"Achizz!"
Mabilis akong pumagitna kina Achizz at sa kaaway niyang lalaki din. Nakita ko ang pasa sa bandang labi ni Achizz habang wala man lang kapasa pasa sa mukha ang kaaway niya.
"Anong nangyayari?'" tanong ko kay Achizz.
Hindi siya sumagot at minasahe lang ang panga niya. Napakunot naman ang noo kong pinapanood siya.
"Oh ito na pala syota mo e," sabi 'nung kaaway niya dahilan para mapalingon ako dito. "Tangena ang babababoy niyo. Bakla kayong dalawa!" Sigaw niya na tinuro pa kaming dalawa ni Achizz.
Mabilis umangat ang dugo ko sa ulo ng sabihin niya 'yon. "What?" Madiing tanong ko. Naramdaman ko naman na hawakan ni Achizz ang kamay ko.
"Sabi ko bakla kayo! Tapang tapangan pa 'yang shota mong bakla na kesyo ganito ako tapos may girlfriend ako. Inggit lang 'yan lasi may girlfriend ako samantalang wala namang mahahawakang dede sa--" Nahinto siya sa pagsasalita ng malakas ko siyang sinuntok.
Dama ko ang sakit ng daliri ko ng tumama ito sa mukha niya pero masyadong napuno ng galit ang dibdib ko dahil below the belt na ang mga sinasabi niya. Pinalagpas ko 'yong sinabi niyang bakla kahit hindi naman totoo pero 'yong huli, mukhang sumusobra na siya.
"Walter, 'wag mo ng patulan." Bulong sa akin ni Achizz na hinihila na ako palayo pero parang gusto ko talagang makabasag ng mukha.
"Kung hindi mo alam 'yong pagkakaiba ng bisexual at bakla, itahimik mo 'yang bibig mo!" Sigaw ko sa kaniya na sisipain sana siya kaso hawak ako ni Achizz.
Napatiim bagang naman siya ng lingunin ako. "Sino ka bang hangal ka!?" Sigaw niya na susugurin sana ako ng suntok pero may babaeng pumagitna.
Napalunok ako ng pumagitna si Robelyn. Napakunot naman ang noo ko ng makitang umayos ng tayo ang lalaking kaaway namin ng makita si Robelyn.
"Ano ba Trevor!" Sigaw sa kaniya ni Robelyn.
Ha? Magkaano ano sila?
"Eh kasi itong dalawang bading na 'to ang lalakas ng loob!" Sigaw naman 'nung lalaki, Trevor ang pangalan 'kuno'
Napalingon naman sa amin si Robelyn hanang kunot ang noo at muling lumingon kay Trevor. Napatiim naman ako ng bagang at kumakati nanaman ang kamay ko, gustong makasapak.
"Hindi naman bakla 'yan Trevor," sabi ni Robelyn na napasinghal pa.
"Mga bakla 'ya--"
"Wew," pang-iinis ko sa kaniya. "Masyadong trigger. Nahahalatang takot," bulong ko na nasa malayo ang tingin.
"Ano?" Sigaw niya nanaman na susugurin ako pero hinila siya ni Robelyn habang hinila naman ako palayo ni Achizz.
"Ang bisexual kasi pare nagkakagusto sa babae at lalaki habang ang bakla naman, sa lalaki lang." Pagpapaliwanag ko na nakataas pa ang kilay.
"Oh edi bakla nga kayo?" Natatawang sabi niya. "Magshota nga kayo e," sabi niya na tinuro pa kaming dalawa.
"Sino girlfriend mo? Si Robelyn?" tanong ko sa kaniya pero yumabang lang ang tindig niya na inakbayan pa si Robelyn. Umangat naman ang gilid ng labi ko. "Maniniwala ka na bang hindi ako bakla kapag sinabi kong type ko girlfriend mo?" tanong ko na lalong ikinagalit niya.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kwelyo ko at masama akong tinignan. "Anong inaakala mo sa 'kin, tanga?" Napangisi naman ako sa sinabi niya. "Bakla ka pa din! Bakit lalaki jowa mo kung hindi?"
"Bitawan mo nga siya," kalmadong sabi ni Achizz na malakas na tinulak si Trevor.
Nanlaki naman ang mata kong napalingon sa kaniya. Ang lakas niya naman masyado? Halos ma out balance si Trevor dahil sa tulak niya.
"Gago kayo!" Sigaw ni Trevor na halatang trigger masyado.
"Eh ano naman kung lalaki nga ang gusto namin? Ang gwapo ay para sa gwapo," sabi ni Achizz na nilingon pa ako. Napangiti naman ako. "Eh ikaw?" tanong niya kay Trevor. "Sa itsura mong 'yan, malabong may magkagusto sa 'yong lalaki," sabi ni Achizz na hinawakan na ang kamay ko. "Tara na, sayang lang ang oras nating sa pangit na 'yan."
"Tarantado ka a--"
"Magpaliwanag ka sa akin Trevor kung ayaw mong maghiwalay tayo ng walang oras." Rinig kong sabi ni Robelyn dahilan para mawala ang atensyon ni Trevor sa amin.
Doon na ako hinila ni Achizz palayo. Nang makalayo kami ay tumigil ako sa paglalakad para tignan ang pasa niya malapit sa labi. Hinawakan ko pa ang pisngi niya para matignan 'yon ng maayos.
"Bakit hindi mo man lang pinatulan!" Pang aaway ko kay Achizz.
Umangat naman ang kilay na at napasinghal pa. "Magsasayang lang ako ng oras kung papatulan ko pa."
"Nagmumukha kang mahina kapag hindi mo pinaglalaban sarili mo," sabi ko sa kaniya na inayos pa ang nagulo niyang buhok.
Hinawakan niya naman ang kamay kong isinuntok ko sa mukha ni Trevor. Namula nga ang mga buto ko sa kamay dahil sa lakas 'nun.
"Hindi 'yon pagiging mahina Walter," sabi niya habang hinihilot pa ang kamay ko. "Pagiging matured 'yon."
Napaangat naman ang kilay ko. "So immature ako kasi pinatulan ko?" tanong ko sa kaniya.
Tumango naman siya tsaka natawa. "Ang galing mo sumuntok," sabi niya na ginulo pa ang buhok ko. "Pero 'wag mo ng uulitin kasi hindi dapat pinagtutuunan 'yon ng pansin," sabi niya na ngumiti pa.
"Hindi pwedeng ginaganu'n nila tayo," sabi ko naman na napairap pa. "Wala namang masama sa ginagawa natin e kaya kailangan natin ipaglaban 'yon," sabi ko sa kaniya.
Napailing na lang siya habang napasinghal. "By the way, how's your first day in class?" Pag iiba niya ng usapan.
Napasinghal naman ako. "Ang boring. Hindi talaga ako sanay na wala ang mga kaibigan ko. Si Robelyn lang ang nakasama ko kasi siya lang naman ang kilala ko doon."
"Baka ipagpalit mo 'ko sa Robelyn na 'yon," sabi niya na tinaasan pa ako ng kilay. "Type mo pala huh," sabi niya na binitiwan pa ang kamay ko at namewang sa harap ko.
Naalala niya ang sinabi ko kanina. Natawa naman ako at umiling. "Hindi naman 'yon totoo. Pinapainis ko lang 'yong lalaking kaaway natin."
"Kaaway ko 'yon, sumingit ka lang," sabi niya na napasinghal pa.
"Kaaway mo, kaaway ko," sabi ko naman.
Hinawakan niya naman ang panga ko at marahang hinila palapit sa mukha niya. Hinalikan niya ang labi ko at ngumiting humarap sa akin.
"Salamat sa pagtanggol pero hindi mo na kailangan gawin 'yon sa susunod kasi kaya ko ang sarili ko."
__________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomantizmSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...