Chapter 61

601 14 0
                                    

(LOVELY POV)

Ganoon parin ang aking routine every morning. Simula kagabi hindi na nakauwi si Fadz. Kahit naiinis ako sa kanya namiss ko parin siya. Eh siya Lovely namiss ka ba niya? Malamang hindi! Dikta ng aking isipan. Hindi man lang siya tumawag o nagtext. Hindi ka mahalaga sa kanya okay tama na...huwag na umasa na mahalin ka...

Sinundo parin ako ni Troy at pagdating namin sa campus ay agaw pansin ko ang walang emosyon na si Fadz habang si Sam ay nakahawak sa braso. Parang bagot na bagot si Fadz at malalim ang iniisip. Habang papasok sila sa loob ng campus. Bago paman ako makalabas sa kotse ni Troy ay pinagbuksan ako nito. Naagaw pansin agad ng dalawa ang aming presensya. Iba ang nakikita ko sa mga mata ni Fadz lungkot? Tama ba ako? Ang hirap ipaliwanag. Si Sam at nakasimangot na may halong pagkainis. Ano ba ang nangyari sa dalawang ito? Nag-away ba sila? Umiwas ako ng tingin sa mga malalagkit na tingin ni Fadz. Naiinis ako sa kanya dahil hindi man lang siya umuwi sa condo. Hindi nga nagtxt na hindi makauwi. Para talaga wala siyang asawa. Bigla-bigla na lang nagbabago ang emosyon ko iwan kanina namiss ko siya pero ngayon ayaw ko siyang makita. Naglakad lang ako at nakabuntot lang si Troy. Dinaanan namin ni Troy ang dalawa nauna na kami. Total hindi naman kami classmates. Nasa pilot department silang dalawa habang kami ni Troy sa Doctors Department.

Pagkatapos ng aming research sa lab patungkol sa heart organs ay lumabas na ako upang makalanghap ng sariwang hangin. Naiwan si Troy sa loob dahil may tatapusin lang ito. Bago paman ako makapunta sa may damohan ay may humila sa akin na sobra kong kinabigla. Niyakap ako nito ng mahigpit sa isang sulok na walang katao-tao. Sisigaw na sana ako kung hindi ko agad na amoy ang mamahaling pabango nito. "Fadz." Usal ko.

"I miss you so much..." Anas nito at inamoy pa ang aking buhok. Tama ba ako sa aking narinig? Namiss niya ako? Sooo...it means pati rin siya ay namiss ako? Baki't ba paiba-iba ang mood nito?

"Fadz bitawan mo ako. Madaming makakita sa atin." Utos ko sa kanya.

"Please kahit ngayon lang. Let me hug you love. " Tumalon naman sa saya ang puso ko bigla. Haisst bakit ganito? Hinayaan ko siyang yakapin ako...sobrang nakakainlove ang lalaking ito. Nahuhumaling tuloy ako sa amoy ng kanyang pabango. Kumalas siya at sinandal ako sa pader. Tinitigan ako at nabasa ko ulit na malungkot ang mga mata nito? Dahan-dahang lumapit ang mga labi nito sa akin at ng magtapat he kiss me passionately. Mukhang iba ang mga halik nito ngayon. Kakaiba tela goodbye kiss? Gumanti ako at inakbay ko ang aking dalawang mga kamay sa kanyang leeg. Siya ang unang bumitaw at niyaya niya ako kumain sa canteen. Tama ba ang narinig ko?

"I'm serious love let's eat together okay?"

"Ummm...fadz alam mo naman na hindi pwede diba? Hindi naman nila alam kung anong merun tayong dalawa." Nalungkot ako bigla wala silang kaalam-alam na mag-asawa kami ni Fadz.

"Ikaw narin ang nagsabi dati anong silbi kung sasabihin mo na mag-asawa tayo kung in the end maghihiwalay rin naman tayo. At si Sam lang ang pwede na ipakilala mo sa lahat. Alam ng buong campus na magkasintahan kayo. Kung dadalhin mo ako sa canteen ako ang maging pulutan ng mga marites at sasabihin na malandi ako at inagaw kita kay Sam. Ako ang maging ulo ng mga issues dito sa campus. " Sa isipin pa lang nasasaktan ako lalo. Hindi ko pinapahalata sa kanya. "Iwan muna kita dahil may pupuntahan lang ako." Natahimik ito at hindi ko na hinintay ang magiging sagot nito.

Nakalayo na ako ng lakad hindi man lang ako hinabol. Naiyak ako bigla kanina nagpadala na naman ako sa bugso ng damdamin. Ang sakit sakit malakas ako at palaban pero pagdating kay Fadz ang hina ko...mahirap kalabanin ang puso lalo pa na hindi ako ang mahal.
Pinilit ko ang aking sarili na magpakalakas and i wipe my tears.


(AUTHOR'S POV)

Gusto habulin ni Fadz si Lovely ngunit bigla dumating si Sam na kanina pa siya hinahanap upang sabay sila mag-snacks. Si Cristy ay palihim na nagseselos dahil si Traenhz ay napapalibutan ng mga mas magandang dilag kesa sa kanya. Kumain lang siya ng kumain para maibsan ang sama ng loob. Kakaiba ang ngiti ni Traenhz sa mga lumalandi sa kanya. Datapwa't pagdating sa kanya ay palagi itong naiinis. 'Kailan mo kaya ako matutunang mahalin mahal kong Traenhz? Kapag ba pagmamay-ari na ako ng iba? Do you still love Lovely? Hindi naman ako galit kay Lovely dahil kung mararapatin ay wala siyang alam at asawa siya ni Fadz nalaman ko ng panahon na ikakasal na Rose at nagalit si Sam dahil si Fadz sa kanya lang nababaliw at ang sagot ni Lovely nang panahon na iyon na kasama ang kanyang beshy Swen at ginagawa lang niya para sa utang na loob sa mga magulang ni Fadz. At mabait naman si Rose hindi ako pwedeng magtanim ng galit. Simula nung niligtas mo ako mahal kong Traenhz sa gustong kumidnap sa akin ay halos binuwis mo ang iyong buhay. Sobra mo pala galing makipaglaban. Kaya simula noon ikaw lang ang hero ko at ang iniibig ko. Natutunan kong maging mabait sa kapwa. Oo bestfriend ko si Sam at alam kung mali na saktan namin si Lovely ay napipilitan lang ako at thank goodness dumating si Troy. Si Sam at Kessy lang talaga ang mahilig magtanim ng galit. Traenhz...nasasaktan na ako alam mo ba iyon? Walang araw o gabi kita etext pero wala ka kahit isang reply man lang. Pinagsawalang bahala ko iyon dahil mahal kita. Sana may puwang ako diyan sa puso mo. Napapaluha ang dalawa niyang mga mata habang nakatingin sa gawi ng binata at kasama nitong tatlong babae.
Alam kasi ni Cristy na may crush si Traenhz kay Tenia bagohan lang at anak ng isa sa investor ng kompanya ng kanyang dad. Oo mas maganda ang babae at sexy. Samantalang siya sakto lang at morena, manipis ang labi, ngunit hindi naman gaanong sexy at blonde ang buhok.

Bago paman siya nakaiwas ng tingin sa paglingon ni Traenhz nakita siyang lumuluha at yumuko siya agad at kinagat ang apple. Nagulat man si Traenhz bagama't hindi niya gaanong pinagtuonan ng pansin at binalik ang tingin sa mga kausap.
Nagnakaw ulit si Cristy ng tingin sa binata subalit hindi na ito nakatingin sa kanya. Umalis siya at tumungo sa banyo.

Mga ilang sandali ay nakita ni Cristy si Traenhz na nakasakay sa kotse si Tenia. Sumakay siya ng taxi para hindi masyadong halata na sinusundan niya ang kotse ng binata. Mga ilang minuto ang nagdaan nakita niyang huminto ang kotse sa isang soulmate cuisine. Nagbayad siya ng pamasahe at bumaba. Nasa sulok siya nakaupo at nag-order lang siya ng melon salad at pretzels para hindi masyadong halata. Hindi siya makikita ng binata dahil nasa di kalayuan sila at si Cristy ay sa pinakasulok.

Nakapag-order ang dalawa at makikita mo ang saya-saya ni Traenhz na kausap niya si Tenia. Nagkukwentuhan ang dalawa. Hindi nila alintana ang nasa palagid basta't masaya silang nag-uusap while eating. Hindi man lang naigalaw ni Cristy ang inorder nito lumuluha ulit siya ng palihim.

Hinatid ni Traenhz si Tenia sa condo unit nito at nakasunod parin si Cristy na nasa 'di kalayuan. Bago paman umalis si Traenhz ay bigla siyang hinalikan ni Tenia sa labi. Nagulat si Cristy sa nasaksihan. Nadurog siya ng pinong-pino. Are they in relationship already? Umalis siya at sumakay agad ng taxi. Si Traenhz ay parang statwa nakatayo lang. Pagkatapos siyang halikan ni Tenia ay nagpasalamat ito sa paghatid sa kanya at pumasok na sa loob. Wala itong imik at sumampa sa loob ng kanyang kotse at pinaandar at nilisan ang harapan ng condo unit.

Pagdating ni Cristy sa mansyon nila ay tahimik lang siya at hindi man lang niya pinansin ang mga katulong na bumabati sa kanya. Deretso siya sa kanyang silid at dagli nilock ang pinto at tumungo sa banyo tube sumalampak siya at doon bumagsak ang kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.

"Sana sinabi niya sa akin mula umpisa hindi iyong pinapaasa niya ako sa wala. Sana sa tuwing nagtetext ako sa kanya sana sinabi niya na may mahal na ulit siyang iba. Ang tagal ko ring naghintay. Mula ng si Lovely ang gusto niya sinusuportahan ko parin siya. Kahit ikakadurog ko ay palagi ako sa kanyang tabi para maramdaman niya na may karamay siya lalong-lalo na nalaman niyang ikakasal na si Lovely ay naglalasing siya at ako ang karamay niya sa mga sandaling iyon. At nang mga panahon na iyon ay hindi pa ako nagtapat sa kanya kumbaga magkaibigan lang kami. Ang sakit-sakit na ma-mapaasa sa w-wala." Bumuhos ng bumuhos ang aking mga luha.

"Nagmumukha akong katawa-tawa sa kanya." She sobbing. Binuksan niya ang shower at hinayaan na mabasa ang buo niyang katawan sa tubig. "Yung feelings niya kasing lamig ng tubig..." Mapait niyang usal.

"Mula ngayon hindi kuna siya gagambalahin. Puputulin ko na ang connection ko sa kanya at ang daily routine ko ay ihihinto kuna. Hindi kuna ipipipilit pa ang sarili ko sa taong wala namang gusto."

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now