"Kain tayo Soliel? Gutom na 'ko e."
Nanlaki naman ang mata niya na halatang excited pa. "Libre mo?"
Napasinghal naman ako, sabi ko na nga ba. Tumango naman ako. Wala kasi akong kasama tsaka sobrang aga pa. Wala pa nga si Blaze. Palagi namang late 'yon.
"Saan tayo kakain? Dapat masarap yan kasi libre ha."
Wow!!??? Just wow! Siya na nga lang ililibre, nagmarunong pa.
Pumunta kami ng Mang Inasal para doon kumain. Hindi na kasi ako kumain ng breakfast kakamadali kasi nga ang akala ko ay may pasok kami ng maaga, wala pala kaya naisipan kong kumain muna.
Nang maupo kami ay kinuha agad ni Soliel ang phone niya para picturan ako. Napakunot naman ang noo ko at mabilis ma tinakpan ang mukha gamit ang kamay ko.
"Isesend ko 'to kay Blaze, inggit nanaman 'yon. Tumatawa siya habang pumipindot ng phone.
Natawa din tuloy ako sa kaniya. Nakita ko na nga na sinend niya 'yong picture ko sa group chat namin kaso hindi naman siniseen ni Blaze, mukhang masarap pa ang tulog nito.
"Hi."
Agad na napaangat ang tingin ko ng may sumulpot sa likod ko, si Achizz. Malapad akong ngumiti na nilingon pa si Soliel pero nakangiti na din ito sa amin.
"Kamusta? Kakain ka din?" tanong ko, tumango naman siya. Umurong pa ako sa gilid para kay maupuan siya. "Sabay ka na sa'min, libre ko." Alok ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya at mabilis na naupo sa tabi ko. "Naks libre mo ha," sabi ni Achizz na natatawa pa.
Napalingon ako kay Soliel nang marinig kong suminghal ito. "Kapag si Achizz bukal sa loob nilibre pero kapag ako parang labag sa loob," sabi niya. Tas nag iinarte lang 'yan.
Natawa naman si Achizz. "By the way hi Soliel, sorry nga pala do-"
"Matagal na 'yon ah? 'Di ka makamove on?" Natatawang tanong ni Soliel, natawa din tuloy ako.
"Basta sorry pa din. Himala hindi niyo kasama 'yong isa niyong kaibigan?" tanong niya sa amin.
Nagkalingunan pa kami ni Soliel pero agad ding natawa. "Mukhang tulog pa 'yon." Ako na ang sumagot.
Maya maya lang ay dumating na ang order namin. Nanlaki ang mata ko sa dami ng inorder ni Achizz. Natatawa naman silang dalawa habang pinapanood akong ilatag lahat ng order niya. May sisig na, may barbeque, may inasal tapos coke. Akala ko konti lang.
"Wala ng bawian," sabi ni Achizz na natatawa pa kaya kumain na lang din ako.
Hindi rin natapos kakapicture si Soliel, talagang aasarin si Blaze. Masama ang tingin ko kay Soleil ng hindi siya matapos kakapicture sa amin ni Achizz.
"Kumain ka na," utos ko naman sa kaniya.
Napanguso naman siya at tinago ang phone niya sa bulsa. "Opo kuya."
Napasinghal naman ako habang natawa naman si Achizz. Nagkekwentuhan pa kami habang kumakain tungkol sa ano anong bagay kaya medyo napapatagal pa.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yong bisexual si Achizz," sabi ko kay Soliel.
Nanlaki naman ang mata ni Soliel na nilingon pa so Achizz. Malakas itong tumili na ngiting ngiti pa kay Achizz. Tapos na kaming kumakain ni Soliel, hinihintay na lang namin si Achizz. Dahil may lahi kaming patay gutom ni Soliel, nakikihati din kami sa kinakain ni Achizz.
"Bisexual? Wow! Hindi halata sa itsura mo ah!" Nakangiting sabi ni Soliel. "Bakit kadalasan sa pogi, bisexual hays," sabi niya na para bang nanghihinayang pa.
Natawa naman si Achizz at napailing iling pa akong nilingon. "Wag kang mag alala, hindi naman judgemental si Soliel." Natatawang sabi ko sa kaniya pero siniko niya lang ako.
"Ano ka ba, don't worry Achizz hindi naman sa akin big deal ang bagay na 'yon tsaka nakakatuwa nga kasi alam mo ba, gusto ko din maging bisexual para double ako. I can be a gentleman and I can be a lady." Madaldal talaga 'tong si Soliel.
"Masaya nga maging bisexual," sabi naman ni Achizz. "Pero mahirap din at the same time."
"Lahat ng nagmamahal nahihirapan Achizz," sabi ni Soliel na ikinatitig ko.
Nanliit naman ang mata ko habang tinitigan siya. Feeling ko may bagay siyang hindi sinasabi sa'kin.
"Tsaka payag ako 'pag naging kayo ni Walter," sabi ni Soliel na tinuro pa 'ko.
Nanlaki naman ang mata ko na tinapik pa ang daliri niyang nakaturo sa'kin. "Oy ulol ka ba!"
Natawa naman si Achizz na napailing pa. Nang matapos kaming kumain ay sabay sabay na kaming bumalik ng room. Natawa pa kami pareho dahil nalate kami sa sobrang daldal ni Soliel. Naabutan na namin si Blaze na masama nanaman ang tingin sa amin ni Soliel. Para talagang masama palagi ang gising nito.
"Manlilibre ka ulit mamaya," sabi sa 'kin ni Blaze na tinulak pa ang didib ko. "Hindi ako papayag na si Soliel lang ang nakatikim ng libre mo at 'yong bago mong kaibigan."
Natawa naman ako sa kaniya pero pumayag na lang din kasi unfair naman talaga kaya matapos ang klase ay kasama ko na silang dalawa. Naghanap ako ng restaurant na masarap kainan para diretso na panggabihan. Nagpaalam na din ako kay Mom na kasama ko sila at kakain na 'ko kasama ang mga kaibigan ko.
"Masaya pala kasama 'yong Achizz 'no?" Nakangiting sabi ni Soliel habang kumakain kami, napalingon naman si Blaze sa kaniya. "Pogi pala siya lalo na kapag malapitan tapos palangiti din."
Napakunot naman ang noo ni Blaze. "Sino na gusto mong maging kaibigan ngayon? Si Achizz na o ako?"
Nanlaki naman ang mata ni Soliel na nilingon si Blaze. Natawa naman ito na tinapik pa ang braso ni Blaze.
"Syempre ikaw! Masaya lang talaga kasama si Achizz," sabi ni Soliel. "Tsaka bakit ba ang init ng ulo mo? Palagi ka bang may regla? Tinalo mo pa 'kong babae ah!"
"Eat your food Soliel. Hindi ka matatapso kakadaldal mo." 'Yon nanaman ang tono ni Blaze na parang nakakatandang kapatid, natawa naman ako na nilingon niya. "Isa ka pa, parang mas kaibigan niyo pa ' yon kaysa sa'kin," sabi niya sa'kin.
Natawa naman ako. "Nakasama lang kumain namin ng isang beses e ipagpapalit ka na agad namin? Seloso mo tol," pang aasar ko sa kaniya.
"Basta ayaw ko sa kaniya."
________________________________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
Roman d'amourSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...