4

75 4 0
                                    

"Okay ka na ba?"

Tanong ko kay Achizz ng makita siyang tulala sa gilid. Wala pa naman kaming practice kaya okay lang na narito muna ako sa tabi niya.

Napalingon nanaman siya sa'kin bago na para bang nagulat pa siya na narito nanaman ako sa tabi niya. Umiwas agad siya ng tingin at uminom ng can beer.

"Gago ka. Nasa campus ka pa talaga uminom?" Kunot noong tanong ko na inagaw pa sa kaniya ang alak niya at tinapon sa basurahan.

Hindi man lang siya nagalit o lumingon sa akin para samaan ako ng tingin. Wala lang sa kaniya ang ginawa ko. Muli akong naupo sa tabi niya habang pinapanood siyang nakatulala sa malayo.

Awtomatiko akong napatayo ng makita si Blaze at Soliel na nakatingin sa akin. Masama nanaman ang tingin sa akin ni Blaze na para bang kasalanan na ang ginawa ko.

"A-Ah may practice na?" Pagpapalusot na tanong ko.

Lalong tumalim ang tingin sa akin ni Blaze at muling lumingon kay Achizz na malayo pa din ang tingin. Tinapik ko naman sa braso si Achizz bago lumapit sa mga kaibigan ko.

"Wag mo ng pag initan, problemado na nga oh?" Reklamo ko kaagad kay Blaze ng hindi maalis ang talim ng tingin niya kay Achizz.

Inis naman akong nilingon ni Blaze. "Inaway ko ba? Hindi ko nga nilapitan e tsk." Reklamo niya naman na binatukan pa 'ko bago nauna ng naglakad.

Napahawak ako sa ulo ko habang sinusundan siya ng tingin bago lumingon kay Soliel na tumatawa na. Napakunot naman ang noo ko na babatukan na sana siya pero sinamaan niya 'ko ng tingin kaya tumigil na lang ako.

Natapos ang training na tumatagaktag nanaman ang pawis ko. Nakikipag awagan pa 'ko ng panyo mula kay Blaze na dala ni Soliel pero wala dito si Soliel. Abala nanaman ito sa kung saan na hindi ko nanaman alam.

"Uwi ka na?" Tanong sa'kin ni Blaze, tumango naman ako.

"Ikaw?"

Umiling naman siya. "May pupuntahan lang akong importante. Mauna na 'ko." Sabi niya na mukhang nagmamadali pa.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nakalayo na siya. Mukhang nagmamadali nga siya. Saan kaya ang punta ng isang 'yun?

"Walter."

Napalingon ako sa likod ng may nagsalita. Napangiti pa ako ng makita si Achizz na mukhang ayos na ngayon. Tinapik niya pa ang braso ko tsaka naupo sa bakanteng upuan na katabi ng bag ko.

"Nice game ha." Bati niya.

Tumango naman ako. "Maliit na bagay." Natatawang pagyayabang ko. "Kayo? Kamusta naman sa billiards?"

Nagkibit balikat naman siya. "Wala namang practice ngayon. Kampante na ata coach namin na mananalo kami sa Intramurals next month."

"Woah? Hintayin ko 'yan." Sabi ko habang nagliligpit ng gamit. "By the way, ano ginagawa mo dito?"

"Wala, sabayan mo 'kong kumain. Wala akong kain kahapon pa." Reklamo niya na nakakunot pa ang noo.

"Kain lang ba? Walang problema basta libre mo." Makapal na mukhang sabi ko. Natawa naman siya tsaka nagthumbs up. "Punta muna akong locker, ilalagay ko lang 'tong damit tsaka bola doon."

"Sasama na 'ko." Sabi niya na binitbit pa ang bola ko.

Habang inaayos ko ang gamit ko ay nilalaro niya muna ang bola. "Marunong ka magbasketball?"

Natawa naman siya. "Syempre gago. Dapat talaga nasa basketball ako pero dahil wala masyadong marunong magbilliards, napunta ako doon kasi marunong din naman ako."

"Sanaol." Natatawang sabi ko bago binitbit ang bag.

Sumunod naman siya sa'kin na hindi natapos sa pagdribble ng bola hanggang sa makarating kami ng locker. Wala ng estudyante dahil nga gabi na rin kami natatapos ng practice.

"Saan tayo kakain? Dapat sa masarap kasi bihira mo lang ako ililibre." Natatawang sabi ko ng makalabas kami ng Campus.

"Diyan lang, streetfood."

Nahinto ako sa paglalakad at kunot noong nilingon siya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso kasi seryoso ang mukha niya.

"Biro lang." Biglang bawi niya, natatawa sa itsura ko.

Pumunta nga kami sa isang mamahaling restaurant. Napakunot pa ang noo ko dahil sobrang daming tao dito. Second floor 'to at kahit dito sa second floor ay punuan rin ang tao. Maraming costumer.

"Sir." Lalong napakunot ang noo ko ng may lumapit na waitress kay Achizz at yukuan ito.

"Special menu." Sabi ni Achizz na hinila pa 'ko sa kung saan gamit amg necktie ko gago.

Nang makaalis ang waitress ay doon ko siya tinanong. "Ba't ganu'n sa'yo 'yun?" Tanong ko ng maupo kami sa sit, mukhang VIP pa 'to.

Umangat naman ang kilay niya. "Bro, I am the owner of this restaurant."

Napaawang ang labi ko at nilibot ang tingin. "Woah?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Talaga ba? Angas naman. Itetreat ko mga kaibigan ko dito next time. Dapat may bawas sa'min ha kasi kilala mo 'ko."

Inirapan niya lang ako tsaka nilibot ang tingin. Nailibot ko din tuloy ang tingin ko. Paligid pa lang ay alam ko ng mamahalin ang restaurant nito. Parang mga ganito ang kulay ng semento. Babasagin din ang tables at chair.

"By the way, may closure pa 'ko ni Steven?" Tanong ko na ikinalingon niya.

Umiling naman siya. "Wala. Last na usapan na namin 'yung nakita mo."

"Ilang months na kayo?" Tanong ko ulit.

"Year. 1 year."

My lips form to 'o'. "Woah? Grabe naman. Tapos pagkatapos parang wala na?"

Nagkibit balikat naman siya. "Eh ikaw?"

Nanlaki naman ang mata ko tsaka natawa pa. "Straight ako."

"Stupid." Napahilot naman siya sa noo niya. "Ex?"

"May ex ako." Sabi ko na naalala pa 'yung dati. "Masaya na siya, 'wag na nating pag usapan." Paglalayo ko ng usapan.

Tumango naman siya. "What if mahulog ka sa lalaki? Ayos lang sa'yo?"

Napakunot naman ang noo ko. Napaisip ako sa tanong niya. "Oo naman. Sabi mo nga sa tanong mo, nahulog ako? Wala naman akong magagawa kundi mahalin 'yun kasi nahulog na 'ko e."

Napangiti naman siya na iiling iling pa. "Ganu'n din naman ako. Hindi ko inaasahan."

"Uhm... Una si Steven?" Tanong ko ulit.

Tumango naman siya. "Yeah, unang lalaking minahal ko."

"Ang swerte naman ni Steven kung ganu'n." Natatawang sabi ko. "Pero 'yung about sa mahulog sa lalaki? Hindi ko maimagine 'yung sarili ko na magmamahal ng lalaki tulad mo kaya bilib din ako sa'yo."

________________________________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now