Chapter 82

599 12 3
                                    

(AUTHOR'S POV)

"Lupe?!" Taas kilay na tawag ni Swen habang inayos nito ang kanyang tuxedo sa harapan ng salamin para pumasok sa opisina.

"Yes." Lumingon ito.

"Baki't nasa balita ang proposal mo? Niyaya mo rin ba ang mga media kahapon? Kaya viral tayo ngayon sa buong mundo?!" Naiinis na sermon ni Swen.

"Oo niyaya ko sila para maipakita ko sa mundo na  nagbago na ako at ano naman ang masama kung naging viral tayo?" Aniya at bumalik tanaw sa salamin kung maayos naba ang porma ng kanyang suot.

"Haisst paano pala kung hindi kita sinagot kahapon? Tiyak na nakakahiya dahil dinamay mo pa ang media sa proposal. Pwede ka namang magpropose na walang media ang involved! " Nagulat si Lupe at lumingon ito sa kanya. Nakaramdam siya ng disappoinment.

"You mean...wala kang balak na magpakasal sa akin? Hindi ka talaga totoong masaya kahapon...? I work hard for it just to make it special to you. Even though im ne-nervous yesterday ay kinapalan ko ang aking mukha because i love you more than before. Mas nakakahiya sa buong mundo kung inabandona ko ang mag-ina ko. Hindi mo pala na-aapreciate ang lahat ng efforts ko? Dahil lang may media? Ginawa ko lang iyon dahil sa loob ng maraming taon ay hindi mo parin ako na appreciate at hindi ka parin naniniwala na nagbago na nga ako! Sa mga mata mo ang tingin mo ay isang babaero parin ako! Ginawa ko iyon para sana...naniniwala kana at nararamdaman mong gaano ako ka seryoso at kung gaaano kita kamahal. Hindi ka parin naniniwala sa akin..." Umiyak si Lupe. Nagulat naman si Swen dahil ito ang unang pagkakataon nakita niyang umiyak si Lupe.

"Hindi pala worth it ang mga sleepless nights ko at mga efforts ko sa inihanda kong proposal kahapon...kasi wala kang balak na magpakasal sa akin." Pinahiran niya ang kanyang mga luha.

"I have to go may meeting pa ako." Umalis siya na hindi binanggit ang endearment nito na 'Sweetie' at wala man lang kiss sa noo. Sobrang nasaktan si Lupe. Habang nagmamaneho siya hindi niya maiwasang maluha. Nanatiling nakatayo si Swen at hindi malaman ang nararapat gawin.
Palaging distracted si Lupe sa opisina. Hindi siya makapagfocus dahil masikip ang kanyang dibdib.

(FADZ POV)

"Ipapaubaya ko lang si Lovely sayo kapag tatalunin mo ako sa Archery." Hamon ni Troy sa akin.

"Hindi kita kakalabanin." Simple paghindi ko.

"Labanan ito tungkol sa isang babae. Kapag ayaw mo akong kalabanin it means hindi mo talaga siya mahal." He smirked.

"Kailangan talaga idaan sa sports?" Tanong ko.

"Yes!" Madiin niyang sagot.

"Kung ayaw mo okay lang! Hinding-hindi ko siya ibabalik sayo." Taas noo niyang sabi. Naiinis naman ako sa sinabi niya.

"Hindi mo siya pagmamay-ari!" Matigas kong sabi.

"Talaga? Paano kung sasabihin ko sayo na sinabi niyang Mahal niya ako? Maniniwala ka ba?" Ngisi nito. Natahimik naman ako at lalong nainis. Hindi maaari ako lang dapat ang mahal niya.

"Natahimik ka? Okay uuwi na ako at hindi mo ulit makikita ang mag-ina mo." Ngisi niya at akmang aalis. Umigting naman ang aking tainga sa narinig.

"Mag-ina?" Confused kong usal. Lumingon ito at ngumiti. Bakit panay ngiti parin ito? Samantalang ako ay naiinis.

"Hindi ko sasabihin kung ayaw mo akong kalabanin sa archery." He smirked.

"Sige kakalabanin na kita basta after nito ay sasabihin mo sa akin." Desperado kong sabi. 'Mag-ina ko?' curious kong usal sa isipan.

"Well, kung matatalo mo ako." Bored niyang sabi. Kailangan ko siyang matalo ngayon. Alam ko na mas mahusay siya kesa sa akin pagdating sa archery dahil champion ito noong elementarya pa kami.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now