Chapter 86

586 8 0
                                    

(AUTHOR'S POV)

        Lumipat ng tinitirahan si Lovely sa binili niyang condo para sa kambal. Gusto sana ni Fadz ay tumira na sila sa sariling Luxury Villa nito na binigay ng kanyang mommy after sa graduation day. Matagal na pala natapos ang Villa habang magkasama pa sila ni Fadz noon sa condo na pagmamay-ari din ng Monternel na ngayon ay wala nang nakatira. Ayaw ibenta ng binata o patirahan ng kahit kanino. Aniya marami silang memories ni Lovely doon na magkasama. Tinulongan pa nga si Rose na maglipat ng mga gamit kasama si Troy at syempre hindi absent si Fadz.

Habang nagluluto siya ay may nag doorbell. Pagbukas niya bumungad sa kanya ang charming smile ni Troy.
"Good morning Lovey! What lovely morning today." Natawa lang si Lovely at nagyakapan naman ang dalawa.

"You're so early today." Pahayag ni Lovely at tumungo sa kusina. Sumunod naman si Troy ng may naamoy siya kusina.

"What's that smell? That smell is familiar to me. Is that t-tuyo?" Aniya at tiningnan ang piniprito ni Lovely.

"Hmmm... Smells good. I think nagugutom ako ulit." Natatakam niyang sabi.

"Kumakain ka rin pala ng tuyo lovey?" Aniya at naupo sa may silya katabi ng mesa.

"Oo naman. Ito ang pagkain naming mahihirap." Inihain niya ito at nilapag sa mesa. Ginisa niya ang kanin at pagkatapos ay kumuha siya ng plato.

"Lovey dalawang plato please." Pakiusap ni Troy.

"Wala akong ibang ulam na niluluto." Pout ni Rose.

"Don't you worry lovey kumain ako ng tuyo."

"Hindi ka naman nagbibiro diba?" Panigurado nito.

"Nope lovey i'm serious. I love tuyo kung alam mo lang na paborito ko ito sa mansyon samahan pa ang ginisang kanin." Natatakam niyang pahayag. Nilagyan niya ng kanin ang pinggan at tuyo na may sinamak. Nagkamay lang ito at sobra namang na-amazed sa kanya si Rose.

"Kumakain talaga kayo ni tita Mayabeth sa mansyon? Mayaman kasi kayo tapos kaya ang hirap paniwalaan." Wika ni Rose at naupo at nilagyan ng ginisang kanin ang pinggan. Sumubo muna si Troy pumikit pa ito kumain.

"Hmmm sobrang sarap namiss ko 'to lovey. Oo kumakain kami nito sa mansyon. Kung alam mo lang na nagmula si mommy sa pagiging mahirap ang kanyang ama ay isang mangingisda at ang kanyang ina mismo ang nagtitinda sa mga kuhang isda ni lolo. Umahon lang sa hirap si mama ng makilala niya ang aking daddy. Una kasi nilang pagtatagpo sa dalampasigan habang tumutulong si mom sa lolo at lola ko ay napansin kasi kaagad ang charming smile ni mom kung saan namana ko ang nakakahumaling nitong ngiti. Nabihag agad ang puso ni daddy at mula nun hindi mapakali si dad na hindi makita si mom na marami ring pumipilang manliligaw na mga mayayaman. Datapwa't kay daddy lang siya nahuhulog HAHAHA." Tumawa ito.

"Syempre Monternel si dad. Kung gwapo man ang  ibang manliligaw kay mom mas gwapo si dad. Kung gaano ako kapogi ngayon ay ganun rin si dad. Sa kanya ko ito nakuha ang kapogian." Ngisi niya at sumubo. 'Hindi mapagkaila totoo naman na gwapo siya. Subalit ang kapogian niya ay galante at pang-romantiko. Samantalang si Fadz gwapo na maangas at makisig.

"Hindi porket mayaman kami ay hindi ako tinuruan ni mom na kumain ng mga pagkain na nakain niya noon. Ang huling beses na nakakain ako nito ay nung highschool ako at after nun wala na, buti nga lovey naisipan mong kumain nito ngayon?"

"Wala namiss ko lang talaga ang pagkain dito sa pinas eh." Sagot ni Rose at may nagdoorbell.

"M-may b-bisita ka m-maliban sa a-akin?" Nabubulol niyang sabi. Lovely just shrugged her shoulders. Binuksan ng isang katulong ang pintuan. Iniluwa doon ang kambal kasama ang daddy nila. Karga ni Fadz si Zendaya na nakatulog at si Zaiden ay nakahawak kamay sa ama nito at ang dalawang body guard ay pinasok ang mga pinamili ng kanilang ama sa kanila. Nang paglingon ni Fadz sa kusina ay nakita niya na kasabay ni Rose kumakain ang kanyang pinsan na kapwa pa nagkakamay ang dalawa. Nakaramdam naman siya ng inggit.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now