13

66 2 0
                                    

INTRAMURAL

"Ito na ang pinakahihintay ko!"

Lahat nga naman talaga ay excited sa araw na tayo. Sports fest nga ang tawag nila dito. Magkakaroon ka kasi dito ng unexpected friends galing sa iba't ibang school. Masaya din ako o kami dahil last year na namin 'to ngayon. Next school ay nasa iba't ibang school na kami.

"Good luck!" Bati sa 'min ni Soliel.

"Wag ka masyadong pakalat kalat," sabi naman ni Blaze.

Sports Journalist si Soliel kaya kailangan niya ng mga documents galing sa iba't ibang sports. Hindi naman siya nag iisa kaya wala naman dapat ikabahala.

"Ang daming estudyante, daming chiks," bulong ko na medyo natatawa pa.

Hindi naman ako babaero pero syempre madali akong magandahan sa isang babae. Maganda akong mapalapit sa babae. Sa aming tatlo, ako ang pinakafriendly.

"Kuya!"

Napakunot naman ang noo kong napalingon sa likod. Napasapo naman ako sa noo ng makita si Weshly na tumatakbo papalapit sa akin.

"Hi cutie," bati sa kaniya ni Blaze na ginulo pa ang buhok niya.

"Oww Weshy Weshy ko! Ang ganda mo," sabi naman ni Soliel na kinurot pa ang pisngi ni Weshly.

Napairap naman ako at napalingon sa likod, kasama niya si Mom at Dad na may kaniya kaniya ding kausap.

"Kuya! Let's eat pweasee," sabi ni Weshly na nagpapacute pa sa 'kin.

Napairap naman ako. Bakit ba narito sila? Nahiya tuloy ako bigla. Paano kung matalo ako? Kami?

"Pakainin ko muna 'to," paalam ko sa mga kaibigan ko.

Tumango naman sila kaya hinawakan ko na ang maliit na kamay ni Weshly. Her little steps make me irritated but still, she's cute. Napapaamo ako sa cute niyang mukha.

Napahinto kami ng makasalubong ko si Achizz na nagulat pang napalingon sa batang hawak ko. Mabilis siyang lumuhod para harapin si Weshly. Napakunot naman ang noo ni Weshly na halatang hindi rin namumukhaan si Achizz.

"Kapatid mo?" tanong ni Achizz, tumango naman ako. "Ang cute. Hi lady," bati naman niya kay Weshly.

Ngumiti naman sa kaniya si Weshly na kumaway pa.

"How cute," bulong ni Achizz na napalingon pa sa akin.

Sa galaw niya ay halatang mahilig siya sa bata. Napangiti na lang ako habang pinapanood siyang kausapin si Weshly at hindi namalayang naglalakad na sila palayo sa akin. Napasapo nanaman ako sa noo at mabilis na tumakbo palapit sa kanila.

Ito talagang si Weshly, madali 'tong mahoholdap.

Nasa line na si Achizz habang hawak ang kanay ni Weshly. Nasa likod naman ako ni Achizz at dahil siksikan ang pila ay halos magdikit dikit na kami. Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumingon sa akin at aksidenteng mahalikan ako. Parehas kaming nagkagulatan dahil sa nangyari.

"Hoy siraulo ka!" Singhal ko na mabilis pinunasan ang labi ko.

Napaawang naman ang labi niya habang nakatitig sa akin na para bang ako pa ang nambastos sa kaniya. Nakita ko pang mapalingon siya sa labi ko at napalunok pa. Naputol lang ang tingin niya ng hilain na siya ni Weshly.

Napabuga din ako ng hangin dahil doon. Medyo nakakainit ng ulo 'yon ha. Nakuha niya ang first kiss ko dahil lang sa isang aksidente.

"Weshly," paninita ko sa kapatid ko ng magturo siya ng magturo.

"I-It's okay," sabi naman ni Achizz na hindi na makatingin sa akin.

Naiilang na din tuloy ako. Hindi ko alam kung sino 'yong mga nakakita. Hindi naman mahalaga 'yon and besides, aksidente ang lahat.

Tahimik kaming kumakain hanggang matapos si Weshly. Sinamahan ko pa si Weshly sa mga magulang ko bago bumalik sa team na abala din sa kani-kanilang gawa.

"Walter."

Napalingon ako sa labas ng room ng may tumawag sa name ko. Napakunot pa ang noo ko dahil kakapasok ko pa lang ay may tumawag nanaman. How handsome I am.

"Yes?" Nakangiting bungad ko, hindi ko sila kilala. Mukhang taga ibang school.

Marami rami sila. Sa tingin ko ay lima o higit. Ang iba ay mukhang kinikilig pa. Ano ba naman sila. 'Di naman aki masyadong gwap—"

"Ohmygash Achizz!"

Napakunot ang noo kong napalingon sa likod ng magsigawan at magtilian silang lahat habang nakatingin sa likod ko. Nakita ki naman si Achizz na nakatayo sa likod ko habang seryoso ang tingin sa akin.

So pumunta sila dito at tinawag ako para kay Achizz? Where's the manner?

Napakunot ang noo ko ng hilain ako ni Achizz papasok ng room. Walang nagawa ang mga babae kundi ang magsialisan dahil hindi naman sila pwedeng pumasok ng room namin.

"Aray!" Reklamo ko na tinapik pa ang kamay niyang nakahawak sa gilid ng tshirt ko. "Bakit?"

Napalunok ako ng mapansing lumingon siya sa labi ko. Nang magtama ang tingin namin ay pinagkunutan ko siya ng noo.

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa mukha ko na para bang malalim ang iniisip niya.

"Walter tara na."

Naputol lang ang tingin niya ng tawagin na ako ni Blaze. Nakita ko kung gaano katalim ang tingin ni Blaze sa akin kaya napakamot pa 'ko sa ulong napalingon kay Achizz.

"Mamaya na lang, mukhang magsisimula na kami e," sabi ko sa kaniya kaya napatango naman si Achizz. "Manood ka ha! Manonood din ako mamaya sa'yo," sabi ko naman.

"Good luck," bati niya na tinulak pa 'ko.

Napasimangot pa 'ko sa lakas ng pagtulak niya pero pinagtawanan niya lang ako at sumunod na sa amin. Pagdating namin ng court ay si Steven agad ang napansin ko. Nahuli ko pa siyang tumingin kay Achizz habang si Achizz naman ay abala sa phone niya.

"Mukhang gusto ka pa ng ex mo," sabi ko kay Achizz na medyo natatawa pa.

Napalingon naman sa akin si Achizz sunod sa pwesto ng ex niya. Malawak ang court at medyo maingay sa sobrang daming manonood.

"Pwes ako hindi na," natatawang sabi niya na siniko pa 'ko.

Napairap naman ako st magsimulang ayusin ang sintas ng sapatos ko. Sa sobrang init dito ay hindi rin ako nahinto sa pagpaypay ng towel. Nakita ko na lang na nakaluhod na sa harap ko si Achizz para ayusin ang sintas ng sapatos ko.

"Oy salamat," sabi ko ng matapos siya.

Inayos niya pa ang buhok kong nagulo tsaka ngumiti sa akin. "Nice lips," bulong niya habang nasa labi ko ang tingin.

________________________________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now