21

52 1 0
                                    

"Grabe ka naman tumawag? 1AM?"

Reklamo ko ng makita ang oras sa phone ko. Mahimbing na akong natutulog ng magring ang phone ko. Si Achizz pala tumatawag.

[Nakauwi na 'ko] sabi niya sa tawag na halatang natatawa.

"Really? You disturb me from my sleep just to inform me na nakauwi ka na?" Reklamo ko habang napahilamos pa sa mukha.

[Calm down! Gusto lang kita iupdate]

"Dapat tinext mo na lang, hindi 'yong tumawag ka p-"

[Masama bang mamiss ang boses mo? Hmm?]

Doon ako napaupo ng kama para pagkuntan ng noo ang phone ko. Ano bang pinagsasasabi niya? Magkasama palang kami kanina.

[Continue your sleep handsome. See you tomorrow] sabi niya sa kabilang linya bago 'yon ibinaba.

Wala akong nagawa kundi magbuntong hininga at muling sinubukang makatulog. Nakatulog din naman agad ako kaya lang late na 'ko nagising tsk.

Nagmadali akong naligo at hindi na naisipang kumain kakamadali. Hindi nga ako nagkakamali at nalate ako ng limang minuto sa unang subject.

"Ayan bebetime pa," natatawang pang aasar sa akin ni Soliel matapos ang unang subject.

Napasighla naman ako. "Hindi 'no!" Depensa ko naman agad.

Wala naman talaga akong mapapala sa pang aasar ni Soliel kaya dumiretso na lang ako ng cafeteria para makakain habang wala pang teacher ang nakasunod.

Naabutan ko naman si Achizz sa Cafeteria kasama ang mga kaklase at halatang abala sa pinag uusapan nila, paniguradong research 'yon dahil ang iba sa kanila ay may dalang papers at ang isa naman ay laptop.

Buti na lang ako ng makakain ko para makabalik na agad sa room. Kape at tinapay lang naman ang binili ko, isinabay ko naman ang softdrink para kay Achizz.

Lumapit ako sa kanila dahilan para sabay sabay silang mapalingon sa akin. Ang seryosong mukha ni Achizz ay napalitan ng ngiti ng makita ako. Inabutan ko naman siya ng softdrink bago ngumiti sa mga kasama niya.

"Ako nga din libre mo," pabirong hirit ng kaklase niyang lalaki.

Natawa naman ako. "Next time, nagmamadali din ako e," sabi ko bago nilingon si Achizz..

Tinapik ko muna ang braso niya bago naglakad pabalik ng room. Nagsimula nandin ang klase ilang minuto lang ang lumipas. Dumaan ang ang oras at natapos din ang klase. Hindi rin naman ako makakapagpahinga dahil maraming homeworks ang iniwan kaya mukhang hindi ako makakagala ngayong gabi.

"Uwi na kayo?" tanong ni Soleil sa aming dalawa ni Blaze.

"Hindi pa ako uuwi," sabi ni Blaze. "May pupuntahan muna ako." Dagdag niya.

"Sama ako, boring sa bahay e," sabi ni Soliel.

"Hindi pwede," maiksing sagot ni Blaze na nilingon ako. "Kay Walter ka na lang muna, next time na lang tayo gumala," sabi ni Blaze kay Soliel na tinuro pa ako.

Napalingon naman sa akin si Soliel. "H-Hindi sana ako gagala ngayong araw pero maboboring ka sa bahay niyo, pwede ka naman sa bahay. Sabay tayo gumawa ng homework," sabi ko na ngumiti pa sa kaniya.

Tumango naman agad siya at halatang excited. "Tara!" Yaya niya sa akin bago nilingon si Blaze. "Ingat Blaze!"

Doon kami naghiwa-hiwalay tatlo. Dumiretso muna kami sa convenient store para bumili ng makakain bago umuwi ng bahay. Naabutan pa namin si Weshly na abalang naglalaro ng doll niya. Lumapit ito sa amin para yumakap at mandaldal.

"Ate let's play!" Alok ni Weshly na inabutan na agad si Soliel ng manika.

Isip bata si Soliel kaya nakipaglaro siya. Akala ko ba gagawa kami ng homework? Tss.

Abala akong gumagawa ng homework ko habang naglalaro naman silang dalawa. Abala akong gumagawa ng homework ng magring ang phone ko, si Achizz nanaman.

"Oh bakit?" tanong ko, napalingon naman sa akin si Soliel na para bang kilala niya na agad kung sino ang tumawag.

[Saan ka ngayon?]

"Bakit?"

[Tara date sa night market]

Parang casual lang ang pagkakasabi niya. Mas gusto ko 'yon. Mas komportable ako na para bang kaibigan lang ang pakikipag usap niya sa akin kahit na ang tutuusin ay may halong feelings na 'yon.

Napalingon naman ako kina Soliel. "Kasama ko si Soliel ngayon e" sabi ko na ikinalingon ulit ni Soliel.

[Isama natin.] Sinabi niya na para bang hinri big deal 'yon at ayos naman sa'kin 'yon.

"Sige hintayin mo kami diyan," sabi ko bago ibinaba ang linya.

Lumapit naman ako kay Soliel para sabihin 'yon at mukhang kinikilig pa ang gago. Kailangan ko muanng utuin si Weshly para magpaiwan.

"Babalik kami dito, bibilhan kita ng ice creak ha?" sabi ko na ikinapayag niya naman.

Sabay nga kaming pumunta ni Soliel sa dating pinupuntahan naming night market ni Achizz. Naabutan ko nga siya sa dating pwesto namin na nakaupo habang abalang pinapanood ang mga batang nagtatakbuhan sa harap niya. Kinalabit ko naman siya mula sa likod kaya napalingon naman siya sa amin. Ngumiti naman siya at tumayo para  harapin kami.

"Pathird wheel muna ah!" Natatawang sabi ni Soliel tsaka nilibot ang tingin. "Ang ganda pala dito at dahil kasama niyo ko, ililibre niyo 'ko 'nun," sabi niya ulit at nagturo pa ng siomai.

Natawa naman si Achizz tsaka tumango. Naglakad nga kami papunta roon. Nauuna si Soliel habang nasa likod niya naman kami ni Achizz. Naramdaman ko naman ang palad ni Achizz na gumapang sa bewang ko bago ako hilain palapit sa kaniya. Nakakailang man ay sinasanay ko na ang sarili ko sa kaniya.

Napalingon sa amin si Soliel at mabilis na ngumiti ng makita ang kamay ni Achizz sa bewang ko. Tumalikod agad siya sa amin para bigyan kami ng privacy. Tulad ng inaasahan ko ay si Achizz nga ang nanlibre.

"Kwek-kwek?" tanong sa akin ni Achizz na abalang tumitingin sa mga pagkain na nasa harap namin.

Tumango naman ako. Doon niya inalis ang kamay niya sa bewang ko para siya na ang kumuha ng makakain namin. Inabot niya sa akin 'yon kaya kumain na rin ako.

"Doon muna ako ha para makapagsolo kayo," sabi ni Soliel sa amin ni Achizz na tinuro pa kung saan siya.

"Ha? Baka mawala ka," sabi ko na mabilis na tumanggi.

"Mga kakilala ko 'yon oh! Basta doon lang ako tapos tawagin niyo na lang ako pagtapos na kayo magbebetime, babye!" Mabilis siyang umalis kaya hindi na rin ako tumanggi.

Hinila na 'ko ni Achizz papunta sa may peryahan. Nanood kami ng kung ano anong  laro roon. Ayaw naman namin maglaro kaya nanood na lang kami.

"May bracelet pala akong nabili dito kanina lang," sabi niya habang may inaabot sa bulsa niya.

Napakunot naman ang noo ko. Nang makita niya 'yon sa akin ay kinuha niya ang kamay ko para isuot sa akin ang itim na bracelet na kay design na moon. Maganda siya para sa kamay ko.

"Para sa 'yo, mayroon din ako niyan para parehas tayo," sabi niya na pinakita pa sa akin ang suot niya, parehong pareho nga.

"Thank you," sabi ko na tinitigan pa ang bracelet na binigay niya.

"Napipilitan ka lang ba sa 'kin?" tanong niya na ikinalingon ko. "Yong totoong sagot, napipilitan ka lang ba sa 'kin?"

Napalunok muna ako bago siya tinitigan. "H-Hindi." 'Yon ang totoo.

"Hindi?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Bakit pakiramdam ko pilit lang lahat ng ginagawa mo para lang pakisamahan ako?"

"Hindi ako napipilitan Achizz okay?" Pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Hinahayaan ko lang na iparamdam mo sa 'kin 'yong gusto mong iparamdaman at gusto ko, kusa kitang magustuhan. Hayaan mong kusa kitang magustuhan Achizz."

__________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now