Chapter 25

676 13 0
                                    

(AUTHOR'S POV)

  
       Sa di kalayuan ng katabing gymnasium ng unibersidad ay dali-daling tumatakbo si Lovely patungong field ng baseball para makahabol sa klase. Sa sobrang pagmamadali ay may nabangga siya na isang matangkad na lalaki at nauntog ang ulo nito sa dibdib ng lalaki at muntik pa siyang matihaya sa lakas ng impak ng kanyang pagkauntog buti na lang ay dali siyang nahapit sa beywang ng lalaki para hindi siya tuluyang matihaya.
              
        Agad naman nito binitawan si Lovely at umayos sa pagkakatayo. "Hey, are you okay?" nag-alalang tanong ng lalaki.

"Oo o-kay lang ako" ani ni Lovely at hinimas pa ang noo.

"Are you sure? look i'm so sorry I didn't mean to bump you." Seryosong paumanhin nito in a British accent.

"It's okay ako naman talaga ang may kasalanan kasi sa sobra kung pagmamadali tapos tumatakbo pa ako ay hindi ko na napansin na may tao pala sa unahan."
               
"Thanks.... Anyway i'm Troy. And you are...?" Pagpakilala nito na nakangiti at sabay lahad sa kamay.

"Lovely..." sabay abot sa kamay ng lalaki.

"What a Lovely day! Nice to meeting you! " At nagkamayan ang dalawa ng mahigpit. Saka bumitaw sa isa't-isa.

"Let me guess...bago ka bang lipat dito sa school namin?" Tanong ni Lovely.

"Yes, ummm... can you tell me if a-asan dito ang dean office?" tanong ng binata in a slang pronunciation.

"Dumaan ka sa right side ng office ng mga guro at pagdating mo dun kumanan ka at doon makikita mo isang sign board arrow na 'This way for dean's office.' Sige maiiwan na kita late na talaga ako, nice to met you too" patakbong wika ni Lovely papuntang field ng baseball at tanaw niya abala na sa pag-eensayo ang kanyang mga kaklase.

"Hey Lovely wait.. " yun lang ang tanging nasabi ng lalaki. Sa palakad na siya paalis ay may naapakan siya na isang hairpen. Pinulot nya iyon at lumingon sa likuran, ngunit wala na si Lovely. Napapangiti siyang pinasok sa bulsa ang hairpen na itim ang kulay. May chance pa na magkita sila ulit at saka niya ito ibalik ang hairpen kay Lovely. Sino kaya si Troy sa buhay ng lahat?

(FADZ POV)

       Simula kahapon hindi na ako pinapansin ni Lovely. Kakausapin lang n'ya ako kapag kakain na o di kaya'y tatanungin ako anong ulam ang gusto ko ipaluto sa kanya. Hindi man lang n'ya ako magawang tingnan sa mata. Sa tuwing binabati ako ay hindi siya makatingin sa akin ng deretsahan at ang mga ngiti nito ay halatang pilit lamang. Parang hindi ako sanay na ganito ang pinapakita niyang pag-uugali. Bigla akong nagbalik tanaw ng tumunog ang aking selpon. At si mom ang tumatawag tiyak na kukumustahin na naman nya ang buhay kong may asawa.

"Hello mom napatawag ka?"

"How's you're married life anyway? Buntis na ba si Lovely? Kumusta na kayong dalawa? Nagka-mabutihan na ba kayo? Asan siya? sunod-sunod nitong tanong. Bigla akong napaisip kung buntis ba si Lovely simula nung may nangyari sa aming dalawa ay nakalimutan kong gumamit ng proteksyon. Shittt no way! paano si Sam? Paano kung buntis nga siya? Pero almost three months na impossible din naman. Saka hindi naman maumbok ang kanyang tiyan ata? Kasi hindi rin naman halata eh palagi na lang maluwag na tshirt ang suot nito. Bumalik ako sa huwisyo ng magsalita muli si mom.

"Son, are you there? Are you listening to me?!"

"Y-yes Mom! Okay naman ang buhay naming mag-asawa getting stronger. Saka o-okay naman si Lovely. May klase pa si Lovely at ako naman nasa basketball court," tanging sagot ko.

" Good to know son. Is she pregnant already? Excited na ako magkaroon ng apo," halata sa boses ni mom ang pag-aasam na magkaroon ito ng apo.

"I don't know mom, hindi pa buntis si Lovely. Darating din tayo d'yan mom sa tamang panahon saka nag-aaral pa kami baka mahihirapan siya sa pag-aaral habang buntis." Tanging paliwanag ko kay mom. Saka kung bibigyan ko man siya ng apo gusto ko mula kay Sam at hindi kay Lovely.

"You right son baka masyado pa ngang maaga." Buntong hininga sagot ni Mom.

"I'll hung up this call, bye!" at nawala na sa linya si mom. Alam ko na gustong-gusto na talaga ni mom magka-apo at naiintindihan ko din naman siya but 'wag muna sa ngayon.

      Napansin ko sa 'di kalayuan na may maraming mag-aaral na babae ang nagkukumpulan malapit sa aming classroom na tila ba kinikilig at nagpapansin kong sino man ang nasa loob na naagaw pansin. Naglakad ako papunta doon at habang papalapit ako may naririnig akong mga sinabi nila.
     
"OMG! ang pogi nya ano?!"

"Plus ang cute niya ngumiti"

"Sino kaya siya?"

"Balita ko bagong lipat siya dito sa ating school".

"May girlfriend na ba siya? Sana wala... "

    Iyan ang ilan kong naririnig na lumabas sa mga bibig ng mga babae dito. Sino ba ang tinutukoy nilang pogi at cute? Maliban sa akin? At sa amin ni Lupe at Traenhz.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now