Chapter 60

621 12 0
                                    

(AUTHOR'S POV)

"Hayop ka! How dare you para saktan ang boyfriend ko!" Galit na saad ni Kessy at akmang susugurin niya si Lovely. Mabilis naman ang kamay ni Traenhz sa paghawak sa braso ni Kessy upang mapigilan.

"Ano ba Traenhz?! Pati ba ikaw kakampihan mo ang tomboy na iyan?!" Naiinis na nakatingin si Kessy kay Traenhz. Habang hawak parin ang braso niya.

"Wala akong kinakampihan. Huwag ka makisawsaw sa away nila." Malumanay na tugon ni Traenhz.

"Eh look sinaktan nila ang mahal kong Lupe! Ano sa tingin mo ang gagawin ko ha?! Dapat lang makisawsaw ako! Teka nga lang dapat diba kakampihan mo ang bestfriend mo?!" Nagbabagang inis ni Kessy. Binitawan ang kanyang braso at bago pa makasugod si Kessy kay Lovely ay nagsalita ulit si Traenhz na kinahinto niya.

"Kung ayaw mong makinig sa akin tatawagan ko ang iyong dad na may boyfriend kana." Akmang magdial na si Traenhz sa kanyang cellphone. Lumingon si Kessy na kinaputla niya at agaran na lumuhod sa harapan ni Traenhz.

"No! Huwag please Traenhz! Magagalit si Dad! Parang awa muna!" Umiiyak si Kessy.

"Ayaw na ayaw ni Dad na pumasok ako sa isang relasyon dahil ang gusto niya na m-makapagtapos muna at saka na ako magka-boyfriend bagkus sinuway ko siya... Please ayaw kong magalit si Dad. Parang awa muna...promise hindi ko sasaktan si Lovely Rose. Basta huwag mo lang tawagan si Dad..." Nagsusumamong Kessy. Natahimik naman ang lahat.

"Mabuti na yung malinaw Kessy. Hindi ko kakampihan ang bestfriend ko kung babae lang naman ang kaaway niya. At may dahilan din lahat kung bakit natamo ni Lupe ang nangyari sa kanya ngayon. He deserved it! Tumayo ka diyan nakakahiya ka." Naiirita nitong utos. Tumayo naman Kessy at niyakap si Traenhz. Nagselos naman si Cristy sa ginawa ng kanyang bestfriend na si Kessy. Ang Traenhz ay nakatayo lang na wala man lang emosyon. Kumalas si Kessy at pinahid ang kanyang mga luha.

Si Kessy ay natatakot siyang parusahan ng kanyang Dad. Kung alam lang sana ng kanyang ama na hindi matino ang nag-iisang anak niya ay tiyak na mapapatay niya ito. Pangalawang lalaki niya si Lupe. Ang unang boyfriend nito ay naghiwalay na sila pagkatapos maangkin ang iniingatan nito. At nung panahon na nagconfess siya kay Lupe ay agad silang nagtalik. Sobrang saya niya ng mga sandaling iyon dahil matagal na niyang mahal si Lupe at mas lalo pa niya itong minahal dahil sa magaling ito sa kama. Pinapaligaya siya palagi ng binata noong panahon na hindi pa naging sila Lupe at Swen.

"Beb okay ka lang ba?" Nagkukunwari na tanong ni Sam kay Fadz. Subalit hindi sinagot ang tanong ng dalaga. Naiinis kasi siya na tinangay ng kanyang pinsan si Lovely. Nakita ni Sam sa mga mata ni Fadz ang inis. 'Don't tell me Fadz nagseselos kana?' tanong ng isipan ni Sam. Mas lalong nainis si Sam dahil kay Lovely. Feeling niya pag-aari na ni Lovely ang dalawang lalaki. Nasa kalayuan na si Lovely at Troy at nakaramdam ulit ng selos si Sam. How i wish na ako si Lovely at hawak ni Troy ang aking beywang. Gayunpaman malabo itong mangyari... gusto niyang saktan si Lovely ngunit natatakot siya sa anumang gawin ni Troy sa kumpanya ng kanyang dad at ayaw rin niya na mas lumayo ang loob ng binata sa kanya.

Umalis bigla si Fadz na walang emosyon. Si Cristy ay nakabuntot parin kay Traenhz na paalis na...Si Swen ay umalis narin papuntang department. Si Kessy inalalayan niya si Lupe kahit ayaw ni Lupe ay pinipilit niya ang kanyang sarili para maigamot ang binata.

_______________CONDO UNIT______________

(LOVELY POV)

Pagdating ko sa condo agad ko hinugasan ang bayabas na binili namin ni Fadz sa park nung niyaya niya akong lumabas. Kaya lang siguro ako niyaya nun dahil gusto akong maangkin sa gabi. Tsss... heto na naman ako umaasa na mahalin niya. Naglagay ako ng kunting asin at suka sa may platito. Ummm...natatakam na ako... Hmmm... Sobrang sarap... Hindi na ako nagsaing dahil marami pa ang kanin. Ininit ko na lang total hindi uuwi ngayong gabi si Fadz. Kasi...kasama na naman niya ang kangyang mahal. Masakit isipin na parang parausan lang ako at hindi naman kailangan. Napapaluha tuloy ako habang iniisip ko ang sitwasyon na merun ako ngayon.

Naubos ko ang isang buong bayabas at nawalan akong gana kumain ng kanin. Tumungo ako sa banyo upang maghalf-bath at pagkatapos ay nagbihis. Bago pa man ako nahiga ay nakatanggap ako ng text mula kay Troy:
'Goodnight lovey. Sleep tight! See you tomorrow." Napapangiti naman ako at magrereply sana ako pero wala na pala akong load. Nahiga na ako sa malambot kung kama. Naalala ko bigla ang ginawa kong pagsuntok sa ex nang bestfriend ko. Nagamit ko rin sawakas ang matagal ko ng tinatago. Only my beshy ang may alam na isa akong kungfu black belter nung highschool. Kahit si Fadz hindi niya alam. Pati narin si Mom Buzz wala siyang kaalam-alam na sumasali ako sa isang Watai Kungfu Club. Nagtaka pa sila noon sa tuwing umuuwi ako sa kanila marami akong mga pasa sabi ko napaaway lang. Sa katunayan hindi ako expert pg ng mga panahon na iyon at hanggang sa natuto ako at ginawad sa akin ang kungfu black belter.



(LUPE POV)

Hindi ako umuwi sa mansion. Nanatili ako sa aking condo unit. Nagamot na ang aking mga pasa sa mukha. Habang nakaharap ako sa salamin parang...pumangit ako sa aking hitsura. Hindi ko akalain na tutuhanin niya ang kanyang banta noong nasa canteen kami at nang panahon nayun ay hindi pa kami ni Swen. Sobrang sakit niyang manuntok na para isang lalaki. Boyish nga naman. Bigla ko naalala ang sinabi ni Traenhz. Yes, i deserved it! Deserve ko ang upakan ni Lovely Rose dahil sinaktan ko ang bestfriend niya.

I missed her presence, i miss her innocent smile and laugh, i miss her wonderful eyes, i miss her efforts, i miss her smell, i miss everything about her. I missed you nerdy. My Sweetie...bulong ng aking isipan habang nakatingin sa kanyang larawan. Stolen shoot ito na kinuhanan ko sa campus habang nakangiti. Hindi niya alam na madami akong stolen pictures niya dito sa aking cellphone. Ang mga larawang ito ay kuha una sa campus habang nagpaint siya at sa soulmate cuisine, sa davao nung sinama ko siya upang kumain lang ng squid grill, sa bar, sa penthouse, sa labas ng kampus, sa condo unit ko habang nagluluto siya ng makakain namin at marami pang iba. Ngayon, she change a lot. I know ako ang dahilan at ngayon ko lang nararamdaman ang magselos, ang ma-miss ang isang importanteng tao na sinayang ko. Bakit sa dinadami ng lalaki sa mundo bakit si Valker Wang pa?

Nakaramdam ako ng takot sa sarili. Ngayon ko lang napagtanto na mahal na mahal ko pala talaga siya. Natatakot ako na mahulog ang loob niya kay Val. Si Val gentleman, hindi babaero at romantic pa. The worst is gusto siya ni tita Yuni ang mommy ni Val. Tapos... nahuhulog na din ang loob ni Val kay Swen. Nasasaktan ako shittt fuck! Baki't kailangan kong maramdaman ito? Nakarma na nga ako!

Kinuha ko ang isang bote ng alak at agad nilagok. Hindi na ako gumamit ng baso. Sa dami ng babae ko sa kanya lang ako satisfied. Simula ng maghiwalay kami parang madami ang kulang. Nararamdaman ko sa aking sarili na parang may hindi ako buo...parang may mali na hindi ko masabi. Mga sandali na hindi siya nakinig sa explanation ko nang sinuprisa ako sa aming secret hideout. Gusto ko talaga siya habulin ngunit pinigilan ako ni Traenhz dahil ano pa ba daw ang silbi ng aking paliwanag kong narinig na ng lahat ni Swen. Palagi siya ang hinahanap ng aking diwa at tuwing pumupunta ako sa bar madaming babae mag-aya ng sex datapwat siya palagi naalala ko sa tuwing kasiping ko ang mga babaeng anak mayaman din katulad ko.

Minsan nagtry ako na pumunta sa kanila sinabi ng magulang niya nagtatrabaho ito at tuwing weekend minsan lang umuuwi. Hindi binigay ng kanyang mga magulang ang address. Tinawagan ko siya pero hindi na niya ginamit ang sim nito na mas lalong kinainis ko sa aking sarili. Gusto kong marinig ang cute nitong boses. Gusto ko siyang mayakap muli at malasap ang matamis nitong labi. Mas lalo akong nagalit sa sarili ng lumipat ito sa education department. Talagang iniiwasan ako nito.

Sa biglaang pagtransform nito sobra akong na amazed at lalo akong nagselos na hinawakan ni Val ang beywang nito. Gusto kong manapak ng mga sandaling iyon pero pinipigilan ko ang aking sarili. Wala ako sa lugar para suntukin si Valker. "
"Shittt baki't ba ako napapaluha? Damn you self!" Natatawa ako ng mapakla sa aking sarili at inubos ang alak sa may bote.

"Mahal na mahal pala talaga kita..." Usal ko habang nakatingin sa wallpaper ng aking cellphone. "Kahit nerd maganda ka pala talaga." Yes siya ang nakawallpaper sa cellphone ko simula ng maghiwalay. Hindi ko alam kung baki't siya ang naisipan ko at sa kanya ko lang nagagawa ang mga ganitong bagay.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now