Chapter 94

574 11 2
                                    


__________ONE WEEK LATER ..... _________


(LOVELY POV)

      Sobrang ganda ni beshy Swen sa Half Sleeves Sheer Neck Luxury Crystal Shiny Wedding Dress. Ang style ng kanyang buhok ay waterfall braid na nilagyan ng hot sell delicate flower hair jewelry.  European wedding ang style ng dress at pati narin ang mga palamuti sa venue. Dito sa Xiao Beach Resort gaganapin ang mala-bonggang wedding. Ang motiff ng kulay nila ay olive green at saka brown color. Kahit ang suot nitong flat shoes ay napabalutan ng mga kumikintab na crystals. Lima ang flowers girls na parang mga anak ng mga diwata sa gubat.
     

Ang dalawa ay si Zendaya at si Lucy syempre hindi siya dapat magpapahuli sobrang ganda nilang dalawa. Si Lucy ay copy paste sa ama, girl version ni Lupe. Ang isa ay kamag-anak ni Swen at ang dalawa ay kay Lupe. Lima rin ang kanilang groomsmen at ganoon rin ang bridesmaid. Ang best man ay si Fadz at ako ang Maid of Honor. Total hindi kami kasal while si Traenhz ay kasal na kaya hindi na siya pwede. But, siya at si Cristy ang candle lighter. Ang sampung couple sponsors ay mga bibigating tao sa larangan ng business world. Mayroon ring mga kamag-anak na Chinese ang dumalo at kamag-anak rin nila beshy.
     

My handsome son ang ring bearer. Ang bible bearer at coin bearer ay mga pamangkin ni Lupe. Ang usherettes ay si Troy na gusto maging usherettes iwan anong sumagi sa kanyang isipan. Gusto daw niya magkaroon ng ambag sa wedding ni beshy at mga kasama niya ay pinsan ni Swen at Lupe na mga babae at bakla na palaging dikit na dikit kay Troy buti nga sayo hahaha...

Nagtataka nga ako kung bakit wala si Sam inimbitahan pa naman sana siya ni beshy. Isang linggo na ang nakalipas hindi ko na siya nasilayan muli simula nung siya ang nagbabantay sa kambal. Si Traenhz at Cristy hindi pa sila bati pero umuwi na siya sa mansyon nila. Malaki rin ang pinagbago nito dahil hindi na siya clingy kay Traenhz. Kung dati dikit na dikit ito at palaging nakasandal sa balikat ni Traenhz ngayon hindi na...may two inches ang pagitan nilang dalawa. Hindi na rin ito nagdadaldal kay Traenhz kundi sa kasama niya sa mesa. Alam ko narin ang buong katotohanan tungkol kay Sam at Troy. What a small world biruin mo ang pinsan ko ay inlove pala noon pa kay Troy na may gusto sa akin at minsan din naging sila ni Fadz na may gusto rin pala sa akin.

Ang ganda ni ante at uncle sa kanilang outfit. Bitbit ni beshy ang white bridal boquet of roses. Habang napagitnaan si beshy na super ganda rin. Si Lupe ay umiiyak nang papalapit na ang kanyang bride.

(SWEN POV)

Habang naglalakad kami ng dahan-dahan sa buhangin papunta sa harap ay kinakabahan ako ng sobra. Parang gusto kong maihi sa kaba at nanlalamig ang aking mga kamay. Ikakasal na nga talaga ako sa lalaking minahal ko mula highschool at ngayong isa na akong professor at ang apelido nito ay dadalhin kuna.

Binitawan na ako nila inay at itay at nagmano naman si Lupe sa kanila. 'Wait umiiyak siya?'

"Ingatan mo anak namin." Bilin nila mama at papa.

"Oo po ma and pa." Magalang nintong sagot. Tinapik lang siya ni papa sa balikat nito at naupo sila kung saan ang kanilang upuan.

"Sweetie baki't ka umiiyak?" Tanong ko kay Lupe.

"I dont know sweetie hindi ko lang talaga maiwasan hindi maiyak." Aniya at panay punas pa ito sa kanyang luha.

"Alam mo ba ang trending ngayon? Halos ang naghihiwalay ay yung mga kinasal na umiiyak ang lalaki." Iyon naman talaga ang totoo. Huminto ito sa pangsinghot at kunot noong nakatingin sa akin.

"Sweetie huwag mo nga akong tinatakot." Nguso nito. Halatang nagbago na nga ang aking dating crush at tumawa ang nasa palagid. Saka pa namin napagtanto kami lang pala ang hinihintay na makapagtapos sa pag-uusap para simulan ang seremonya ng kasal. Akward naman kami pareho at binatokan ko siya sa braso at ngumiti lang ito. Tiningnan namin si pastor na magkakasal namin kasi nga dacons si papa sa simbahan tapos ang anak niya pasaway saka na kinasal na may ebidensya na kaya mas pinili ko ang beach wedding kaysa sa simbahan ay dahil nahihiya ako sa kataas-taasan na hindi na ako pure o birhen na babae na haharap sa altar. Pinako ko kasi ang aking pangako sa kanya. 'Ayan Swen umiinom ka kasi tapos nagpagalaw ka agad na hindi pa kayo magjowa, wrong timing.' Sapagkat nagkasala man ako ay alam kong naiintindihan niya ako and still He still loves me and forgive me. Ngumiti lang si pastor at sinimulan ang seremonya.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now