28

42 1 0
                                    

"M-Mom? D-Dad?"

Dumaungdong ang kaba ko ng makita ang parents ko sa loob ng condo na tinutuluyan namin dito sa Palawan. Kinakabahan ako kahit hindi naman nila nakita kung ano ang ginawa namin ni Achizz. Pakiramdam ko ay namutla ako bigla.

Lalo akong kinabahan ng magtama ang tingin ni Dad at ni Achizz bago ito dumapo sa akin. Gusto kong lamunin ng lupa bigla dahil sa naghahalong kaba, takot at panghihina.

"I know Son," sabi ni Dad na ikinalingon ko. "I already know," sabi niya na muling nilingon si Achizz. "I'm not against on what you have with Achizz."

Napahawak ako sa dibdib na napaupo sa sofa dahil sa panghihina. Madali naman akong inalalayan ng mga kaibigan ko at ni Achizz.

"A-Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Achizz.

Tumango naman ako at napalunok na nilingon ko si Dad. "I'm sorry Dad," sabi ko na para bang maiiyak.

Pakiramdam ko ay kahihiyan sa lahi namin ang bagay na 'to kaya ganito na lang ang takot ko na malaman nila.

Umiling naman si Dad at ngumiting lumapit sa akin. "Actually kanina pa 'ko narito, kanina pa kami dito ng Mom mo," sabi ni Dad na nilingon naman si Mom tsaka muling lumingon sa akin. "Your eyes is so happy when you are with him. You are happy to be with him at nakikita namin 'yon sa mga mata mo. As long as masaya ka sa kaniya, I am here for you. We are here for both of you,"  sabi ni Dad na nilingon pa si Achizz.

"H-Hindi ka ba nagalit Dad 'nung unang beses mong narinig ang bagay na 'yon? I mean... naisip mo bang bakla ako?" tanong ko, gusto kong malaman.

Napabuntong hininga naman siya. "Nagalit ako 'nung una pero hindi ko kayang magalit sa 'yo ng matagal. Pumunta kami dito ng patago para tignan ka kasama si Achizz at alam kong masaya ka. Hindi ko kayang ipagkait sa 'yo 'yong saya na deserve mo.

Napatayo ako para yakapin siya ng mahigpit. "Thank you Dad. Thank you for understanding," sabi ko habang mahigpit siyang niyayakap.

Hinaplos din ni Mom ang buhok ko at likod ko naman kay Dad. Nakahinga ako ng maluwag na para bang nakalaya ako sa isang sikreto.

"Happy birthday son," sabi niya ng magharap muli kami. "Anong gusto mong regalo?" tanong ni Dad na nilingon pa si Mom.

"Hindi na po kailangan Dad. Masaya na 'ko na tanggap niyo kami. Kahit 'yon na lang po ang regalo niyo sa akin," sabi ko na nilingon din si Mom.

Napangiti naman sila na muli akong niyakap.

"Kuya Ash!"

Lahat kami napalingon sa pagpasok ni Weshly. Tumakbo siya kay Achizz para magpakarga. Napangiti naman ako dahil napapalapit na talaga siya kay Achizz.

"Excuse me, kakalaruin ko lang muna siya," sabi ni Achizz sa amin bago pumunta ng kusina buhat buhat si Weshly.

Napangiti ulit akong napalingon sa kanila. Umalis na rin muna ang mga kaibigan ko para sundan sina Achizz kaya naiwan kami nina Mom at Dad.

"Ihahanda ko muna ang mga handa mo. Maiwan ko muna kayo," sabi naman ni Mom sa amin.

Nakita ko nga ang dala nilang mga pagkain kaya napangiti ako. Nang makalayo si Mom ay napalingon ako kay Dad at ngumiti.

"Maraming salamat talaga Dad," sabi ko na malapad pang ngumiti. "Kung tatanungin niyo ako kung paano nangyari, hindi ko alam basta ko na lang naramdaman," sabi ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya na napatango pa. "Love is not scripted Walter," sabi niya na hinawakan pa ang kamay ko. "Kusa mo 'yong marararamdaman, hindi 'yan madaling takasan kaya kahit ayaw ko basta ikakasaya mo, papayag ako," sabi niya na nasa mata ko ang tingin. "Pero Walter binabalahan kita, kahit gaano man kayo katagal, hindi kayo magsasama habang buhay."

Napatitig naman ako sa kaniya. Alam ko ang ibig niyang sabihin at sinusubukan kong paghandain ang sarili ko para sa araw na 'yon.

"Walter, lalaki pa din kayo. Alam kong isa sa inyo ay maghahanap ng babae. Ayaw kong makitang umiiyak ka dahil sa kaniya," sabi niya na ikinalunok ko. "Dahil once na malaman kong sinasaktan ka ng lalaking 'yon, Walter ako mismo ang maglalayo sa inyo sa isa't isa."

"Dad naman."

Pinandilatan niya naman ako ng mata na medyo tumagilid pa ang ulo. "Son, hindi kita pinaiyak kahit isang beses kaya walang dapat na magpaiyak sa 'yong ibang lalaki."

Tumango naman ako. "Salamat ulit Dad," sabi ko na malapad na ngumiti.

Tinapik niya naman ang braso ko. "Enjoy your day with him my son," sabi niya bago ako iwan mag isa.

Tumayo na rin ako para pumunta kina Achizz at sa mga kaibigan ko na abalang nakikipaglaro kay Weshly. Nang makita ako ni Achizz ay iniwan niya muna ang kapatid ko sa mga kaibigan ko para lumapit sa akin.

Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya. Hinila niya naman ang magkabilang pisngi ko para mapangiti ako.

"Birthday mo nakasimangot ka?" tanong niya na hinawakan pa ang kwintas na iniregalo niya kanina, suot ko na.

Napangiti naman ako. "Hindi ako malungkot, masaya nga ako e," sabi ko naman na inayos pa ang buhok niya. "Pakiramdam ko kasi pwede ko ng gawin lahat kasama ka," sabi ko na ikinaangat ng kilay niya.

"Lahat?" Mapang-asar na tanong niya na napakagat pa sa labi.

Tinulak ko naman siya at inirapan. Manyakis. Tinalikuran ko naman siya para pumunta ng kwarto, maliligo na ako pero ang lintik ay sumunod pa.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong ko.

Isinara niya naman ang pinto dahilan para mapalunok ako. Lumapit siya sa akin na halos maduling ako sa lapit niya.

"May isa pa 'kong regalo," sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ano?" tanong ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at sunggaban ako ng halik. Napahawak naman ako sa bewang niya at sabayan ang paraan niya ng paghalik.

Nang maghiwalay ang labi namin ay napangiti siya at hinalikan ang noo ko bago ako yakapin.

"Enjoy your day Walter ko," bulong niya na ikinangiti ko naman.

__________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now