Chapter 53

612 13 0
                                    

________________3 WEEKS LATER__________

(SWEN POV)

     After naging kami ni Lupe sobrang saya ko. Pinaramdam niya sa akin na importante ako at katangi-tanging babae para sa kanya. Yun lang nitong makaraang linggo ay ako itong panay text at tawag sa kanya. Minsan matagal siyang magreply at sumagot man lang sa tawag ko. Ni' minsan kapag umaga ako nagtetxt gabi na siya nagrereply. Busy raw siya sa business ng dad niya. Kaya inintindi ko na lang ang lahat dahil maliban sa mag-aaral siya ay isa rin siyang business man. Dati rati walang minuto na hindi siya nagtetxt o tumawag man lang. Palagi kaming nagsisiping ika niya naadik raw siya sa akin  kinilig naman ako sana nga sa akin lang siya maaadik 'wag lang sa iba. Sana patuloy ko siyang mabago. Friends kami sa Fb, IG, Twitter and sa WhatsApp. Pero ngayon maliban na lang siya nagpaparamdam sa akin na mi miss ko na siya ng sobra.

       Napagpasyahan ko na dalawin si Lupe sa secret hide out nila ni Traenhz at Fadz, malapit lang sa aming campus. Naka bestida ako ng kulay berde na lagpas tuhod. Naglagay ng kunting polbo sa mukha. Nagperfume para mabango naman ako kahit papaano. Nakaponytail ang aking buhok  dahil ayaw kong maglugay eh sa kulot ang buhok ko at pangit tingnan para ako isang mambabarang. Kinuha ang aking shoulder bag na pink at suot parin ang makapal kong salamin sa mata. Sinuot ko ang aking flat shoes na maitim ang kulay.


(AUTHOR'S POV)

     Narating ni Swen ang sinasabing hide-out mismo ng binata. Dala nito ang portrait art na charcoal painting na pinagawa sa kanya ni Lupe. Sa susunod na linggo na ang dealine kaya naisipang dalhin niya at si Lupe na ang pumasa sa professor nila. Nasa harapan na siya ng pinto nakabukas ito kaya hindi na siya nag-abalang kumatok pa. Huminga muna siya ng malalim at dahan-dahang lumakad. Bago paman siya makatatlong hakbang ay narinig niya ang tanong ni Traenhz kay Lupe.

"Mukhang seryso kana kay Swen Lupe ah!" Pang-alaska ni Traenhz.

"Mukhang inlove kana yata sa kanya!" Sabat ni Fadz sabay lagok sa alak. Ngumisi muna si Lupe bago nagsalita.

"Kayo talaga parang hindi ninyo ako kilala. Ako magseryoso?" Turo nito sa sarili.

"Ano pala tawag dun sa pinapakita mo sa kanya?" Nagtatakang Traenhz.

"Part of my plan." Ngisi nito.

"Alam ninyo naman na hindi ko type ang isang nerd. Masarap lang talaga siya kaya binabalik-balikan ko. Dagdag niya. Nanigas naman si Swen sa kinatatayuan sa narinig.

"Akala ko pa naman nagseryoso na talaga ang isang Lupe." Boses ni Traenhz sabay lagok sa alak at saka nilapag sa maliit na mesa.

"Gusto ko siya bilang isang mabait na babae. Pero hindi ko siya type. Hindi naman siya kagandahan eh and most of all hindi ko siya mahal. Sabi niya mahal na mahal raw niya ako matagal na halata namang inlove ang nerd na yun sa akin!" Tumawa ito. Parang binagsakan ng langit si Swen sa narinig. She scattered into pieces parang gusto na niyang umiyak. Pero pilit niyang pinipigilan ang sarili. Tumuloy siya sa isang sulok kung saan nag-uusap ang tatlo.

"Paano si Swen n-niyan?" Usal ni Fadz na makitang biglang sumulpot si Swen. Nagulat naman siya at ganoon rin si Traenhz. Walang ka alam-alam si Lupe dahil nakatalikod ito sa inuupuang sofa. Habang sila Traenhz at Fadz ay kaharap si Lupe.

"Hihiwalayan-"

"Ummm..good morning everybody!" Nagulat naman si Lupe sa narinig kaya hindi niya natapos ang sasabihin. Lumingon ito at doon nakita niya ang dalaga. Tumayo ito pretending na walang nangyari.

"Sw-sweetie anong g-ginagawa mo d-dito." Gulat nitong tanong.

"Ummm..gusto ko lang itong ibigay at ikaw na lang magbigay sa professor natin." Pilit itong ngumiti at sabay bigay sa portrait painting." Tinanggap naman ni Lupe ang painting.

"Ka-kanina ka pa ba?" Giit nito.

"Ummm..Oo..." Sagot ni Swen na nakayuko at tumingin muli. Kinabahan naman si Lupe at ang pinagtataka niya ito ang unang beses na kinabahan siya pag may nagawa siyang mali sa isang babae. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pagkaba sa dibdib.

"Sweetie...let me explain..." Depensa nito sa sarili.

"Okay lang wala kang dapat ipaliwanag. Narinig ko na lahat. Maliwanag na sa akin ang isa ako sa pinaglalaruan mo." Uminit naman ang sulok ng kanyang mga mata.

"No, is not that Swee_".

"Swen na lang Lupe. Hindi Sweetie ang pangalan ko. Ako ang dapat humingi ng sorry dahil ako lang naman ang naghahangad na mahalin ako mula umpisa. Ako lang naman ang may kasalanan dahil umaasa ako na totoo ang pinapakita mo sa akin." Tahimik lang ang dalawa na nakikig.

"No sweetie toto__"

"Swen hindi Sweetie. I feel sorry and terrible for myself na nainlove ako sa isang tulad mo. I'm just one of your toy. Then that's it!  your game is over! Your chapter of my life is the END!" Ngumiti ito ng pilit at she turn around and run as fast as she can.   Narinig pa niyang tinawag siya ni Lupe. Pero hindi siya nakinig o lumingon man lang. Ang nakaatang na mga luha ay bumagsak ito. Sobrang sakit sa pakiramdam, siguro ganito rin kasakit ang nararamdaman ni Beshy kay Fadz. Hindi niya namalayan ay nasa kalsada na siya at hindi na siya tumatakbo pa. Naglakad na lang siya na wala sa sarili habang iyak ng iyak. Nabundol siya sa isang maitim na Bugatti La Voiture Noire dahil hindi ito tumingin sa nilalakaran. Natumba siya buti na lang mahina ang pagpapatakbo ng isang lalaki sa loob ng kotse dahil may katawag ang lalaki sa loob. Nahihirapan siyang tumayo at dali-daling pinatay ng lalaki ang kausap nito sa phone at lumabas sa kotse para tingnan ang nabunggo.

"Hey miss are you okay?" Nag-alalang tanong ng lalaki. Inaalalayan siyang tumayo at nagpagpag naman si Swen sa sarili.

"Baki't kayong mga lalaki manloloko?" Umiiyak ulit ito. Nagulat naman ang lalaki sa sinabi ng dalaga.

"Dahil ba mas mahilig kayo sa magaganda?" Nakatingin ito sa lalaki. Mas lalo namang nagulat ang lalaki.

"Miss, what are you talking about?" Kunot noo ito.

"Kaya ba hindi ako kayang mahalin dahil sa itsura ko? Kasi isa akong hamak na nerd lang? Ganun ba yon boys?" Wala sa loob na banggit ni Swen.

"Miss are you crazy?" Tanong ng lalaki. Napaisip siya baka nabagok ulo nito kanina pagkabundol. Naisipan niyang dalhin na lang sa hospital ang babae.

"Miss let's go! Dadaldin kita sa hospital para maigamot ka." Napansin ng binata dumurugo ang batok nito at ang dalawang siko. Nagpanic naman siya at natataranta. Kasalanan niyang nagkasugat ang babae dahil sa katangahan niya. Haharapin muna niya ang kanyang nagawa at malinisan kaagad ang sugat ng babae baka mainfect pa ito.

"Ayaw ko."

"Miss dumurugo na ang mga sugat mo dadalhin na kita sa hospital para malinisan iya."

"Ayaw kong sumama sayo baka rapist ka!" Nagtiim bagang naman ang binata sa narinig.

"Excuse me miss! May rapist ba na gwapo? Sa gwapo kong ito napagkamalan mong rapist?" Naiinis siya.

"Miss kung rapist man ako 'wag na lang sa isang katulad mo na nerd. Doon na lang ako manghalay sa mga sexy at maganda!" He smirked.

"Ayyy sakit mong magsalita!" Nagpout ito at nasasaktan. Pangit na nga siguro ako kaya hindi ako kayang mahalin ni Lupe. Tama ang sinabi ng lalaki.

"Sorry... Ummm tara na i'm just concern as a citizen. Saka ng dahil sa akin nagkasugat ka. Hayaan mong ipalinis iyang mga sugat mo." Bigla siyang nakaramdam ng awa. Nagpatianod lang so Swen bahala na mukha namang mabait.

Tapos ng nilinisan ang kanyang sugat at ang lalaki na ang nagbayad. "May i ask what is your real name is?" Tanong ng binata. Hindi niya narinig kanina ang pagtanong ng nurse kung ano ang kanyang pangalan.

"Swen Lesondra." Simpleng sagot niya.

"Nice to meeting you Miss Swen! I'm Valker Wang!" Nakangiti ito sabay lahad sa kamay. Inabot naman ng dalaga ang kamay ng binata upang magkamayan.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now