Chapter 64

614 15 2
                                    

(AUTHOR'S POV)

"Hindi kita pinalaki para manggago ng kapwa tao! Masyadong inosente si Lovely para saktan mo siya! Ano ba ang dahilan baki't mo nagawa ito? Ha!" Nagalit ang ina ni Fadz.

"Dahil mas mahal ninyo ang ama ni Rose kesa kay Dad! Pinipilit ninyo akong ipakasal sa anak ng tunay mong iniibig! Para ano mom para kami ang magpapatuloy sa naudlot ninyong pag-iibigan?!" Sinampal ni Buzz ang anak.

"Tumahimik ka! Wala kang alam!" Umiiyak ang kanyang ina.

"Kasalanan ko oo na ipilit kitang ipakasal sa taong hindi mo mahal. Simula ngayon hindi na kita kokontrolin. Malaya kana pwede munang pakasalan si Sam total mas mahal mo ang babaeng iyon kesa sa sarili mong ina at kay Rose! Ibibigay kuna ang pinamana ng iyong ama. Napagod narin ako sa pagpapatakbo na mag-isa. Ang akala mo nagbabakasyon lang ako doon pero ang totoo wala akong sapat na tulog para maging maayos ang kumpanya natin. Pagod na pagod na ako gusto ko ng lumanghap ng sariwang hangin at simula ngayon ikaw na ang mamamahala sa lahat. Total malaki kana at ikaw na bahala sa lahat." Sobra ang pagkadismaya ng kanyang ina. At umalis na hindi nagpapaalam.

"Mom...mom! Hindi ko kailangan na ang kumpanya!" Subalit hindi na siya maririnig ng kanyang ina. Sinuntok ni Fadz ang headboard ng kangyang kama. Sobra niyang nasaktan ang damdamin ng kanyang mama.


(TRAENHZ POV)

'Quarter to ten na ang oras nakapagtataka wala akong natanggap na text mula kay Cristy. Dapat nasa seven ay nagtetext na ito.' tanong ko sa aking isipan

"Kanina ka pa palaging nakatingin sa iyong cellphone...are you waiting someone's text or call?" Lupe ask me. Nasa loob kami ngayon ng aking mansyon sa mismong mini bar ko.

"Nope." Maang ko. Pero ang totoo buong araw ko siyang hindi nakikita simula nung nakita ko siyang kumakain mag-isa. And...wait she's crying that day? If i am not mistaken. After that hindi ko na muli siya nakikita. May nangyari ba sa kanya? Bigla akong kinabahan sa hindi mawaring dahilan.

"Traenhz!" Tawag sa akin ni Lupe.

"Are you deaf? Are you still in a night dreaming?" annoyed nitong sabi.

"Three times i called your name! Subalit hindi ka nakikinig bruh! What's happen to you?" Curios nito tanong.

"Wala." Tipid kong sagot.

"Stop lying. I know it! Your waiting Cristy to text you? Am I right?" He smirk. Luko-luko talaga itong bestfriend ko.

"Whatever!" Annoyed ako kunwari sa kanya. Nahulaan niya ang iniisip ko.

"You know what payo'ng kaibigan lang. Kung may gusto ka sa kanya habang ikaw pa ang iniibig niya magtapat kana. Baka pag iyan mapagod kahit lumuha ka ng dugo hindi muna mababalik ang
dati niyang nararamdaman sayo. At hindi lang iyan baka maagaw pa siya sa iba." Lintaya nito.

"Wow! I'm speechless!" Pumalakpak ako at babaero nagsalita.

"I'm serious!"

"Kailan ka naging seryoso sa buhay?" Tanong ko dito.

"After nung inupakan ako ni Lovely... Iwan basta simula nang hiwalay kami ni Swen siguro... Iwan basta hindi ko alam kelan nagsimula. Napagtanto ko sa aking sarili na sana...pinahalagahan ko siya sa panahong pagmamay-ari ko pa siya...edi sana ngayon...hindi ako mahihirapan na suyuin siya... natatakot ako baka nahulog na ang loob niya kay Wang at natatakot ako baka wala na siyang nararamdaman sa akin..." Mapait nitong usal at nilagok ang alak na nasa baso. I'm speechless again. Ito kasi ang unang beses na narinig kong nagseryoso ang isang Lupe. Nagbago na ba talaga ang isang Lupe Xiao? Nang dahil kay Swen the nerd nag-iba ang isang Lupe na kilala kong womanizer. Ang isang babaero marunong din palang matakot na eh reject? Damn! Seryoso na nga ang bestfriend ko.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now