Dedicated to mini_maemae
"Ang daming tao, sikat talaga ang Mom mo."
Hindi maalis ang tingin ko sa kumpulan ng tao sa labas ng Mall kung saan gaganapin ang mini concert ng Mom niya. Her mom is a talented singer and actress. Her beauty really hits different. I admite her right now.
"Walter let's go," sabi ni Achizz na hinila na ako papasok kung saan ang Mom niya.
Napaawang ang labi ko ng makita kung gaano domoble ang dami ng tao sa labas. Hindi ko inaasahan na sobrang laki ng Mall na 'to para magkasya ang ganito kadaming tao.
"Please don't go away from me, baka mawala ka," sabi niya na medyo naiinis sa galaw ko.
"Ano ba, parang baby pa 'ko ha." Natawa ako dahil sa titig niya. "Okay hindi mawawala, chill bro," sabi ko na itinaas pa ang dalawang kamay.
Paniguradong mawawala talaga ako dito kung tatanga tanga ako. Sobrang daming tao at medyo maingay din. Kumuha pa 'ko ng litrato para isend sa group chat namin. Magpapainggit lang sana ako na may aattendan akong concert ng artista.
You sent a photo.
Mabilis na nagseen ang dalawa kong kaibigan.
Soliel madaldal: Luh? Bakit ang daming tao? Saan ka?
Blaze pikunin: Sorsogon 'yan?
Walter maingay: Concert ni Miss Se! 'Yong artistang magaling sumayaw! Gago Mom pala 'yon ni Achizz? Sayang 'di kayo nakasama.
Soleil: ay hala? Gagi send video ples plesss
Nagreact naman ako ng haha sa chat niya tsaka ibinulsa niya ang phone ko. Nasa backstage kami kasama ang Mom nin Achizz. Sa itsura ni Achizz ay halatang boring na boring siya.
"Gusto mo ng float? Nabili ko diyan lang," alok ko sa kaniya.
Umiling naman siya. Napkunot naman ang noo ko at iniharap ang straw sa labi niya. Napakunot naman ang noo niya tsaka mabilis na umiwas.
"Ang arte mo naman tol, laway ko lang naman 'yan! Masarap pa nga 'yan e," reklamo ko dahil ang arte arte niya.
"Ayaw ko ng laway mo at baka may virus," sabi niya sabay tulak palapit sa akin ang hawak kong float.
Nanlaki naman ang mata ko at napahawak pa sa dibdib na animoy nasasaktan. "Grabe ka talaga Achizz! Virus agad? Baka ikaw ang may virus."
Napairap naman siya. "Can you please shut up your mouth? Para kang babae na putak ng putak."
Natahimik na lang tuloy ako dahil mukhang malalim nga ang iniisip niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang abala ako sa pagkain. Bumili kasi ako ng fries, burger tsaka float kanina para sa'min sanang dalawa kaso ako lang naman ang kumakain.
Iniharap ko naman ang fries sa bibig niya. Mabilis naman napakunot ang noo niyang nilingon ako. Pinandilatan ko naman siya ng mata.
"Wala ng laway 'yan!" Mabilis na sabi ko.
At tsaka niya lang kinain. So ayaw niya talaga sa laway ko? Ang arte naman nito!
Maya maya lang ay lalong umingay ang paligid. Ginabay na din kami ng staff para sa VIP seats. Halos umingay ang buong Mall ng makita si Achizz na naglalakad paupi sa VIP seat. Kahit ako ay biglang nahiya. Pakiramdam ko ibang Achizz ang kasama ko pero nanatili lang siyang tahimik hanggang makaupo.
Tinitigan ko pa siya, inaalam ang pumapasok sa isp niya. Napakunot naman ang noo niyang nilingon ako.
"It there's something bothering you?" tanong ko.
Umiling naman siya, sinungaling.
Hindi rin tuloy ako makapagfocus sa stage dahil natutuon ang atensyon ko sa kaniya. Sa tuwing tatanungin ko siya ay wala lang ang tanginang naisasagot niya. Wala din siyang imik kanina pa. Nagsimulang magtayuan ang mga tao para sumigaw ng lumabas si Miss Se. Masaya ang lahat, hindi naman maalis ang tuwa ko habang pinapanood siya pero hindi rin maalis ang pangamba ko dahil kay Achizz.
Napalingon ako sa stage ng tawagin ng Mom niya si Achizz kaya madali rin akong napalingon kay Achizz. Umingay ang buont Mall habang hinihintay na tumayo si Achizz para pumunta ng stage.
"Stand up Achizz," bulong ko sa kaniya. Umiling naman siya na ikinakunot ng noo ko. "Marami ang tumatawag sa pangalan mo," sabi ko nanaman.
Lalong lumakas ang tawag ng mga audience sa pangalan ni Achizz kaya tumayo na ako para hilain siya pataas ng stage. Wala siyang nagawa kundi magbuntong hininga at magpahila. Nang matayo na siya sa stage ay aalis na sana ako ng hilain niya 'ko pabalik. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya. Ngaypn ay hiyang hiya na 'ko dahil maraming nakatutok na camera sa amin.
"Hi Achizz, nahihiya ang ating Achizz," sabi ng baklang host sa stage. Lalong umingay ang buong paligid. "You're such a baby 'di ba guys?" tanong niya sa audience na lalo pang umingay. "May isa pa tayong baby, pogi din," sabi ng baklang host na tinitigan pa 'ko.
Napakamot naman ako sa ulo na medyo nahiya pa. Ano ba 'yan? Sabi ko manonoos lang ako pero hindi papanoorin.
"Anong name mo Mr. Handsome?" tanong ng host.
"Walter," sabi ko na hindi makatingin ng maayos.
"Ano ang konekdyon mo sa fafa Achizz namin mmm?" Mapanuksong tanong ng host.
Nanlaki naman ang mata ko habang nakaawang ang labing napalingon kay Achizz, nanghihingi ng tulong. Ano ba 'tong pinasok ko?
"Ay may shoti pala ang fafa natin, kamusta naman kayo ni Steven?" tanong ng host.
Napatikop naman ako ng labi at napaiwas ng tingin. Naghiyawan ang mga audience na animo'y kinikilig pa. So alam nila? Ito yata ang kanina pa iniisip ni Achizz kaya tahimik siya.
Nameke pa ng ubo si Achizz at tumingin sa host, mahigpit ang hawak sa microphone. "We're already done."
Agad na natahimik ang audience dahil sa sinabi niya. Lahat ay natahimik kahit ang host at ang Mom niya. Hindi nila alam?
Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko dahil ang awkward gumalaw. Lahat sila nagulat sa sinabi ni Achizz.
"S-So si Walter ang bago mo?" tanong ng host na tinuro pa ako.
Napakunot naman ang noo ko. Sabay pa kaming nagkakalingunan ni Achizz sa isa't isa. Umiling naman si Achizz sa host tsaka lumingon sa akin.
"No, we're just a friend," sabi ni Achizz.
"We!!???"
Napalingon kaming dalawa ni Achizz ng magtuksuhan ang mga audience.
Napakunot ang noo ko ng may sumigaw na... "Kayo na lang!"
________________________________________________________________________________________________
![](https://img.wattpad.com/cover/297029161-288-k329954.jpg)
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomanceSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...