Chapter 58

621 13 0
                                    

(TRAENHZ POV)

Si Christy bestfriend ni Sam panay buntot sa akin... panay effort. She likes me matagal na daw. Hinahayaan ko na lang siya wala rin kasi akong panahon pumasok sa isang relasyon. Bago lang ako nagmove-on kay Lovely Rose. Pinapaubaya ko na siya kay Fadz.

"Ano ba ang dapat gawin para magustuhan mo ako? Am i not pretty enough? Sabi nila ayaw mo sa babaeng sexy that's why i always wore simple clothes para ibigin mo ang isang hamak na katulad ko. Mr. Kirigawa I love you...I'm willing to change para lang ibigin mo ako..." She insisted herself.

"I already told you i dont like you okay?" Bored kong sagot.

"That's it?! May iba ka bang gustong babae?" She asked.

"Wala." Plain kong sagot.

"Then, why?"

"Nothing." Walang emosyon kong sagot at isinandal ko ang aking ulo sa upuan na inuupuan ko.

"Gagawin ko lahat para magustuhan mo lang ako sabihin mo lang...at sana huwag mo akong itaboy." Desperada nitong pakiusap.

"Gusto kong matulog iwan mo na ako..." Pakiusap ko habang nakapikit.

"Thank you Traenhz, I love you so much!" Aniya sabay halik sa aking pisngi na kinagulat ko at umalis na ito. What the hell she doing? Mabuti't kami lang dito sa loob ng classroom. Kung nagkataon nay may ibang tao tiyak na maging isa itong issue sa buong campus.


(AUTHOR'S POV)

        Tanghaling tapat habang naglalaro sina Fadz, Lupe, Traenhz, Troy at iba pang mag-aaral ng basketball. Panay cheer ang mga kababaihang mag-aaral. Tumitili si Kessy para kay Lupe. Si Sam naman naguguluhan siya kung sino sa dalawa ang cheer up niya si Troy na ultimate crush niya o ang boyfriend niya? Ganoon paman ay sinisigaw parin niya ang pangalan ni Fadz at kay Troy ay mahina lang na siya lang ang nakakarinig. Si Lovely naman ay ang taga cheer up ni Troy.

"Gooo Troy! Kaya mo 'yan!" Sigaw ni Lovely na nakangiti. Nilingon siya ni Troy at napa charming ang ngiti ng binata. Masaya naman si Troy dahil andiyan si Lovely na nag-cheer up sa kanya. Kahit ang totoo madami namang babae pero kay Lovely lang siya nasisiyahan. Magkalaban ang pilot department at doctor's department. Nairita naman si Fadz sa ginagawa ng kanyang asawa. Baki't hindi siya chini-cheer-up ng kanyang asawa? Baki't sa pinsan niya? Sa sobrang galit niya hindi siya makapagfocus sa paglalaro. Kitang-kita niya ang masayang ngiti ng asawa sa pinsan niya. May relasyon naba silang dalawa? ang mga tinginan nila ay kakaiba. Sa pagkainis ay hindi niya nashoot ang bola sa ring.

Ang lahat nagulat dahil ito ang unang beses na nangyari sa buong laro niya na ginanap sa loob ng campus. Naagaw ni Troy ang bola at naishoot ang bola sa ring. Ang kuponan ni Troy sobra ang galak at gayundin ang ibang supporter ni Troy na mga babae. Nanalo ang doctors department. Nagulat si Lupe at Traenhz sa biglaan pagbago ng mood ni Fadz. Sanay na sila sa ugali ni Fadz sapagkat ito ang unang beses na mismo sa gitna ng paglalaro nagbabago agad ang emosyon. He is the legend when it comes in basketball. Pero ngayon ano ito? Isa itong malaking sampal sa kanila. Paglingon ni Lupe sa paligid nakita niya si Lovely na nilapitan si Troy at binigyan niya ito ng face towel at isang bote ng tubig. Tiningnan din niya ang kinaroroonan ni Fadz na ngayon nakaupo na wala sa mood na nakatingin sa gawi nila Troy at Lovely. Hmmm...Lupe smells something his bestfriend is jealous. HAHAHA natamaan na si Fadz sa kanyang asawa na hindi niya namamalayan. Embis na malungkot siya sa pagkatalo nila ay napapangiti na lang siya...pagbigyan nila ang doctors department sa ngayon. Sa susunod aagawin din ang nararapat sa kanila.

Si Traenhz ay napapangiti rin dahil alam niyang nagseselos ang bestfriend nila ni Lupe. Tama lang na bumalik sa pinas si Troy. Para mapagtanto ni Fadz ang kanyang ginagawa sa asawa. Si Christy masaya naman siya kahit natalo ang crush niya. Si Sam nagulat man sa pagkatalo ni Fadz ay hindi siya nalungkot bagkus masaya parin siya dahil nanalo si Troy at ang kinainis niya ay si Lovely dahil ito ang nagcheer-up sa binata. Nakatingin lang siya sa tawanan nila Troy at Lovely ng mapagtanto ay pinuntahan niya si Fadz at pinunasan ang pawis ng binata at binigyan ng tubig. Hindi man lang nakapag salamat ang binata wala talaga siya sa mood. Hindi pinansin ni Sam ang pagbabago ng ugali ng boyfriend niya.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now