Chapter 83

575 11 5
                                    

(SWEN POV)


Hindi na ako pinapansin ni Lupe. Kapag umuuwi ito ay tahimik lang wala man lang yakap o kiss. Masyado itong cold at hindi ako sanay sa kanyang pakikitungo. Tanging si baby Lucy lang ang pinapansin nito.

"Swen, good morning! Maaga tayo ngayon ah? Mag-tea ka muna." Aya ni Traenhz. Bumisita kasi ako sa kanila.

"Salamat, nagkape na ako kanina. Saan si buntis?" Tanong ko na hinahanap ng aking mga mata si Cristy.

"Hayun nasa garden. Maupo ka muna at ipapatawag ko siya kay butler."

"Butler halika may ipag-uutos ako sayo." Lumapit naman ang may kaidaran na butler.

"Master good morning! Anong ipag-uutos ninyo? ayy Hi madam Swen good morning din sayo." Magalang niyang pagbati.

"Good morning din po sa inyo." Bati ko rin sa butler.

"Papuntahin mo si Mam Cristy mo dito sabihin mong andito si Swen." Utos niya dito.

"Right away master!" At agad nagtungo ang butler kung saan ang garden.

"Ang totoo ikaw ang pakay ko dito Traenhz." Bago sumagot si Kirigawa ay saktong papasok na si Cristy at malapad ang mga ngiti nito nang masilayan ako.

"Swen, good morning!" Sabay yakap sa akin.

"Ang aga natin ngayon ah? Ano ba ang maipaglilingkod namin sayo?" Aniya

"Patulong naman ako oh?" Pout kong sabi.

"What kind of help do you need?" Mahinhin na sagot ni Traenhz habang umiinom ng tea.

"Hindi na kasi ako pinapansin ni Lupe eh." Nasasaktan kong sumbong.

"Baka may nagawa ka na kinasakit ng kanyang damdamin?" Singit ni Cristy.

"Merun, nagalit kasi ako sa kanya kung bakit may media sa proposal niya eh."

"I see." Uminom uli ng tea si Traenhz.

Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng sinabi ko at ang sinabi rin ni Lupe sa akin.

"Tama naman si Lupe nag-effort siya para mapatunayan na deserve mo siyang mahalin at nagseryoso na siya hindi mo ba iyon nakikita?" Tanong ni Traenhz.

"Kilala ko ang bestfriend ko. Nagbago na siya Swen, hindi siya ang dating Lupe na nakilala ko. Matured narin siyang mag-isip. Alam mo bang ang dami niyang plano para sa inyong dalawa ni Lucy? Nakikita ko iyon mismo sa mga kilos niya at sa mga mata niya sa tuwing binanggit ka niya sa amin ni Fadz. I'm so proud of him. Sana ganun ka rin Swen." Nakasandal ito sa couch.

"Natatakot kasi akong baka saktan niya ako muli eh."

"Alam mo Swen iwaksi mo ang takot at harapin mo ito ng buong tapang. Parte na ng buhay natin ang masaktan. Tatlong taon narin ang nakalipas wala ka parin bang tiwala sa kanya? Ayaw mo parin ba na bigyan siya ng chance? Hindi muna ba siya mahal?" Sunod na sunod tanong ni Traenhz.

"Hindi naman nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya eh. Yun na nga hindi ko maiwasang matakot." Huminga ako ng malalim.

"Subukan mong bigyan siya ng chance. Mahal na mahal niya kayo ni Lucy. Wala namang mawawala kung subukan mo eh." Saad ni Traenhz.

"Oo nga Swen nagbago na si Lupe." Sabat ni Cristy.

"Pero anong dapat kong gawin?"

"Easy, huminge ka ng patawad sa kanya at sabihin mong nagkamali ka. Hindi pwede iyong Oo, sige na ako ang may mali sorry na...Parang napipilitan lang kayong mga babae huminge ng tawad dahil sa pride ninyo. Alam kong palagi kayo ang tama kahit ang totoo kayo rin ang may kasalanan. " Kunot noo lumingon si Cristy sa kanya.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now