20

52 0 0
                                    

"Hala totoo????"

Tumango naman ako. Ikinwento ko kay Soliel ang nangyari pag uwi namin sa dating school. Tuwang tuwa siya habang nakatingin sa akin. Masaya ako na may nakakaintindi sa akin.

"Walter ganito ha, nasimulan muna edi dire-diretsuhin mo na. I mean, nagkikwento ka na sa 'kin tungkol sa inyong dalawa edi ituloy mo na. 'Wag kang mahihiya na magkwento sa akin kasi support ako sa inyong dalawa!"

"Wala pa tss," reklamo ko na medyo tinulak pa siya. "Pinapakiramdam ko pa 'yong sarili ko kung kaya ko bang magkagusto sa lalaki."

Suminghal naman siya na napairap pa. "Magpustahan tayo Walter, mababaliw ka din sa lalaki."

Napangiwi naman ako. Hindi ko talaga maimagine ang sarili ko na gano'n. Ano na lang ang sasabihin ng magulang ko kapag nalaman nila na ganito?

"Soliel, what if malaman nina Dad at Mom na ganito?"

Napaangat naman ang kilay niya. "A real family willing to understand everyone. Kung magugustuhan mo talaga si Achizz, wala silang magagawa kundi suportahan ka kasi nagmahal ka din tsaka 'wag mo muna isipin 'yon. I got you! Kaya kitang tulungan kay tita."

"Eh si Blaze?"

Natawa naman siya. "Masungit lang 'yon si Blaze pero believe me, susuportahan ka 'nun kahit na anong mangyari."

Naging panatag ako dahil sa mga sinasabi niya. Atleast may napagsasabihan ako ng ganitong bagay. Wala pa man kasing kasiguraduhan ang pagitan namin ni Achizz ay iniisip ko na ang taong nakapaligid sa 'min.

"Walter!"

Tinawag ako ni Achizz dahilan para mapalingin ako. Nasa locker kasi ako nagpapalit ng gamit ng maabutan niya ako.

"Nagugutom na 'ko, tara na dali!" Hinila niya 'ko kahit na hindi pa maayos ang pagkakasara ng bag ko.

"Teka lang! Malalaglag!" Reklamo ko ng sumabit ang Id lace ko sa zipper ng bag.

Binitawan niya naman agad ako at kinuha ang nalaglag na gamit ko kahit hindi ko na napansin.

"May eraser ka pa?" tanong niya habang nakatingin sa eraser kong happy emoji. "Masyado ka namang bata," natatawang sabi niya na pinasok pa 'yon sa bag ko.

Suminghal naman ako. "Bata lang ba pwedeng gumamit ng eraser?" Pamimilosopong tanong ko. "Tsaka isa pa, mahilig akong magdrawing, kailangan talaga ng eraser 'nun," pagdadahilan ko.

Nanlaki naman ang mata niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Really? Ngayon ko lang nalaman na magaling ka sa arts," sabi niya na halata ang pgkamangha sa mukha.

"Hindi ako magaling."

"As long as ypu can draw, magaling ka," sabi niya na napairap pa.

Naglakad kami papasok ng jollibee. Hindi ko alam kung sino ang mas isip bata sa aming dalawa. Siya ang nagyaya dito e.

"Masarap 'yong burger dito tsaka steak," sabi niya na tinuro pa ang menu sa likod ng cashier.

"Kahit ano basta libre mo," sabi ko habang tinitignan din ang menu.

Baka sakaling may magustuhan ako pero tss wala naman. Pakiramdam ko ay sinamahan ko lang talaga siya dito.

Sabay kaming naupo ng makuha na namin ang order namin. Abala siya sa phone niya habang kumakain kami. Nagtataka pa 'ko kung sino ang kausap niya dahil nakikita ko siyang ngumingiti habang nagtatype.

"Hoy kakain ba tayo o makikipagchat ka?" Reklamo ko ng mapikon pikon ako.

Napalingon naman siya sa akin at ng makita niya ang nakakunot kong noo ay mabilis niyang tinago ang phone niya para kumain. Napapangiwi pa ako sa tuwing susubo siya ng burger, parang walang kabusugan.

"May research pala kami mamayang gabi," sabi niya habang may nguya nguya pa.

"Oh?" tanong ko naman. "Ano naman kung may research kayo?"

Umangat naman ang kilay niya at medyo natawa. "It means hindi kita masasamahan pag uwi kaya ihahatid muna kita sa inyo," sabi niya na muling nagpatuloy sa pagkain.

Suminghal naman ako. "Anong akala mo sa akin babae? Kaya ko mag uwi 'no tsaka isa pa, kasama ko mga kaibigan ko," sabi ko na napailing pa.

Umunom muna siya ng iced tea bago muling tumingin sa akin. "Hindi naman 'yon iniisip ko," sabi niya na napailing din. "Baka may makasama kang babae, magbago pa isip mo," sabi niya na tinaasan pa ako ng kilay.

A smile form in to my lips. "Wow Achizz," natatawang usal ko. "Kung maganda, baka nga," pabirong sabi ko na natatawa pa

His gesture becomes serious. He immediate look away and continue his food without talking to me. I let a small laugh while looking at him.

"Biro lang 'yon," bawi ko agad sa sinabi ko.

"Nakakaoverthink ang biro Walter," sabi niya na lalong ikinatawa ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Hindi ako nagbibiro, gunggong."

"Biro nga lang 'yon, baka nga ikaw 'tong mambabae habang nasa research study niyo e," sabi ko na ikinasama lalo ng tingin niya.

"Tigilan mo 'ko Walter." Singhal niya na napairap pa.

"O kaya naman makimeet up kay Steven," sabi ko ulit.

"Isa pa Walter." Nambabanta na siya.

Sino tinakot niya?

"O kaya naman manghunting ng pogi sa bar pagkatap-"

Naputol ang sinasabi ko ng tumayo siya para halikan ako. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara dahil sa diin ng halik niya. Natulala ako matapos niyang gawin 'yon. Bumalik siya sa kinauupuan niya at nagpatuloy ng pagkain.

Napalunok ako na napalingon pa sa paligid. Napasapo ako sa noo dahil sa kahihiyan dahil may mga nakakita.

"Halik lang pala magpapatahimik sa 'yo," natatawang sabi niya.

Matapos naming kumain ay sabay na kaming bumalik ng school. Pareho na rin kaming abala sa kaniya kaniya naming gawain.

Tulad nga ng sinabi niya ay sinamahan niya ako este kami pauwi. Ang titig ni Soliel ay nang aasar habang chill lang si Blaze, wala pang nalalaman.

Nasa parking lot kami, sa harap ng kotse ko.

"Kasabay ko naman sila pag uwi, umalis ka na," sabi ko kay Achizz na medyo tinutulak ko pa siya.

"Saglit lang ha," paalam ni Achizz bago ako hinila palayo sa mga kaibigan ko.

"Ano nanaman?" tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hilain ako palapit sa kaniya. Gumapang ang kamay niya sa leeg ko papuntang batok bago hilain ang ulo ko papuntang mukha niya. Hinalikan niya nanaman ako! Dampi lang 'yon pero naapektuhan na 'ko.

"Take care handsome," sabi niya bago ako itulak palayo sa kaniya.

__________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now