11

50 1 0
                                    

"Uuwi na agad tayo? Sayang naman, masaya pa naman dito. Balik tayo dito."

Hindi ko maitatanggi na nag enjoy talaga ako sa lugar na 'to. First time ko kasi magbakasyon sa probinsiya. Hindi ko inaasahan na ganito pala kasaya dito. Gusto kong bumalik dito kasama naman ang mga kaibigan ko.

"Ano namang nakakatuwa dito?" tanong niya na para bang hindi talaga siya nag enjoy.

Tinapik ko naman ang braso niya, abala siya sa pag eempake ng mga gamit niya kasi bukas ng umaga ay byahe na namin pauwi ng Manila.

"Ano ba Achizz, masaya kaya dito!"

Hindi niya 'ko pinansin at basta na lang pinagpatuloy ang pag iimpake. Wala naman akong masyadong dala kaya kunti lang ang iililigpit ko. Nauna pa 'ko sa kaniya. Abala nanaman ang parents niya kaya naiwan nanaman kaming dalawa dito. Niyayaya ko siyang mag one on one shot kami pero ayaw niya dahil baka raw kung ano ano ang masabi niya kapag lasing na siya.

"Sino mga ex mong babae? If you don't mind," natatawang tanong ko.

Napalingon naman siya sa akin bago naupo sa kama para tignan ako. Seryoso ang mukha niya na para bang pinag iisipan kung sasabihin niya ba sa akin o hindi na.

"Bakit mo tinatanong?" tanong niya naman.

Napaangat naman ang kilay ko. "Why? Ofcourse I'm confused!" Depensa ko kaagad, para nanaman kasi siyang galit.

"It's none of your business man," nakangiwing sagot niya.

Iniwan niya na 'ko kaya wala na akong chance para muli siyang tanungin. Masyado siyang masungit.

Kinabukasan ay hindi ko na maalis ang tingin ko sa paligid. Pauwi na kasi kami kaya sinusulit ko na ang paningin ko.

"Babalik pa naman tayo dito 'no?" tanong ko, nagbabakasakali.

Napatitig naman siya sa 'kin bago tumango. "Anytime."

Agad na sumilaw ang ngiti sa labi ko ng marinig 'yon. Mahilig ako sa nature kaya obsess ako sa mga ganitong bagay.

Inabutan niya pa 'ko ng pizza kaya tinanggap ko na din naman. Nasa van kaming dalawa, siya ang nagmamaneho. Ayaw niya na daw magsama ng iba.

"Daan muna tayo sa terminal, bili tayo ng pwedeng ipasalubong sa mga kaibigan ko."

Tumango naman agad siya, walang pagtanggi. Nakajacket pa siya at short, parang normal na araw lang samantalang ako ay nakapantalon at polo pa.

Nang makarating kami ng terminal ay pinasuot niya pa 'ko ng mask. Nagtataka pa 'ko pero hinayaan ko na lang siyang isuot sa akin an mask dahil abala din naman ako sa pagsilip sa wallet ko.

"Anong gusto mong iuwi natin?" tanong ko kay Achizz, balak na ilibre siya kahit na mas mayaman naman pala siya sa'kin.

"It's your choice dude," sabi niya habang namimili rin sa mga panindang nasa harap namin.

May walis tambo, pili nuts, puto, baskets at kung ano ano pa na halatang gawang kamay mismo.

"Gusto mo?" tanong ko kay Achizz na itinuro pa ang tshirt na nakita ko.

Mukhang maganda ang tela, maganda rin ang kulay niyang kayumanggi. Pagkain ang habol ko dito pero natuon ang tingin ko sa damit na 'yon pati na rin ang bracelet na gawa sa tela.

Lumapit naman si Achizz para titigan ang tinuro ko. Itinuro ko din ang bracelet sa kaniya. Kinuha niya naman 'yon at sinenyasan ang tindera na hahawakan niya. Gusto ko pang matawa sa itsura ng tindera dahil nakatulala pa ito sa amin.

"I want this, let's buy this for two of us," sabi ni Achizz na kumuha pa ang isa para ibigay sa akin.

Pareho ang design ng bracelet na 'to. Kulay itim at gawa sa tela na para bang ginawang salapid. Maganda.

Binayaran 'yon ni Achizz. Naisuot ko kaagad 'yon samantalang ay hirap na hirap naman si Achizz. I decide to help him because he can't do it alone.

"You're to clumsy. Hindi pa nga natatagal sa 'yo, sinira mo agad," natatawang sabi ko ng makitang may naalis siyang tahi.

Inirapan niya lang ako kaya lalo akong natawa. Madami pa kaming binili bago kami muling bumyahe. Gusto ko pa sana magwine pero tumanggi si Achizz dahil baka raw hindi na kami makauwi ng tuwid.

Nang makaabot kami ng Manila ay doon lang kami nagngitian ng matagal.

"Thank you for inviting me-"

"No. Thank you kasi sinamahan mo 'ko." Putol niya sa sinabi ko. "Sana naenjoy mo kahit madali lang tayo doon," sabi niya na napakamot pa sa ulo.

Natawa naman ako. "Sobra akong nag enjoy, sana maulit."

"Yeah ofcourse," sabi niya bago tinapik ang braso ko para kumaway. "See you in Monday," sabi niya bago ako tuluyang iwanan.

Dahil atat din akong bigyan ng pasalubong ang mga kaibigan ko ay hindi ko na hinintay na magLunes. Pinuntahan ko kaagad sila para abutan ng ibinili kong pagkain na gawa ng mga Bikolana.

"Wow sanaol nag enjoy," sabi ni Soliel na kunwaring napasimangot pa pero agad ding ngumiti. "Salamat! Akala ko nga kinalimutan mo na kami kasi may bago ka ng friend," sabi niya na ngumuso pa.

Natawa naman ako. "Pwede ba 'yon?"

"So how was it?" Seryosong tanong ni Blaze na abalang pumipili din ng kakainin niya.

"Masaya sobra," sabi ko na ngumiti pa ng malapad. "Masayang-"

"Masayang kasama si Achizz?" tanong niya na napaangat pa ang kilay. "Really huh? Hindi na ako magtataka kung pati ikaw maging bakla."

Nanlaki naman ang mata ko at mabilis na himawak sa dibdib na animoy nasasaktan. "Grabe ka talaga Blaze. Bakla agad? Hindi nga bakla 'yon! Magkaiba ang bakla sa bisexual! You want me to explain about that? Differences between gay and bisexu-"

"Winawarningan lang kita Walter," pagdidiin niya. "Take it seriously. Hindi madaling maging bisexual, ayaw ko lang na nahihirapan ang mga kaibigan ko," sabi ni Blaze na nilingon pa si Soliel.

Hindi ko alam kung ano bang mayroon sa pagitan nila. Kung ako ba talaga ang rason o baka personal nilang dalawa ni Achizz. Grabeng concern!

"Don't worry about me. I will never fall in love to the man that I treat as a friend. Kaibigan ay kaibigan lang Blaze. Hindi ko hahayaan na mahantong kami sa puntong nakakaramdam na ng kakaiba sa tuwing magkasama kami ni Achizz ."

________________________________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now