"Robelyn, ikaw nanaman."
Napalingon naman siya sa akin ng marinig ang pangalan niya. Medyo napakunot pa ang noo niya pero tipid na ngumiti ng makita ako.
"Anong ginagawa mo nanaman sa school namin?" tanong ko.
"May research paper kami, school niyo ang respondents."
Napakunot naman ang noo ko. "Research? Akala ko ba 3rd year ka pa lang?"
Tumango naman siya. "Ganu'n kalupit school namin e," sabi niya na ikinataas ng kilay ko. "Mamaya na lang tayo mag usap, nagmamadali ako," sabi niya na halatang nagmamadali nga.
"A-Ahh hindi ako pwede mamay---"
Hindi natapos ang sasabihin ko ng umalis siya sa harap ko ng hindi man lang pinapakinggan ang sasabihin ko. Hindi naman talaga 'ko pwede mamaya. Paniguradong kasama ko nanaman si Achizz at ang kaibigan ko mamaya.
"Hoy gaga dalian mo nasa principal office si Blaze." Bungad ni Soliel sa akin.
Napakunot naman ang noo ko at lakad-takbo na ang ginawa papuntang principal office.
"Anong nangyari? Nag-aalalang tanong ko.
"Napaaway nanaman ata e," sabi ni Soliel.
Napasinghal naman ako. Nang makarating kami ay naabutan nga naming nag uusap ang principal at si Blaze na may pasa na din ang pisngi.
"Badmood na 'yan 'nung dumating e," bulong sa akin ni Soliel.
Hindi kami pwedeng sumingit sa usapan nila kaya ng matapos 'yon ay doon lang namin nakausap si Blaze. Sa itsura niya pa lang ay halatang badmood na talaga siya.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Wala. Napaaway lang. Nakakabadtrip kasi e," sabi niya na napasinghal pa.
"Sino naman ang nakaaway mo?" tanong ni Soliel.
"Taga ibang school. 'Wag kayong mag alala, away lalaki lang tsaka hindi naman ako matatanggal tsk."
Nasanay naman kaming ganito. Palagi naman talaga 'to napapaaway si Blaze lalo na kapag hindi namin kasama. Mainitin kaso ang ulo nito kaya once na mapikon, talagang mang-aaway siya.
"Walter malapit na pala birthday mo, ano na?" Pag-papaalala ni Soliel.
"Ay malapit na ba? Nakalimutan ko na nga e," natatawang sabi ko na napakamot pa sa ulo.
"3 days na lang," sabi naman ni Blaze. "Magpapaparty ka ba?"tanong niya.
Nagkibit naman ang balikat ko. "Konting salo salo lang yata? Hindi ko alam kung ano ang plano nina Mom at Dad, baka nga nakalimutan na din nila e."
"Si Tita Scarlet? Imposible 'yon!" sabi ni Soliel, tinutukoy naman si Mom.
"Lalo na si Tito Terson," sabi naman ni Blaze na napasinghal pa, tinutukoy si Dad.
"Balitaan ko kayo kung anong ganap," sabi ko naman.
Bigla tuloy akong naexcite. Sa tuwing birthday ko kasi ay mga bigatin ang regalong binibigay sa akin. Last birthday ko ay kotse ang natanggap ko. Dati naman ay computer set. Masarap magcelebrate kapag gano'n. Sakto Sunday pa ang birthday ko, walang pasok.
Nang mag uwian ay pumunta muna ako ng library para ibalik ng librong hiniram ko kanina. Dumiretso din muna ako sa locker para palitan ang gamit ko. Napakunot naman ang noo ko ng pagbukas ko ng locker ko ay may tumambad na box na alam kong hindi naman s akin.
Napakunot naman ang noo kong napalingon sa paligid at nagbabakasakali na baka narito pa ang naglagay nito sa locker ko. Kulay grey na box 'yon.
Ano 'to? Paadvance birthday gift?
Nagmadali naman akong binuksan ang box. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang laman 'nun. Kulay grey na tshirt na may itim na print na best man. Maganda ang tela at halatang mamahalin.
Napaangat naman ang kilay ko at wala sa sariling napangiti. Kay Achizz yata galing 'to e. Sinilip ko pa ang loob ng box at may lagay pang mga chocolates. Wala namang nakalagay kung kanino galing.
Nauna ng umuwi ang dalawa kong kaibigan at mukhang nagmamadali nanaman. Pakiramdam ko ay may tinatago sila sa akin pero nanatili lang akong tahimik at gusto kong sila mismo ang magsabi 'nun sa 'kin.
"Achizz!" Tawag ko sa kaniya ng makita siya sa parking lot at alam kong ako ang hinihintay niya.
"Ang tagal mo naman." Naiinis na agad siya na napalingon pa sa box na hawak ko. "Ano 'yan?" Kunot-noong tanong niya.
Naoakunot din tuloy ang noo ko. "Hindi sa 'yo 'to?" tanong ko, umiling naman siya. "Eh kanino galing 'yan?" tanong ko nanaman.
Lumapit naman siya para silipin ang box. Dahan dahan siyang napalingon sa akin na para bang nambibintang na.
"Oh? Malay ko?" Depensa ko naman. "Nakita ko lang 'to sa loob ng locker ko."
"Walter."
Napalingon ako sa likod ng may tumawag sa akin. Si Robelyn. Napalingon naman ako kay Achizz na nakataas na ang kilay sa akin.
"A-Ahh ano?" tanong ko sa kaniya.
"May gagawin ka pa?" tanong niya.
Napalingon naman ako kay Achizz pero kay Robelyn na ang tingin niya tsaka lumingon sa akin.
"Ah oo kasama ko siya," sabi ko na tinuro pa sa Achizz. "By the way si Achizz pala." Pagpapakilala ko kay Achizz kay Robelyn. "Achizz, si ano... si Robelyn."
"Magkakilala kami. Kalaban ko siya sa bilyan 'nung Intramurals," sabi ni Achizz.
Napaawang naman ang labi ko. Nakalimutan ko!
"Sige bukas na lang. Bye, ingat," sabi ni Robelyn bago naglakad palayo sa amin.
Doon lang ako napalingon kay Achizz na nakacross arm na at masama na ang tingin sa akin. Napaangat naman ang kilay ko.
"Oh? Maling hinala ka naman. Wala 'yo-"
"Oh bakit defensive ka?" tanong niya na ikinatigil ko. Muli nanaman siyang napalingon sa box. "Kapag alam mo na kung kanino galing 'yan, sabihan mo 'ko," sabi niya.
"Tsk bakit naman? Inggit ka walang nagreregalo sa 'yo," sabi ko na inirapan pa siya.
"Hindi ako naiinggit. Naiinis ako kasi pinapangunahan niya 'ko," sabi niya na ikinalingon ko.
Napangiti naman ako bago siya hinila. Sabay kaming naglakad palabas ng school. Medyo madilim na din at maraminf estudyante ang pagala gala. Napalingon pa ako sa couple bracelet namin. Simula 'nung sinuot niya sa 'kin 'yon ay hindi ko na nahubad hubad pa.
"Punta tayong Palawan sa byernes ng gabi," sabi niya habang naglalakad kami kaya napalingon ako sa kaniya.
Alam niya kayang birthday ko sa linggo?
"Anong gagawin?" tanong ko.
"Ayaw mo bang magtravel kasama ako?" tanong niya naman.
"Gusto syempre," sabi ko naman.
"Good. Hanggang linggo ng gabi tayo doon kasi may pasok ng Lunes," sabi niya.
Tumango naman ako. So hindi niya pa alam? Wala man lang siyang binabanggit. Magtatampo ako sa kaniya kapag hindi niya alam ang bagay na 'yon. I swear!
__________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomanceSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...