"Ako na ako na ako na!"
Mabilis akong tumayo para samahan sa stage si Achizz. I want to be with him on stage.
"Inagawan mo ng eksena ang pamilya ko," bulong niya habang naglalakad kami pataas ng stage.
Napangiti namam ako. Hinawakan ko ang kamay niya at sinuot ang medal niya sa kaniya.
"Congrats!" Tuwang tuwa na bati ko.
Ngumiti naman siya bago kami sabay na naglakad pababa. Nagpakuha kami ng litratro sa picture boot. Natural ang ngiti namin pareho sa larawan. I love his face specially when he's smile.
"Pakiss nga," bulong niya ng makalabas kami ng venue.
Napakunot naman ang noo ko na nilingon pa ang paligid dahil baka may taong makakita sa amin. Nang mapagtanto kong wala namang tao ay hinila ko ang toga niya at hinalikan ng buong pagmamahal ang labi niya.
Napalayo siya ng lumalim ang halik tsaka natatawang nilingon ako. "Masyado pang maaga para magpainit Walter, mamaya." Mapanuksong sabi niya na napakagat pa sa sariling labi. Napairap naman ako at hinila siya papasok.
Nagclass pictorial pa sila bago nag uwian. Mga bigatin ang mga bisita niya. Kadalasan dito ay mga artista na nakikita ko sa television kaya hindi natapos ang pagkamangha ko habang nililibot ang tingin.
"Tara sa pool, ang init." Reklamo ni Achizz na hinila pa ako sa likod ng damit.
"Mga bigatin masyado ang bisita mo!" sabi ko na napangiti pa sa kaniya. "Close mo ang mga 'yon?"
Umiling naman siya. "Hindi ako interesado sa kung anong pinasok ni Mom na trabaho. Mas okay pa sa akin ang trabaho ni Dad," sabi niya uminom pa ng wine.
Sabay kaming naupo sa tiles habang nakalubog ang mga paa sa pool. Nakatitig naman ako sa kaniya habang abala naman siyang umiinom ng wine.
"Bakit naman? Hindi mo ba kayang isupport ang Mom mo?" tanong ko sa kaniya.
"Kaya ko. We are okay but it doesn't mean that I really love her work. Dahil sa trabaho ni Mom napahamak ako."
Napatitig naman ako sa kaniya habang kunot na kunot ang noo. '"Napahamak? Paanong napahamak?" tanong ko sa kaniya.
"Nung kami pa ni Steven," sabi niya na napalunok pa. "Halos matrauma ako dahil sa mga natanggap kong panlalait galing sa mga fan ni Mom. Na kesyo bakit ganiyan ang anak mo? Bakit bading? Bakit pumatol sa lalaki? Nakakabaliw ang araw na 'yon."
Hinawakan ko naman ang kamay niya kaya napalingon siya sa akin. Ngumiti naman ako kaya napangiti naman siya.
"Natatakot ka pa ba na mangyari ulit 'yon?" tanong ko.
Tumango naman siya. "Hindi ko alam kung kakayanin ko kung pati ikaw madamay Walter," sabi niya na tinitigan ang mata ko.
Ang lambing ng tono niya ay pinanghihina ako. Para bang inuubos naman ng titig niya ang lakas ko. Bakit ba masyado na 'kong naapektuhan sa bawat galaw niya?
"Walter ayaw ko ng maulit 'yon kaya mas pipiliin kong wala masyadong makakaalam sa kung anong mayroon tayo ngayon kasi hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag nadamay ka sa gulo."
Napangiti naman ako na kinurot pa ang pisngi niya. "Ang problema mo ay problema ko na din Achizz. Kung darating man tayo sa point na 'yon, aasahan kong magkasama tayong haharap doon," sabi ko na nasa mata niya ang tingin.
"Maasahan mo 'ko Walter. Hindi kita hahayaan na saktan ng kung sino man. I am willing to protect you anytime. Kahit mabasag pa ang mukha ko para lang mailigtas ka," sabi niya na malapad na ngumiti.
Napangiti naman ako habang tinititigan ang mukha niya. Nang mapadpad ang tingin ko sa labi niya ay hindi ko na kaya pang tiisin ang pananabik ko. Hinawakan ko ang batok niya habang nilalasap ang labi niya. Naramdaman ko din ang kamay niyang gumapang sa bewang ko.
Ang mga salitang 'yon ay kinapitan ko hanggang makarating kami sa bagong yugto ng buhay. 1st year college siya habang Senior High School naman ako. Kinakabahan ako kasi wala na ang mga kaibigan ko sa tabi ko. Pakiramdam ko ay bumalik nanaman ako sa pagiging tahimik.
Nakatulala lang ako habang naghihintay ng teacher. Ang boring. Hindi ko naman kilala ang mga ito e.
I open my messenger and text them in our group chat.
Walter pogi: How's your first day? Ang boring dito.
Mabilis naman nagseen ang dalawa. Mukhang wala din silang teacher ngayon.
Soliel madaldal: Lalo na dito. Hindi naman ako palakaibigan.
Blaze pikunin: Wala akong pakealam sa mga tao dito.
Natawa naman ako sa chat ni Blaze. Maya maya lang ay dumating na ang teacher namin kaya hindi na ako nakapagchat pa. Okay naman ang unang klase at wala namang problema pero ramdam ko pa din ang lonely moments kasi mukhang magkakakila ang karaniwan.
Habang break time, iniisip ko kung kakain ba ako o mananatili na lang sa room. Hindi ko alam kung saan ang canteen. Hindi ko rin alam kung paano oorder dito. Nakakapanibago naman talaga.
"Walter."
Mabilis akong napalingon sa likod ng may tumawag sa akin. Nanlaki naman ang mata ko ng makita si Robelyn.
"H-Hi," sabi ko na napakamot pa sa ulo.
"Oh? Tara canteen."
Tumango naman ako. Buti na lang at sinamahan niya ako. Habang naglalakad kami ay hindi rin nahinto ang tingin ko sa paligid. Nakakapanibago ang lahat lalo na ang mga mukhang nakakasalubong ko.
"School card ang payment methos dito," sabi ni Robelyn na ikinakunot ng noo ko. "Wala ka pa nito?" tanong niya na pinakita pa ang card niya. Umiling naman ako. "Sige libre na kita."
"Salamat."
Nang makaupo na kami ay tahimik lan kaming kumakain. Pormal siyang kumakain habang palibot libot naman ang tingin ko.
"Kamusta naman ang first day mo dito?" tanong niya na ikinalingon ko.
"Boring nga e," natatawang sabi ko. "Hindi kasi ako sanay na wala ang mga kaibigan ko. Wala pa 'kong close dito."
"Kung kailangan mo ng tulong, puntahan mo lang ako sa room 20A."
Napatitig naman ako sa kaniya bago tumango. "Malapit lang pala ang room mo. Nasa room 26B lang naman ako."
"Alam ko. Mukha ka ngang tulala sa bintana e."
__________________________________________________________________________
![](https://img.wattpad.com/cover/297029161-288-k329954.jpg)
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomantikSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...