nangyari ito. Ginusto naman natin ito diba? Huwag kang mag-alala." Panigurado ni Lupe.

"Huwag mag-alala? Magagalit sila mama sa akin! Lalo na alam nilang nabuntis ako sa isang babaero at tiyak na mas lalo silang magalit dahil walang ama ang kanilang apo!" Humihikbi si Swen.

"Kasalanan ko ito lahat!" Sinisisi niya ang kanyang sarili.

"Walang ama? Eh ano ako? Ako ang ama ng dinadala mo at handa akong panindigan iyan!" Turo niya ang nasa tiyan ni Swen. Nasaktan si Lupe sa sinabi ng dalaga na wala itong ama? Babaero siya pero dati iyon. Nagbago na siya at alam niya mahirap siyang paniwalaan. Lumingon si Swen. 'Paninindigan niya ako?'

"Hindi mo kasalanan. Ako ang may kasalanan...I'm really sorry sweetie... please handa akong magpakatanga basta bigyan mo lang ako ng chance! Mahal na mahal parin kita!" Lumuhod ito na umiiyak at hinawakan ang dalawang kamay ni Swen.

"Kahit hindi na lang para sa akin kundi para sa magiging anak natin na magkaroon ng isang buong masayang pamilya. Ayaw kong matulad siya sa ibang bata na watak-watak ang pamilya. Diba ayaw mo rin mangyari sa magiging anak natin?" Nagmamakaawa niyang pakiusap. Speechless naman ang dalaga.

"Lupe tumayo kana dyan!" Pinahiran niya ang kanyang luha.

"Tatayo lang ako basta sasabihin mo na gusto mo rin mabuo ang pamilya ng ating anak?" Tumango ang dalaga at ngumiti naman ang binata. Parang panaginip lang ang lahat.

"Gusto ko pero hindi ibig sabihin nun okay na tayong dalawa. Gagawin ko lang ito para sa anak natin." Niyakap siya ni Lupe at kumalas.

"Thank you Sweetie. I love you! I dont care if you dont love me anymore. Dahil maghihintay ako kahit gaano katagal basta buo lang tayo. Baka sakali balang araw matutunan mo rin akong mahalin muli. After mong magpahinga dito pupuntahan natin ang mga magulang mo at hihingin ko ang mga kamay mo sa kanila." Porsegido niyang sabi.

"Seryoso kaba?" Kinakabahan na siya.

"Oo naman! Basta para sa iyo at kay baby!"



(LOVELY POV)

Nasa sariling penthouse ako ni Troy pinatira. Si Troy palagi ang bumibili ng mga groceries ko kahit gusto ko ako lang bibili. Ayaw niya kasi akong mapagod. May isang kasam-bahay akong kasama. Kaya ko ang gawaing bahay pero yun na nga ayaw parin akong mapagod. Sa tuwing umaga naglalakad ako sa labas ayaw rin niya na wala akong kasama. Baka raw himatayin ako sa labas ay walang tutulong sa akin. Kailangan kasama ko parin ang katulong o kaya'y siya kapag hindi siya busy. Hindi na ako pumupunta sa school kundi sa penthouse na ako nag-aaral. Nasa balkunahe ako at tanaw ko ang malawak na lupain na binili ni Troy. Maaliwalas ang simoy ng hangin. Umaawit ang mga ibon. Ganitong buhay ang gusto ko iyong tahimik lang at sariwa ang hangin. Umupo ako sa isang upuan at hininimas ang maliit na umbok sa aking tiyan. Hindi pa siya halata ngunit excited na ako maging isang ina.

May nagdoorbell at binuksan ng aking katulong.
"Good afternoon Lovey!" Boses ni Troy. Paglingon ko nakangiti ito at niyakap ako.

"Lovey, may naghahanap sayo." Aniya at kinabahan naman ako baka si Fadz. Hindi naman siguro ako tatraydurin ni Troy.

"Sino?" Tanong ko at pumasok nga ang sinasabing bisita ko. Isang matandang babae na halatang mayaman dahil sa mga kasuotan nito at alahas sa katawan.

"Lovey, siya si Madam Min Fang Chen."

"Madam Min Fang Chen, ito si Lovely Rose." Pakilala ni Troy sa amin.

"Ikaw ba ang anak ni Carmecita Yasmin?" Nakangiti na tanong nito.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now