Chapter 37

645 13 0
                                    

*Ang information na patungkol sa 'Clive christian perfume ay neresearch ko lang at kinuha ang caption sa Google. Upang may ibidensya at kung baka sakaling curious kayo. Salamat!*

(FADZ POV)

      Habang namili kami ng perfume kasama ang dalawang bigatin na investors ng aming kumpanya si Mr. Trinidad at Mr. Falcon. Ang napili ko ay 'Clive Christian No. 1 Imperial Majesty' appears twice in this list as a manufacturer of the world’s third most expensive perfume. Clive Christian No. 1 Imperial Majesty is designed by the famous British perfumer Roja Dove. Clive Christian No. 1 Imperial Majesty is priced at USD 12,722 per ounce with just ten perfumes made till date. This luxurious perfume boasts a pleasant aromatic floral blend that is bundled with rose oil, jasmine, and Tahitian vanilla. Tiyak na amoy palang kababaliwan kana ng kababaihan.  Namili parin ang dalawa at hinanap ko ang tinutukoy ni Lovely kanina na perfume pero wala dito eh.
     
"Miss do you have Imari Sweet seduction?" Tanong ko sa sales lady na kanina pa panay papansin sa aming tatlo kasama nito ang dalawa pa niyang kasamahan na may makapal na make-up.

"I'm sorry sir we don't have avon products here. All perfumes in here are The Most Expensive Perfumes in the World." Nakangiti nitong pahayag.

"Oh, okay!" Avon products? Hindi masyadong familiar sa akin.

"Love-..." Paglingon ko wala ang presensya ni Lovely. Asan ba iyon?

"Miss have you seen the woman I was with earlier?" tanong ko sa sales lady na tinanongan ko kanina.

"I haven't seen her sir." Sagot nito. Oo nga pala paano nila makikita ang kasama ko kanina kung mga mata nila nakatuon sa akin tsss...Binigay ko sa counter ang napili kong perfume at sabay lahad ko sa aking black atm card. Nag swipe lang ang counter at bayad na ang perfume ko. Nilagay nila ito sa tamang lalagyan ang Clive Christian perfume. Dali-dali kong binalik ang aking atm card sa wallet at nagpaalam sa dalawang investors.

Nababahala na ako kung saan si Lovely damn where is she? Bakit umalis siya ng walang paalam? Hanap-hanap... halos mabaliw na ako sa kakahanap sa kanya. Sa banyo ng mga babae nagtanong ako baka naihi lang. Nagulat pa sila at wala akong pakialam kung pumasok ako doon. Pinakita ko pa ang larawan niya kaso walang Lovely na napadpad roon. Halos todo papansin ang mga kababaihan at magpapicture. Hell no! Wala akong time para sa ganyan. Naisipan kong tawagan siya at sumagot ito. Pero medyo nag-iba ang boses nya.

"Lovely asan kaba ha?! Nawala ka ng parang bula!" Nagalit kong tanong sa kanya sa linya. 

"N-nasa g-garahe na ako" malabnaw nitong sagot. At agad ko pinatay ang tawag at dali-daling tumakbo papuntang garahe.

"What's wrong Lovely Rose?! Bakit hindi ka nagpaalam na umalis huh?! Pinagmukha mo akong tanga kanina. Kahit sino na lang ang pinagtanungan ko! Bullshitt! You make me anger!"

"Nag-alala ka pa pala sa akin? Ang alam ko kasi wala kang pakialam sa nararamdaman ko... Kung iisipin ako yung mas tanga." Mapait nitong pahayag.

"What do you mean Rose?! Halos mabaliw na ako kanina sa kakahanap sayo! Anong silbi ng cellphone mo?! Pwede ka naman magtext kung mauna ka dito! Hindi iyong aalis ka na parang wala kang kasama!" Nagbabagang galit ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung nasa garahe parin kami sa labas ng kotse. Hindi naman masyadong malakas bangayan namin.

Bigla itong ngumiti ng mapakla. "Walang kasama? Umalis ako dahil kasama mo pala assistant mo at hindi mo a-asawa." Biglang tumulo ang mga luha niya at nagulat naman ako.

"Mas minabuti kong umalis kesa sa manatili doon. Kanina parang pinaramdam mo sa akin na kinakahiya mo ako siguro dahil hindi ako kagandahan sa mga mata mo... At dating working student mo pa kaya mas lalo mo akong kinakahiya. Nasasaktan ako Fadz dahil kinakahiya ako ng husband ko. Kinakahiya ako ng taong mahal ko na hindi naman ako mahal. Ang sakit dito oh tagos sa dibdib." Turo nito sa kanyang puso na patuloy parin sa pagluha ang kanyang mga mata.

"Tama pala sila hindi lahat ng puso matuturuang mahalin... Iyong iba hanggang umasa na lang. At kung gaano ka kasaya kanina grabe din ang lungkot na kapalit." Natahimik ako at I on the car using my remote control. Then binuksan niya ang pintuan sa kung saan siya nakaupo kanina. Pumasok naman ako sa driver seat at bago pinaandar ang kotse nagsalita muna ako.

"Please know your limit Rose! Your just my wife in the paper at alam mo naman ang dapat gawin!  Mag divorce din naman tayo ano pa ang silbi kung ipakilala kita na bilang asawa?! Damn! huwag mo akong pagsabihan ng mga ganyan.  Just erase your fucking feelings to me! Dahil wala iyang ambag sa buhay ko! Bullshitt!" Humikbi ito. Shittt bakit ba nanlalambot ako pag nakita ko itong umiiyak. No way!

"Will you please stop crying? You make me uncomfortable!" Pakiusap ko sa kanya sabay hampas sa manubela. Napaigtad naman ito at yumuko pilit na kontralin ang sarili na huwag mapahikbi. Mabilis kong pinaharurot ang kotse dahil sa sobrang pagka-inis.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now