Chapter 36

677 15 0
                                    

(LOVELY POV)

Nabuhayan na sana ako ng loob ng ayain ako nito lumabas kaso dahil pala kay mom Buzz. Akala ko pa naman gusto niyang gumawa kami ng isang magandang ala-ala na kasama ako at ng may maibaon ako sa aking pag-alis. Nang nakatapos kaming dalawa kumain ay agad ako naghugas ng mga pinggan. Bago paman ako naligo ay tinawagan ako ni mom buzz na suotin ko ang mga binili niyang mga dress dati. Sa sobrang dami ay nahihirapan akong mamili. Lahat ay magaganda. Kaya naisipan kong magbistida na lang at napili ko ay puting kulay. Akala ko pa naman ay magkomento si Fadz sa suot ko kaso sabi nya okay lang. Syempre mas maganda si Sam sa paningin nya.

Medyo nagulat pa si Fadz kanina at ng makabawi ay hinagod ako nito ng tingin na naging dahilan upang hindi ako komportable na kaharapin siya at kausapin. Nagka-utal utal tuloy ako sa pagsasalita. Isa pa hindi ako sanay na ganito ang sinusuot sa tuwing lalabas. Pinarisan ko lang ito ng flat shoes at nagpolbo tapos naglagay kunti ng lipgloss din nagperfume. Sinabihan pa akong inakit siya? Jusmiyo hindi ko tipo ang mang-akit.

Isang malaking himala na pinagbuksan ako ni Fadz ng pinto sa kotse nito at napansin ko rin na panay nakaw ng tingin si Fadz sa akin na mas lalong hindi ako komportable sa kinauupoan ko sa kotse ngayon. Siya pa ang nagset belt sa akin, naunahan lang ako embis na ako na ang magset-belt. Habang pinatakbo ang kotse ay tahimik lang kami dalawa.

Nang makarating kami sa mall ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay na kinagulat ko. Napatingin lang ako sa kanya habang hinihila ako paglalakad. Kung saan man ito pumatungo ay nagpadala na lang ako. Napangiti naman ako kahit papaano. Nakarating kami sa isang my bilihan ng ticket. Bumili si Fadz ng dalawa at nagbayad habang hawak parin nya ang aking kamay. Saka lang niya binitawan ang aking kamay ng bumili ito ng popcorn.

Pumasok kami sa isang medyo madilim na lugar na tanging may liwanag lang ang harap nito sa may pader. Nasa sinehan pala kami. Habang nanunuod ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa aking gwapong katabi. Seryoso itong nanuod. Hindi ko lubos isipin na date pala namin ngayon. Baki't kahit maangas 'to ay saksakan naman sa gwapo?

"I'm gonna melted if you staring me like that!" Aniya at lumingon sa akin. Oh no! kanina ko pa pala siya tinitigan kakahiya. I bite my lips sa sobrang pagkahiya and then were staring each other. "Do i look more handsome? Ngisi nito.

"A-ah-" hindi ko natapos ang dapat sabihin ng bigla ako nitong siilin ng halik. Nagulat naman ako at napapikit. Malumanay ang halik nito na parang may isang boltahe ng kuryente ang sumanib sa buo kong pagkatao. Napasabay naman sa ako sa mga halik nito. Wala na kaming pakialam sa mga tao sa paligid. Hindi naman kami makikita nila dahil dim ng ilaw sa buong paligid. Tumigil ito sa paghalik sa akin at ngasalita.

"Don't you dare bite your lips again baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na maangkin kita dito." mahinhin nitong sambit na nakatitig sa akin. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Sapagkat ngumiti rin ito ng isang matamis na ngiti. May goodnesss lupa lamunin muna ako kinikilig ako ngayon ngumiti si Fadz sa akin nawa hindi ito panaginip dahil ayaw ko ng magising.

"Hold my phone let's take picture." Abot nito ang kanyang cellphone na nakabukas na ang camera at may flash. Sa pag click ko ay bigla niya akong dinampian ng halik sa aking pisngi na kinagulat ko naman. Kuhang-kuha sa larawan ang paghalik nito sa aking pisngi.

"Let's take again one more time." Aniya at siya na ang humawak sa cellphone nito. Dinikit nito ang kanyang ulo sa akin at kapwa kami ngumiti saka clinick ang camera. Agaran siya nag-online at sinend ito kay mom Buzz.

     Nagfocus lang kami manuod ng movie. Ang pamagat ng movie ay fity shades of gray. Ay hala baki't ganito ang pinalabas nila? S*x scene to eh! Nilingon ko ang aking katabi focus lang ito sa panonood at gumalaw pa ang adams apple nito. Subo lang ako ng subo ng popcorn tila parang natuyo ang lalamunan ko. Biglang gumalaw ang kamay nito papunta sa popcorn. Kumuha ito sinubo saka lumingon sa akin. "L-love tara l-labas na tayo." Nautal nitong sabi. Tumango naman ako sabay sa paghila nito sa akin habang bitbit ang popcorn.

Tumungo kami sa ice cream section. Bumili ito ng chocolate flavor at habang hawak parin niya ang kamay ko. Baki't mainit siya? Binigay nito ang isang ice cream sa akin at doon kami naupo sa gilid ng wishing well na may upuan.  Sabi nila kapag magtapon ka lang ng piso ay matutupad na raw ang hihilingin mo. Binitawan nito ang kamay ko at agad ko dinilian ang ice cream at ganoon rin s'ya.

Kumuha ako ng barya at naghiling na sana ay.... Nilingon ko muna ang aking katabi na kumuha rin ito ng barya sa kanyang bulsa. 'Sana ang taong katabi ko ngayon ay ang makakatululuyan ko habang buhay. At sana matutunan niya akong mahalin habang hindi pa huli ang lahat.' Mapait kong hiling at saka tinapon ang piso sa wishing well. Nilingon ko muli si Fadz at tahimik lang ito. 'Sino kaya ang hinihiling nito? Sana naman ako? Haisst asa ka pa hindi ka naman mahal. Baka nga si Sam ang hinihiling nito na gusto niyang makasama habang buhay. Sa isipin pa lang iyon nasasaktan na ako. Hindi na lang ako nagpapahalata at kumain na lang ng ice cream.

"Tara!"Aniya at hinawakan nito muli ang aking kamay. Saan na naman kami pupunta? Pagdating namin sa isang perfume station binitawan nito ang pagkahawak sa kamay ko at namili siya ng perfume.
"Anong perfume ang gusto mo?" tanong niya.

"Imari Sweet seduction." Sagot ko. Mahilig ako sa avon product. Ayaw ko rin sa mga masyadong mamahalin dahil sa sayang ang pera. Hindi ako ang nagpagod sa pagkayod at nagpuyat sa opisina para magkapera kaya nararapat lamang na magtipid ako.

"Okay!" Aniya. Ilang sandali ay may pumasok na dalawang lalaki mukhang mga bigatin dahil sa suot ng mga 'to.

"Mr. Monternel!" Pahayag ng payat ngunit matangkad na lalaki.

"Mr. Trinidad! Good to see you again!" Nagkamayan ang dalawa na nakangiti.

" Good to see you again Mr. Monternel" sagot ng nagngangalang Mr. Trinidad.

"You look more handsome Mr. Fadz Monternel!" singit ng kasama ni Payat na lalaki na si Mr. Trinidad at nakamayan.

"Nanbola kapa Mr. Falcon!" Nagkatuwaan pa ang tatlo.

"Wala ka bang balak ipakilala ang kasama mong maganda." Boses ni Mr. Falcon na nakatingin sa akin na nakangiti. Nasa 29 or 28's na ata ang edad nito. Hula ko lang 'di pa ako sigurado.

" Who are you Miss beautiful? " Singit ni Mr. Trinidad na mukhang nasa 30 something ang gulang. 

"Lovely Rose a-asa-"

"Assistant ko si Mr. Trinidad." Deretsahang singit ni Fadz. Nagulat naman ako at nasaktan. Kinakahiya ba niya ako? Parang gusto kong maiyak ngayon. Nilingon ko siya at at ganoon rin si Fadz. Parang sinasabi sa mga mata niya na sumang-ayon. Napangiti naman ako ng mapakla at nilingon ang dalawang bigating tao.

"Nice to meeting you ms. Rose!"Ani  ni Mr. Trinidad sabay lahad ng kanyang kamay at agad ko namang inabot na may matamis na ngiti.

"Thank you sir nice to meeting you too."

"Your so pretty young lady. Nice to meeting you!" Nangiting lahad ng kamay ni Mr. Falcon. Tinanggap ko naman at nagkamayan kami.

"Me too sir." ngiti ko dito.

"You know what you two fit each other." Ani Mr. Trinidad. Habang palipat-lipat ang tingin mula sa akin papunta naman kay Fadz.

"Ligawan mo na ang assistant mo Fadz baka maunahan ka pa sa iba niyan." Asar ni Mr. Falcon. Ngumisi lang si Fadz at sabay tapik ng mga 'to sa kanya.

"Kayo talaga kung ano-ano na lang ang sinasabi ninyo." Fadz annoyed kunwari at namili na sila ng perfume. Feeling ko hindi na ako belong dito kaya lumabas na ako at tumungo sa kung saan nakaparada ang kotse ni Fadz at pagdating sa garahe ay biglang tumulo ang aking mga luha. Ang sakit sa isipin na kinakakahiya ka ng taong minahal mo. Kanina kilig na kilig ako ng sobra ngayon tanging nararamdaman ko pagkadismaya at pagtatampo.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now