Chapter 95

539 8 0
                                    

(AUTHOR'S POV)

"Cristy?" Tawag ni Traenhz sa kanyang asawa na  nakabaluktot ng comforter sa kama habang nagbabasa ng aklat. Kakarating lang niya galing trabaho sa opisina. Pero hindi man lang ito sumalubong sa kanya. Kahit sana yakap na lang para mapawi din ang kanyang pagod. Kung dati ay sumasalubong ito na sabay hagkan siya sa labi o kaya'y sa pisnge at tinatanggal ang kanyang tuxedo. Kahit may katulong pa na nakatingin subalit ngayon wala na... Nasasaktan si Traenhz sa pagbabago ng kanyang asawa. Alam niya sa kanyang sarili na kasalanan niya kaya naging cold narin ang kanyang asawa.

"Good evening nakauwi kana pala." Bungad ni Cristy at binalik tuon ang mga mata sa binabasa. 'Wala man lang kiss? O kahit kumusta?' bulong ng isipan ni Traenhz. Siya ang lumapit kay Cristy at hinagkan ito sa noo na kinabigla ni Cristy.

Naghalf-bath siya at pagkatapos ay lumabas at wala man lang nakahanda na mga damit ibabaw sa kama kung dati everytime matapos siyang maligo o maghugas ay merun ng nakalagay. 

After niya'ng magpalit ay nahiga siya katabi si Cristy na nakatagilid. Sinandal ni Cristy ang kanyang likuran sa malaking unan para komportable siya sa kanyang posisyon. Nagseselos naman si Traenhz sa human size teddy na yakap-yakap nito matulog. Dati ako palagi yakap nito ngayon hindi na...Namiss niyang mayakap si Cristy. Maamoy ang buhok nito at ang kakulitan nito kapag sila lang dalawa. Ang mga ngiti o halakhak nito sa kanya. Lalo na ang pagiging bully niya minsan at ang paglalambing nito na tawagin siyang mahal ko.

"Kumain kana?" Tanong ni Traenhz sa nakatalikod na Cristy.

"Oo kanina lang." Mahinhin nitong sagot. Useless lang pala na kakain siya ngayon ay tapos na pala itong kumain.

"Wala ka bang gustong kainin?" Tanong ni Traenhz sa asawa. 'Dahil lang sa huling crave nito na latok na hindi ko nabili dahil iwan ng makita ko si Tenia sa entrance at nang bigla itong mawala ay lalo kong nakalimutan na inutusan pala ako ni Cristy at may asawa na akong tao lalo na yung papalapit siya sa aming dalawa. Bigla kasi akong naguguluhan kung bakit si Cristy ang pinakasalan ko at hindi ang dati kong crush na si Tenia na may crush rin sa akin.

Saka na ako natauhan at maalala na katabi ko pala ang aking asawa nang makita ko itong lumuluha. Lalo na yung nagwala siya at inilabas ang lahat ng kanyang galit. Alam ko na nadurog ko siya ng sobra sa aking ginawa. Doon ko mas napagtanto na hindi ko pala siya binibigyan ng halaga ang katulad niya na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at alagaan ako ng husto. Hindi lang siya ang aking sinaktan kundi pati narin ang aming anak na dinadala nito.

Mas lalo kong naisip na totoo ko pala talaga siyang mahal. Mahal na mahal ko pala si Cristy. Ang pagkagusto ko kay Tenia ay parte ng nakaraan sa college life. Ang totoo kong mahal ay ang aking asawa.

Natatakot ako na makipaghiwalay siya sa akin lalo na ng sinabi niyang okay lang sa kanya ang magdivorce kami parang niyanig ng mundo ang buo kong pagkatao sa mga katagang iyon. Nagseselos ako ng malaman ko na magkasama sila ni Tobby. Ang lalaking dapat sana ay asawa niya na ngayon at hindi ako...Ang lalaking caring sa kanya kesa sa akin. Mas maalaga at protective. Embis na protektahan ko siya mula kay Tenia ay binabalewala ko pa siya at galit ako sa aking sarili kung kaya't ganito na pakikitungo sa akin ni Cristy.

Tinatawag pa siya ng doktor na iyon na 'Lucky.' Ibig sabihin na swerte niya si Cristy?' bulong ng aking isipan. Hindi ito sumagot sa aking tanong kung kaya tiningnan ko siya at aba tulog na ito.

"Goodnight mahal ko. I missed the old you." Bulong ni Traenhz sa asawa. Ang akala niya ay tulog na ito yun pala ay nagpapanggap lang si Cristy. Hindi siya sumagot kanina sa tanong nito dahil wala siya sa mood na sumagot. 'I missed you sooo much din mahal ko.' Usal ng kanyang isipan. Sapagkat nagtatampo parin siya kay Traenhz.




"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now