Chapter 69

599 13 2
                                    


      Unang panliligaw ko ay nags*x kami agad sa condo unit nito. Akala ko matino siya at akala ko birhen pa siya. Nadismaya man ako ay pinagpatuloy namin ang aming relasyon. Hanggang tuluyan na ngang nahulog ang loob ko sa kanya dahil ang akala ko ay mabait ito. At unti-unting nawala ang nararamdaman ko kay Rose. Gayunpaman ay nakamaskara pala si Sam. Retokada pala siya at nalaman ko sa panahon na inaway niya si Rose. Dinig na dinig ko ang katagang 'retokada'. Nabigla ako at parang hindi ako naniniwala. Gusto kong pigilan si Sam at pagalitan siya kasama ang kanyang mga bestfriend na huwag saktan si Rose.

    Nasa malapitan lang ako nakatago sa may puno ng sasampalin na si Rose ni Sam ay dali akong lumabas sa tinatagoan ko bago paman ako makahakbang ay napigilan ni Troy si Sam. Hindi ko alam na kasing kidlat sa bilis si Troy na dumating. Dinaig pa niya si Flash. Nasa malapitan lang din pa siya mula Kanina? Mas lalo kong napagtanto na kaya ni Troy ipaglaban si Rose? Iyon ang habilin ni dad na ipaglaban ko si Lovely pero hindi ko nagawa. Kaya niyang ipabagsak ang kumpanya nila Sam para lang kay Lovely? Naiinis ako sa aking sarili. Monternel nga ang aking pinsan ayaw niyang may inaapakan lalo na alam niyang mabait ito.

Inaamin ko na simula na umuwi sa pilipinas si Troy ay naliwanagan ako sa aking kalooban. Nalaman ko rin sa aking sarili na ayaw kong nakisalamuha siya sa ibang lalaki lalong-lalo na pagdating sa kay Troy at lalo na kay Traenhz na bestfriend ko mismo ay may gusto rin kay Lovely matagal na siguro sa highschool pa kami. Doon ko rin nalaman ang kanyang halaga na si Lupe una mismo nakakita kay Rose na may kahalakhakan ito sa canteen. Kapag ako ang kasama ay hindi man lang ito magawang tumawa. Bigla akong nakaramdam ng galit. Alam ko rin na ako ang dahilan kaya napawi ang kanyang mga tawa dahil hindi maganda ang aking pakikitungo sa kanya nung nalaman ko na ang ama niya ang first love ni mom. Mula noon ay hindi kuna nakikita siyang humahalakhak tanging simpleng ngiti lang ang naibibigay niya sa akin.

Galit rin ako ng malaman ko na magkasama sila ni Troy na umiinom ng milktea. Si Troy din pala ang kasama niya sa canteen. Mula noon nakaramdam ako ng takot na mabaling ang atensyon niya sa iba. Mas kinaingit ko na dinala ni pinsan si Rose sa birthday party ni Valker Wang. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kagandahan niya. 98 percent ng mga kalalakihan sa party ay nahuhumaling sa kanya. Sobrang ganda niya at tama si Lupe parang siya ay si Aphrodite ng goddess of love. Matiim ko itong tinitigan kahit hindi naman ako nakikita ni Lovely. Hinawakan ni Troy si Lovely sa baywang nito na mas lalong kinagalit ko. Hindi naman nagreklamo siya nagrereklamo. Gusto kong sapakin si Troy kung hindi lang sana ko siya pinsan. Matamis ang ngiti ni Rose na mas lalong nagpaganda sa kanya. Di ko maatim na lantaran pinapakita ng aking asawa ang maputing cleavage nito na mas lalo naging hot siya. At manipis ang casual na suot niya kaya klarong-klaro ang mahubog niyang katawan. Bigla akong nang-init samahan pa ang mainit kong ulo. Galit na galit ako. Kaya hindi ko pinalampas ang gabi na hindi ko siya maangkin. Gusto kong sabihin sa kanya ang maramdaman ko pero naging duwag ako kaya dinaan ko na lang sa paghalik sa kanya.
Sa panahong magkasabay sila palagi ni pinsan papasok sa eskwela at yung magkasama sila sa iisang payong at dinalhan pa niya ng tanghalian. Akala ko para sa akin ang niluluto niyang chowfan at beefsteak para kay Troy pala iyon.

*END OF FLASHBACKS*

Mula ng sandaling iyon alam ko sa sarili ko siya parin pala. Siya parin pala ang nilalaman ng puso ko. Lust lang pala talaga ang nararamdaman ko kay Sam. Nasa kailaliman lang pala nakatago ang pag-mamahal ko kay Lovely Rose. Tinabi ko lang pala iyon. Nahukay iyon ulit simula ng bumalik sa pinas si pinsan. Siya parin pala ang babaeng una kong minahal. Asawa kuna siya pero naging bato pa dahil kay Samantha. Asawa kuna siya pero ngayon wala na yung babae na walang ibang ginawa kundi mahalin ako at pagsilbihan ako. Masakit tama lang na sinuntok ako at tinadyakan ng aking pinsan. Deserved ko rin ang masaktan. Hindi maiwasan na hindi ako mapaiyak. "Mahal na mahal parin kita love. Sana darating ang araw na mapatawad mo ako. Sana... mahal mo parin ako..." Mapait kong pakiusap sa larawan niya.


"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now