CHAPTER 2

1.4K 25 0
                                    

(AUTHOR'S POV)


          Nakatulog narin ang binata at ang dissposavol glass ng iniinom nitong kape ay nasa katabi ng lampshade kasama na doon ang phone . Ang dalaga na nasa kabilang kwarto ay himbing na himbing ang pagkakatulog.

Kinaumagahan maagang gumising ang dalaga at dali-daling nilinis ang buong loob ng condo ng boss. Siya ay naghanda ng almusal. Nagmap sa tiles. Nilabhan ang kunting labahan gamit lang ang mga kamay. Tapos sinampay sa labas ang mga nalalabhan na at nagwalis ng bakuran, dinidiligan nito ang mga pananim na bulaklak. Kinakausap ang mga 'to upang lalong mamukadkad. Naligo siya at nagbihis narin.

Pagkatapos ginising ang boss niya na sa loob ng kwarto. Buti na lang madaling gisingin kasi minsan mahirap ring gisingin si Fadz.

Pagkagising ni Fadz nakasimangot na agad. Tanging si Lovely lang ang bumati sa boss nito ng "GOOD MORNING BOSS!" sabay ngiti ng matamis.

Ngunit tinapunan lang siya ni Fadz ng tingin at pumasok sa loob ng banyo para maligo. At saka nilisan ni Lovely ang kwarto ni Fadz upang timplahan ito ng kape sa umaga. Nescafe black ang gamit nito tuwing umaga. Sa gabi ay capuccino. Ilang sandali pa ay nakalabas narin ang binata mula sa pagkakaligo.

Nakasuot pa ito ng bathrobe habang abala si Fadz sa pagpunas ng basang ulo. Pagkaupo ni Fadz ay tinigilan niya ang pagpunas sa ulo at ininom ang kape. Kumagat kunti ng sandwich. Dinala ang kape sa loob ng kwarto nito at sinara ang pinto. Naiwan si Lovely sa kusina na mag-isang uminom ng gatas at kumain waffles. Dahil paborito ni Lovely ang waffles with hotdog.

Nauna na si Fadz sa school gamit ang magarang kotse. Samantalang si Lovely ay kakalabas pa lang ng condo. Mula sa paghuhugas ng pinggan, pagOff ng plangka sa condo, pagclose sa mga gripo, pagclose narin sa gasul at pagsara ng mga bintana at mga pinto sa Exit and Entrance. Nagcommute pa siya ng tricycle hanggang nakarating na siya sa silid aralan.

Mabuti na lang hindi pa siya nahuli sa klase. Kakasimula lamang sa math subject. Isa sa mga assignatura na ayaw niya. Ayon pa sa kanya "I hate solving problem numbers. It makes me sick!" nawika niya sa sarili.

Bumati muna siya sa binatang guro na si Ginoong Gledd Himua. "Good morning sir Gledd!" bati ni Lovely na nakangiti. "Good morning din Lovely!" sagot ng guro.

Umupo si Lovely sa upuan nito kung saan katabi niya mismo ang bestfriend niya si Swen. Ang nerd na palaging naka-salamin ang mata. Nag-apir ang magbestfriend at kapwa kumindat sa isa't-isa saka humarap sa pisara. Para silang mga baliw at sila ring dalawa ay may ganung moves. They are bestfriend since sa elementary till ngayong 4th year college na sila. Sabay silang kumakain tuwing tanghalian o di' kaya'y snacks time. Tanging si Swen rin ang may alam na si Lovely ay working student kina Fadz Monternel.

Habang nagdiscuss ang guro na si Sir Gledd lahat ng mag-aaral ay nakikinig sa kanya. Maliban sa isa at yun ay si fadz.





(LOVELY POV)


      Ang lalim ng iniisip ni fadz hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon. Kahit mukhang wala siyang naririnig pero alam ko na ang tainga niya'y nakikinig. Alam na ni sir Gledd ang ugali na merun si Fadz. Kaya hindi na niya ginambala ang malalim na iniisip ni fadz. Habang nakatingin si fadz sa bintana abala rin ako sa kakatingin sa kanya.

Maamo talaga ang kanyang mukha pero mukha lang kasi yung totoo ang sungit niya sa akin. Lalo tuloy tumaas ang ilong ni fadsz na nakatagilid siya. Ang ganda ng porma, greek nose. Parang ilong ko narin.

Hangga't natapos na ang aming klase. Nagpaalam kami sa aming guro. Lumabas si Fadz kasama ang dalawa nitong kaibigan sina Traenhz and Lupe. Ang mga badoy at mga kilalang playboys sa school wala silang kinikilalang babae. Basta't type nila o type sila ay go with the flow ang mga boys.

Traenhz medyo mabait kunti at may pagka gentleman. Ayun lang sa sabi nila. Di' ko pa naman na patunayan. Si Lupe naman ayon ng bestfriend ko ay madaldal at makata kaya't nahahalina ang ibang girls sa kanya. Ang lakas ng chemistry niya sa mga girls. Lahat sila ay anak mayayaman.

Si Fadz siya yung matalino sa kanilang tatlo. Tahimik at mas gwapo. Kaya't madaming babae ang tumitili sa kanya sa tuwing siya'y nakikita nila. Hindi siya mahilig lumalapit sa girls. Ang mga girls kusa ang lumalapit sa kanya. Maliban kung si fadz ay may gusto rin sa isang babae o kaya'y gusto niya itong paglaruan.

Wala sa kanya ang katagang "seryoso o may commitment sa isang relasyon " for him fun daw ang paglaruan ang feelings ng mga babae."

For now andito kami ng bestfriend ko sa canteen. Nag-order ako ng waffles. Syempre waffles is my favorite while Swen my bestfriend nag-order din siya ng one yum burger with pineapple juice. Nag-order narin ako ng pineapple nakigaya lang sa bestfriend ko. Abala kaming ngumunguya at kasabay na doon ang chikahan.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now