Chapter 21

676 16 0
                                    

(SWEN POV)

         Kanina ko pa napapansin si beshie na malalim ang iniisip habang nakikinig ako kay sir Jedd. Nakutuon nga ang kanyang mga mata sa pisara pero lutang naman. Ano kaya ang nangyayari sa kanya? Tatanungin ko na lang s'ya mamaya pagkatapos ng aming klase.

"Class bakit naging letter 'F' ang filipino?" Tanong ng aming guro na si Ginoong Jedd na sa may edad na trenta anyos. Nakalimutan ko ano ba iyun? Palinga linga ako sa palagid. Walang imik ang mga kapwa ko kaklase na maliban kay beshie na biglang nagtaas ng kamay.
  
"Okay Rose tumayo ka at sagutin ang aking tanong. Sumunod naman si Beshie.

" Ang 'F' ay kumakatawan sa pambansang wika ng Pilipinas." Sagot nito at umupo.

"Mahusay Lovely!" Nagagalak na papuri ni Ginoong Jedd. "Bigyan si Lovely ng isang masigabong palakpakan!" Utos nito sa amin at nagpalakpakan naman kami lahat. Datapwa't hindi nasisiyahan si Beshie ano kaya problema nito?

"Dito nagtatapos ang ating klase class. Hanggang sa muli nating pagkikita, paalam!". Tapos na aming klase sa filipino subject at lumabas na ang aming professor. Habang binalik namin ang aming kagamitan sa klase sa loob mismo ng bag ay nagtanong na ako kay beshie.

"Beshie okay ka lang? ang lalim kasi ng iniisip mo kanina ka pa lutang." Nag-alala kong tanong.

"Masakit kasi yung puso ko beshie." Walang humpay nitong sagot.

"Naku lumalala na ata sakit mo sa puso ah! Tara may alam akong doktor doon tayo magpacheck up." Hinila kuna siya palabas ng classroom. Nabigla man s'ya ay hindi na umangal.

     Nasa hospital na kami ngayon sa isang Heart Surgeon Doktor. Binata pa ito at let me guess mukhang 26  pa s'ya samantalang kami ni Beshie ay kapwa 23 years old. Gwapo, matangkad, payat at desenteng lalaki. Pero mas gwapo parin husband ni beshie.

"Good morning ladies how can i help you?" Bungad na tanong nito sa amin na may charming smile. OMG! baki't lalo atang pumogi si dok?

"Please take a seat ladies." paanyaya nito at ganoon na nga umupo kami ni beshie na magkatabi kung saan ang kaharap ang table ni dok.
    
"Dok magpapacheck-up lang ako sa aking puso." Panimula ni Lovely.

"Masakit daw kasi puso n'ya dok at nahihirapang makahinga."singit ko sa sinabi ni beshie. Tango lang ang ginawad ng doktor.

"Anyway I'm Dr. Tobby Crew. pakilala nito na may ngiti parin sa mga labi.

(LOVELY POV)

    After magpakilala ang medical cardiologist heart doktor na si dok Tobby Crew na nakacharming smile impiernes gwapong doktor ang kaharap namin ngayon. Naupo ako kung saan eh chicheck ang pasyente sa loob mismo ng room for patient. Nagvital sign muna si dok bago ako sinuri.
   
"Ano ang nararamdam mo sa tuwing sumasakit ang puso mo Lovely?" Tanong nito sabay check up sa aking puso using an echocardiogram test.
   
"Nahihirapan akong makahinga at masikip ang aking dibdib." Paliwanag ko dito.

"Normal naman ang heartbeat mo. But let us try this ultrasound a type of X-ray. It gives a picture of your heart. Doon na nga normal naman ang aking nakikita sa screen.

"Everything is normal Ms. Rose. Baka stress ka lang ng nitong makaraang araw? O may sama ka ng loob sa nakapaligid sayo?" Usisa ni dok.

Napaisip ako sa sinabi ni dok sama ng loob? Mula ng may nangyari sa amin ni Fadz at nung baliwala lang n'ya ang nangyari sa aming dalawa at lalo ng nalaman ko na magkasama sila ni Sam sa condo unit nito kaya madaling araw na siyang nakauwi. Yung bumisita si Sam sa condo dahil sa labas sila kakain. At mas lalong masama ang kalooban ko ng sinama pa mismo ni Fadz si Sam at dinig na dinig ko ang bawat ungol nilang dalawa sa silid nito. Nasasaktan ako para akong sinasaksak ng kutsilyo.

"Ms. Rose are you okay?" Tanong ni Dok na at nalimpungatan ako sa pagkaway ng kanyang kamay sa aking mukha. Malalim nga pala ang iniisip ko.

"O-oo dok ok lang ako" sagot ko dito.

"Ano ba ang nasa isip mo Ms. Rose pwede mong sabihin sa akin para mabigyan kita ng advice. Kasi base sa nakikita ko screen walang deperensya ang puso mo." Paliwanag ni dok.

"Dok may samang loob po ako sa h-husband k-ko" nahihiya kong sabi sa kanya.

"Oh you're married, i see. " Tumango naman ito.

"Baki't ba masama ang loob mo sa asawa mo may nagawa ba siyang mali? tanong nito. Yumuko ako saka sumagot.

"Y-yes dok everytime kasi nakasama n'ya ang babaeng mahal niya ay masikip po ang kaloob-looban ng aking puso at para akong sinaksak ng kutsilyo. Nasusumamo kong kwento.

"May babae ang asawa mo?! Bakit ka pumayag kapag ganun?" nagulat na tanong nito. Bago paman ako makasagot ay sumabat si Swen.

"Arranged Marriage sila dok at kapwa hindi sila nagmamahalan. Malaki kasi utang na loob ng beshie ko sa mommy ng husband n'ya at sila narin nagpapalaki kay beshie. Gusto kasi siya ni tita kaya bilang kapalit magpapakasal si beshie sa binatang anak nito kahit na labag sa kanilang kalooban dalawa" mahabang lintaya ni Swen. Tumango lamang ang doktor at tumayo ito at pinatay ang ultrasound na type of x-ray.

"Sa nakikita ko sa iyo at nalalaman ko base na narin sa pinapahiwatig ng iyong mga mata ay nagseselos ka sa babae ng asawa mo." paliwanag nito. Nagulat din naman si beshie sa naging paliwanag ni dok.

" Selos?" naguguluhan kong tanong. "Baki't naman po ako magseselos? Hindi ko nga s'ya gusto" nagtataka ako at napaisip.

"Dahil mahal muna ang asawa mo mrs. kaya ka nasasaktan kasi nagseselos ka na kasama ng asawa mo ang babae n'ya instead na ikaw ang dapat kasama. Hindi ka nagseselos kong wala kang nararamdaman sa kanya. 'Yan ang dahilan kaya masakit at masikip ang pakiramdam mo." paliwanag nito saka ngumiti. I was trying to absorb everything sa isip ko na what??? Mahal kuna si Fadz? na ganoon naman ang pagkabigla ni beshie na hindi makapaniwala.

"Paano na mahal kuna s'ya? Eh wala naman siyang magandang naidiulot sa akin kundi mga masasakit na salita", nagsusumamo kong tanong.

"Ang love Mrs. kusa iyan nararamdaman ng hindi mo namamalayan nabibitag kana pala ng kupido ng pag-ibig. Hindi mo mamalaman bakit mo siya nagugustuhan at sabi nila 'A love that starts from enemy turns into Love." Napailing na ngiti nito at saka umupong pormal sa kanyang swivel chair.  
  

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now