Chapter 91

532 12 3
                                    

(TRAENHZ POV)

      
       Buong magdamag ako hindi makatulog sa kakaisip sa kanya. Parang hindi na ako nasasanay na wala ang kanyang presensya. Buong silid boses niya palagi ang aking naririnig.
      
Madaling araw na ngunit hindi parin ako makatulog. Nasa balkunahe ako tanaw ang malawakang syudad sa manila. Magulo ang aking pag-iisip at sobra akong naiinis sa sarili ko. Kung hindi ko sana iyon ginawa ay malamang sa mga oras na ito ay katabi ko parin siya. Palagi pa naman iyon sumisiksik sa aking leeg at nagpapalambing. Lagi akong ginigising rin sa hating-gabi para lang kumain. Ayaw niyang ginigising ang taga-luto namin kundi gusto niya ako mismo ang magluluto para sa kanya. Iyong tipo na hindi ko naiintindihan ang nararamdaman niya kasi minsan nagagalit ako dahil nga antok na antok pa ako at pagod mula sa trabaho pero kinukulit parin ako palagi.

Ngayon naiintindihan kuna... kailangan ko talaga ng mahabang pasensya para sa kanya. Kakaiba pala sa pakiramdam kapag iyong tao na nakasanayan muna ay bigla na lang mawawala ay parang hindi ka buo. Parang ang daming kulang...Tatlong taon rin kami nagsasama bagkus paano niya nakayanan ang pagiging cold husband ko? Paano niya ako naiintindihan? Nagsasawa na ba siya sa ugali ko? 'Shitt napapahula na lang ako habang iniisip siya'.
Kalaunay tumunog ang aking cellphone. Caller id: Mr. Lonzo. Sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

"Sir good morning! May nakuha kaming larawan sa isang professional photographer. Si mam Cristy itong nasa larawan at...mukhang may ka-kasama siyang lalaki sa tabi ng baybayin. Pinaiimbistigahan din namin kung sino ang lalaking kasama niya." Balita ng lalaki na mula sa isang agency.

"Gusto ko makita ang larawan. Paki-email sa akin ngayon." Utos ko.

"Okay copy sir."

"Higit sa lahat pakisabi sa photographer na huwag ilagay sa exhibit ang larawan. Dilikado kapag makita ng publiko kaya kung pwede babayaran ko siya kahit gaano kalaki ang halaga. Ayaw kong papyistahan ang aking asawa. Baka masira pa ang kanyang reputasyon. Pakihinge rin sa lahat ng impormasyon na merun ang photographer na iyan. Ako na mismo ang makipagkita sa kanya ng personal."  Saad ko kay Mr. Lonzo sa kabilang linya.

Mabilis kong natanggap ang larawan sa aking email. Binuksan at tiningnan ko, bumungad sa akin ang umiiyak kong asawa na nakayakap sa isang lalaking nakabonet . Alam kong siya dahil sa suot nito. Nakaramdam ako ng pagka-inis at parang gusto kong manuntok. Kinuyom ko ang aking kamao ng magtitigan silang dalawa sa pangalawang larawan. Ang inaakala ko na isang larawan lang ay limang piraso pala ito. Pangatlong larawan ay pinasuotan siya ng jacket at ginawang hijab ang shawl. Pang-apat ay nakatalikod silang dalawa. Ang pang-lima ay kapwa sila nakangiti na may kuhang isda? Namimingwit sila? mas kinuyom  ko pa ang aking kamao nang mamukhaan ko ang lalaki. 'Tobby Crew?' wala siyang dalang phone paano sila nagkita? Coincidence lang ba pagkikita nila? Kasabay ng panahon?

Parang gusto kong durugin ang larawan nilang dalawa. Huminga ako ng malalim para hindi na ako sasabog sa galit. Ngayon, alam kuna kung saan siya hahanapin. Tinatago lang pala siya ng doktor na iyon.

Hindi ako natulog inayos ko lang ang sarili ko at saktong alas sies ng umaga. Pinaharurot ko agad ang aking sports car papunta sa lokasyon kung saan nakatira ang doktor.

Pagdating ko ay magdoorbell ako at ang bumungad sa akin ay ang doktor.
"Oh Mr. Kirigiwa? You're so early. Anong kailangan  mo?" Aniya na mukhang kagigising lang.

"Kailangan ko ang aking asawa. Saan si Cristy?"
Sagot ko sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko hindi muna kailangan ang iyong asawa." Aniya na nakapamaraso.

"Paano mo masasabi? Sinabi ko ba na hindi ko siya kailangan?" Sarkastiko kong sagot.

"Well, kung pumunta ka man lang dito para sa kanya ay nag-aaksaya ka lang ng panahon."

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now