Chapter 20

692 14 0
                                    

(LOVELY POV)

    Gabi na at heto nag-iisa naman ako muli sa condo habang nakadungaw sa may bintana. Inaantay ang pag-uwi ni Fadz. Palagi na lang ako iniiwan n'ya mag-isa at palagi na lang s'ya lumalabas na para bagang wala siyang asawa. Nalulungkot ako pagkatapos ba ng pitong buwan asan kaya ako dadalhin ng kapalaran? Mapapaibig ko ba s'ya? o ako ang mapapaibig n'ya? Magkaroon kaya ako ng magandang trabaho? Maging masaya kaya ako in the future? Matatagpuan ko ba ang future man ko? Magkakaroon kaya ako ng isang buo at masayang pamilya?. Ang daming bumagabag sa aking isipan ngayon.
   
     Napakatahimik ang buong paligid. Tanging tunog ng mga sasakyan ang aking naririnig. Mga ilaw sa palagid na aking natatanaw. Kanina sa canteen bumalik ako sa loob ng classroom habang inaantay si Swen. Mga ilang minuto nakabalik sila agad hinatid pa mismo ni Lupe si Beshie sa loob. Madaming mga mag-aaral na nabigla lalong-lalo na ang mga kababaihan. Hindi sila makapaniwala na ang isang nerd ay maging malapit sa isang Heartrob Womanizer ng Campus. Pagseselos ang nakikita ko sa kanilang mga mata.
    
       Buti na lang buo parin at walang gasgas ang aking beshie kundi malilintikan ko talaga si Lupe. Nakangiti pa ang mokong saka nilisan ang aming classroom pagkatapos n'yang maihatid si Beshie.
      
Hanggang unti-unti kong nararamdaman ang malamig na pagdampi ng hangin sa aking buong katawan. Sinara ko ang bintana at pumunta sa kusina. Nagtimpla ako ng isang basong gatas at ininom ito. Lumabas mula sa kusina papuntang couch at umupo saka sinandal ang ulo.

"Fadz nawa'y umuwi kana dalawang buwan na tayong kasal pero ganito parin ang pagtrato mo sa akin kailan ka kaya magbabago? Mapapabago kaya kita?. Bakit kaya biglang masikip muli ang aking dibdib. Siguro dapat magpacheck-up na ako sa puso".  Naitanong ko sa sarili.

   Mga ala una na ng madaling araw gising parin ang diwa ng aking isipan hindi ako nakaramdam ng antok kaya minabuti kong magbasa ng Physics Book. Habang nagbabasa kalaunay may kumatok. Agad akong tumayo at alam kong si Fadz na ito napapangiti ako habang papunta ng pinto. Sawakas umuwi narin ang aking asawa. Pagkabukas ng pinto agad naman napawi ang aking mga ngiti dahil ang buong akala ko si Fadz lang ay kasama pala n'ya si Sam.

    Bumangad sa akin ang amoy na alak si Fadz at Sam. Magkahawak kamay pa ang dalawa. "Good evening Fadz a-at Sam." Bati ko sa dalawa na pilit lang ang mga ngiti. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Fadz deretso lang ito sa loob at hinatak papasok at si Sam ay inirapan lang ako nito.
   
    Nilingon ko ang gawi ng dalawa na paakyat sa hagdan na pawang sweet pa at naghaharutan. Sinara ko ang pinto at nilock. Naging mabigat ang aking mga hakbang papunta sa aking silid. Hindi ko alam mas lalo atang sumikip ang aking dibdib parang hindi ako makahinga. Baki't ganito ang aking nararamdaman ngayon? Hindi talaga ako nirerespeto ni Fadz dinala pa talaga n'ya si Sam dito sa condo at ang masaklap pa ay magkasama sila ngayon sa kanyang kwarto. Ako ang asawa pero iba ang kanyang kasama.
   
       Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi ang alam ko lang ay malalim ang aking iniisip at mabigat ang aking saloobin kagabi ay nababalutan ako ng kalungkutan sa aking silid.
      
       Maaga akong nagising kaya dali-dali akong nagluto ng almusal pagkatapos ay naligo, nagbihis ng uniforme, nagsuklay ng buhok at lumabas upang ihanda ang almusal. Pagkatapos umakyat ako sa taas kung saan ang silid ni Fadz. Nakauwi na kaya si Sam? naitanong ko sa aking isipan. Bago paman ako makakatok ay may narinig akong ungol sa loob.

"Fadz diinan mo ugghhh...!sige isagad mo pa beb! uggghhh sarap!" Boses ni Sam iyon. Nanlalamig ako sa aking kinatatayuan.

"Beb malapit na ako!" Boses ni Fadz.

"Sige beb sabay na tayo!" Boses ulit ni Sam.  Nanginginig ang aking mga kamay at parang sinaksak ako ng kutsilyo sa aking naririnig.
      
     Dahan-dahan akong bumaba sa may hagdan na mabigat ang mga hakbang parang matutumba ako sa sakit. Hindi ko namalayan na dumadaloy ang mga preskong luha mula sa aking mga mata habang papuntang kusina. Nakatitig lang ako sa mga nakahandang almusal. Hanggang sunod-sunod ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi. Unti-unting naririnig ko na bumukas ang pinto sa itaas at alam kong sina Fadz at Sam ay bababa na kaya agad kong pinunasan ang mga luha at pinakalma ang sarili saka umayos sa pagkakaupo.
    
"Good morning F-Fadz at S-sam nakahanda na ang mga pagkain." Nakangiti kong bungad sa dalawa na pawang hindi pa naliligo. Inirapan lang ako ni Sam at si Fadz ay walang ka emosyong tiningnan ako at saka hinila ang isang upuan na katabi sa kanya na may kasamang ngiti at pinaupo si Sam. Gentleman siya kay Sam at ang Sam kinikilig pa.
       
        Habang kumakain kami ay Sweet ang dalawa sinubuan pa n'ya si Sam at ako ay nakayuko lamang nasasaktan sa nakikita. Harap-harapan ko pa mismo na sinusubuan din ni Sam si Fadz at agad naman nag-nganga ito na may matamis paring ngiti. Parang gusto ko umiyak sa harapan nila bagkus pinipigalan ko ang aking sarili nakakahiya kung ganun baka pagtatawanan pa ako at ako ang kawawa. Parang hindi ako nag exist sa harapan nilang dalawa. Dali-dali akong kumain at tumayo na kinabigla ng dalawa pero hindi kuna sila pinansin. Agad ako naghugas ng mga kamay at nagsepilyo.
       
        Pagkatapos kumain ng dalawa bumalik sa taas at agad ko niligpit ang pinagkainan at nagsuot ng apron at hinugasan ang mga pinggan. Mga ilang minuto rin ay agad na natapos at saka kinuha ang sling bag kong itim at nauna sa dalawa sa school. Alam ko rin naman na hindi ako ihahatid ni Fadz kaya mas minabuti kong mauna na lang ako sa kanila.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now