34

33 0 0
                                    

"Bakit may gasgas ang mga daliri mo?"

Mabilis kong iniwas kay Soliel ang kamay ko. Buti na lang at wala si Blaze dito kung hindi ay wala talaga akong takas kahit ano pang sabihin ko.

"A-Ah wala lang 'to, nagkagasgas kasi 'nung inayos ko 'yong k-kotse oo." Pagpapalusot ko.

Hindi naman 'yon ang dahilan. Napapadalas ang pakikipag away ko sa school dahil sa pambubully sa akin. Ni isa sa kanila ay walang nakakaalam bukod kay Robelyn na halos lahat ng away ko ay siya ang umaayos.

"Mag iingat ka kasi Walter," sabi ni Soliel. Tumango naman ako.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang magsinungaling. Hindi ko kayang sabihin sa kanila dahil alam kong may kaniya kaniya rin silang problema at ayaw ko ng dumagdag pa ang sa 'kin.

Ilang araw nanaman ang nakakaraan 'nung huli kaming magkita ni Achizz. Pilit kong iniintindi ang busy day niya. Pinipilit kong intindihin lahat kahit nananabik akong makasama siya araw araw.

Abala ako sa pagbabasa sa library ng maupo si Robelyn sa tabi ko. Inabutan niya ako ng candy patago kaya natawa ako. Sinabayan niya akong magbasa dahil may kailangan din daw siyang hanapin.

Halos si Robelyn na lang din ang araw araw kong kasama. Pagkain, pag-uwi, kausap, kasama at lalo na kapag nabubully ako. Hindi na mahalaga sa akin kung palagi nila akong laiitin tungkol sa kung anong mayroon kami ni Achizz basta ang mahalaga ay masaya ako kung ano ang mayroon kami.

Sa  pananabik ko sa kaniya ay pinuntahan ko siya sa bahay nila ng linggo. Walang pasok kaya alam kong nasa bahay lang siya. Wala ang parents niya at siya lang mag isa. May mga katulong pala siya pero may ginagawa.

Naabutan ko siyang nakatulog na habang nakaupo sa harap ng table niya at hawak hawak ang libro. Nakajacket pa siya at pants na halatang wala ng ligo ligo pero mabango pa din.

"Achizz," gising ko sa kaniya.

Dahan dahan naman nagmulat ang mata niya na sinalubong agad ako ng tingin. Napaayos agad siya ng upo at nilingon ako.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na inayos pa ang buhok niya.

Ngumiti naman ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Niyakap niya naman agad ako. Tumayo pa siya para hindi ako mangalay sa posisyon. Napangiti naman ako habang dinadama ang yakap niya.

"Masyado mo ata akong namiss," bulong niya na hinahalikan pa ang sentido ko.

"Ganu'n na nga," sabi ko na humiwalay pa sa  yakap niya.

Itinulak ko siya pahiga sa kama niya at mabilis na umibabaw sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero napangiti lang din at napakagat sa sariling labi.

"You are getting wild baby," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napangiti naman ako at sinunggaban siya ng halik. Sinabayan niya naman ang halik ko. Naramdaman ko naman ang palad niyang gumapang sa batok ko at idinidiin ako sa kaniya. Ang kabila niyang kamay ay nasa pwetan ko.

Sa halik naming dalawa ay halatang punong puno ng pananabik. Nang bitawan ko ang labi niya ay napatitig siya sa mukha ko bago ngumiti.

"Ang pogi mo lalo ah," sabi niya na inayos pa ang buhok ko.

Ngumiti naman ako at muling hinalikan ang labi niya bago umalis sa ibabaw niya at nahiga sa tabi niya. Niyakap niya naman agad ako.

"Kung inaantok ka, sige na tulog na." Niyakap ko naman siya habang hinahaplos ang buhok niya.

Tumango naman siya at maya maya lang ay nakatulog kami pareho. Nagising ako na wala na si Achizz sa tabi ko. Agad naman siyang hinanap ng mata ko at naabutan siyang nagluluto sa kusina. Mabilis akong lumapit sa kaniya at sinilip ang niluluto niya. Ngumiti naman siya na ngumuso pa, binigyan ko naman siya ng halik.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong niya.

Umiling naman ako. "Hindi. Alam nilang narito ako sa bahay niyo," sabi ko naman. "Hindi ba kita naabala ng sobra?" tanong ko naman dahil naabutan ko siyang natulugan ang binabasa niya.

Umiling naman siya at ngumiti pa. "Hindi ka istorbo sa 'kin Walter," sabi niya na nilingon pa ako. "Sorry kung nauubusan ako ng time para sa 'yo," sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Okay lang 'yon. Palagi kitang naiintindihan. Sana maging doctor ka balang araw," sabi ko sa kaniya na ngumiti pa.

Ngumiti naman siya at tumango. Sabay kaming kumain ng niluto niya. Simpleng adobo at pritos na manok lang 'yon pero napasarap ang kain ko. Halos magparamihan kami ng kain ni Achizz.

"Ngayon lang ulit ako nakakain ng ganito karami," sabi ni Achizz na napasinghal pa. "Wala kasi akong gana, ngayon lang muli nagkaroon. Iba talaga kapag masarap kasa-- este 'yong pagkain."

Napairap naman ako. "Gutom lang 'yan, kain ka pa."

Natawa naman siya sa sinabi ko. Tig anim kaming plato wt sobrang busog na talaga. Ako na ang nag volunteer na maghugas dahil siya naman na ang nagluto. Pinapanood niya lang ako habang naghuhugas.

"Magbasa ka na!" Utos ko sa kaniya na tinapunan pa siya ng bula.

Natawa naman siya at umiling. "Tapos na 'ko magbasa. Nagbasa ako 'nung tulog ka."

Napaangat naman ang kilay ko bago tumango. Nang matapos 'yon ay lumapit na 'ko sa kaniya para silipin ang mga binabasa niya. Libro nga talaga 'yon na punong puno ng mga impormasyon tungkol sa mga sakit. Nakakahilo ang dami ng letra.

"Kamusta sa school mo?" tanong niya na ikinalingon ko.

Napalunok naman akong nag iwas ng tingin. "Okay lang naman."

'Wag ngayon. Masyado siyang maraming kailangan pag aralan, ayaw kong humalo pa sa isipan niya 'yong mga nangyayari sa school. Ayaw kong masira lang 'yong mga bagay na sinisimulan niya na. Mas gugustuhin kong sarilihin lahat ng problema ko kaysa ishare sa kaniya.

"Sa 'yo?" Balik ko ng tanong sa kaniya.

Tumango naman siya na ikinakunot ng noo ko. "Everything is alright. Don't worry about me. As long as your safe, I'm fine."

Hindi maayos ang kalagayan ko sa school na 'yon Achizz. Wala ang mga kaibigan ko. Walang ibang magpoprotekta sa sarili ko kundi ako lang.

Nahihirapan at nasasaktan din ako sa mga sinasabi nila pero kinakaya ko kasi ayaw kong masira 'yong bagay na ikakasaya ko.

__________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now