"Magiging busy ako this coming week."
Inaasahan ko na ang bagay na 'yon. Alam kong college na siya at talagang full schedule na. Hindi ko din naman kayang magreklamo dahil nirerespeto ko din ang oras niya.
Napatango naman ako. Lumingon naman siya sa akin ng mapansin ang pananahimik ko. "I'm really sorry. Sunod sunod kasi ang subjects. Matatapos man ang discussion, maraming activity naman ang kapalit."
Tumango naman ako. "Naiintindihan ko," sabi ko habang nakangiti. "Basta text mo na lang kapag may free time ka na."
Habang tumatagal ay nasasanay na akong pumasok mag isa. Busy na din ang mga kaibigan ko kaya hindi ko na rin maabala abala. May mga kumakausap na rin sa akin pero hindi pa rin 'nun kayang pantayan kung gaano ako kakomportable kapag kaibigan ko na ang kasama ko.
Ang tahimik na college na inaasahan ko ay hindi pala mangyayari. Ngayon lang ako nakaexperience na mabully dahil sa kung anong mayroon kami ni Achizz. Hindi ko 'yon ikinakahiya pero medyo nakakasawa na.
"Ano naman feeling ng may shotang lalaki? Parang nakakatayo ng balahibo," natatawang sabi sa akin ng lalaking hindi ko naman kilala.
"Masyado ka atang hayuk sa etit boy. Mayroon ka na nga 'nun, naghanap ka pa." Sabi naman 'nung isa dahilan para magtawanan sila.
Gusto ko silang patulan pero pinipigilan ko ang sarili kong galawin sila. Alam ko kung gaano ako kalakas at ayaw kong magamit ko 'yon dahil lang sa kanila.
"Siguro nagsusubuan kayo 'no?" Natatawang pang aasar ng isa sa akin.
"May nalalaman laman pa kayong bisexual e bakla din naman 'yon," sabi 'ning isa na natatawa rin.
Apat sila at puro walang kwenta ang pinagsasasabi nila. Nagbuntong hininga na lang ako at hinayaan silang magsabi ng kung ano ano tungkol sa akin. 'Wag lang ako makakarinig na below the belt na kung hindi dudugo talaga bibig nila sa 'kin.
Tatalikod na sana ako pero hinila ako ng isa sa kanila sa bag ko. Hindi ako natatakot sa kanila pero hindi ibig sabihin 'nun ay mabilis akong makalimot kung ano ang mga binitawan nilang salita.
"Oh bakit hindi ka pumatol? Ayan ba ang bisexual? Mukhang babakla bakla ka e--"
Nahinto siya sa pagsasalita ng malakas ko siyang suntukin sa bibig. Napalingon sa amin ang mga estudyante dahil sa nangyari. Mabilis na lumapit sa kaniya ang mga kaibigan niya at masamang tumingin sa akin.
Napangisi ako ng makitang dumugo nga ang labi niya. Masama siyang nilingon ako at susugurin na sana ako ng awatin siya ng mga kaibigan niya.
"Ang yabang mo ah!" sigaw niya na ikinaagaw ng atensyon ng mga estudyante.
Nasa canteen pa kami kaya halos maraming nakakita.
"Sino ang nauna?" tanong ko sa kaniya habang kunot ang noo. "Sino sa atin ang bakla? Ikaw nga unang suntok pa lang, putok na agad labi mo," sabi ko na tinulak pa ang dibdib niya.
"Walter," simgit ni Robelyn dahilan para mapalingon ako sa niya. "Tara na," sabi niya na hinila ako.
"Bakit?" tanong ko pero nagpahila na ako sa kaniya.
"Dapat hindi mo na lang pinatulan, mga papansin pa naman mga tao dito," sabi niya ng bitiwan ako. "Okay ka lang ba?"
Tumango naman ako. "Ayos lang."
Hindi ko rin masabi sa mga kaibigan ko kung ano ang nangyayari sa loob ng school. Ayaw kong mag alala sila at mapaaway dahil sa akin lalo na si Blaze. Hindi ko rin sinasabi kay Achizz ang mga nangyayari dahil alam kong nag aaral siya ng mabuti.
"Hay salamat at nagkita kita ulit tayo!" Tuwang tuwa na sabi ni Soliel na niyakap pa kaming dalawa ni Blaze. "Kamusta? Grabe nakakamiss naman kayo kasama."
"At walang pinagbago ang bibig mo," singhal naman ni Blaze.
Natawa naman ako dahil pareho naman silang walang pinagbago. Nakakamiss nakan talaga na magsama sama ulit kaming tatlo. We are taking a different strand kaya paniguradong iba iba talaga ang school namin. Masaya ako na muli kaming nagkasama.
"Bakit hindi mo kasama si Achizz?" tanong ni Blaze habang kumakain kami sa Inasal.
"Busy siya. College na kasi siya 'di ba?" sabi ko sa kanila.
"Nagkikita pa ba kayo?" tanong naman ni Soliel.
Tumango naman ako. "3 days ago 'nung huli kaming nagkita. Okay lang naman. Naiintindihan ko na busy talaga ang college."
"Balak ko ngang puntahan siya mamaya sa school nila. Nauuna naman ang uwian ko sa kanila laya doon na ako didiretso," sabi ko pa.
"Mag iilang buwan na kayo?" tanong nanaman ni Soliel.
"Magwa 1 year next month," sabi ko na ngumiti pa.
"Wow! Congrats agad!"
Marami pa kaming napag usapan. Masyado naming miss ang isa't isa. Napag usapan namin na muling magkita kita kapag free time ng isa't isa. Kailangan na din namin bumalik sa school kasi may subject pa kaming itetake.
After the class, pumunta ako sa school ni Achizz. Hindi naman kalayuan, actually nga kayang lakarin pero may kotse naman ako kaya napapadali.
Nakita ko ngang may klase pa sila kaya nanatili ako sa hallway at hinintay silang matapos. Halos mangalay ako sa pwesto dahil sa tagal nilang matapos. 7:30PM na pero hindi pa rin sila nag a out.
Natapos ang klase nila around 8:00PM. Mabilis akong lumapit kay Achizz ng makalabas siya. Medyo nagulat pa siya ng makita ako. Napakunot ang noo ko ng mapansing may pasa siya sa bandang noo.
"Anong nangyari diyan?" tanong ko habang nasa noo niya ang tingin.
Napaiwas naman siya ng tingin at napalunok. "A-Ah ito? Wala lang 'to. Nauntog ako pagkagising kakamadali e," sabi niya.
Nakatitig lang ako sa kaniya. Inaalam kung totoo ba ang sinasabi niya o nagdadahilan lang siya para takpan kung ano talaga ang nangyari doon.
"Bakit narito? Gabi na Walter," sabi niya, iniiba ang usapan.
"Anong nangyari sa noo mo?" Seryosong tanong ko.
"Wala nga lang 'to. Tara na, ihahatid na kita pauwi sa inyo," sabi niya na hinila na ako pababa.
Nanatili lang akong tahimik habang hawak niya ang kamay ko. Naglalakad na kami papuntang parking lot. Nang makapasok siya ng kotse ay pumasok na rin ako. Hindi ako nagmaneho, tinitignan ko lang siya kaya napalingon siya sa 'kin.
"Bakit?" Nagtatakang tanong niya.
"Nagsisimula ka ng magsinungaling sa 'kin," sabi ko na ikinaawang ng labi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at umiling. "Hindi ako nagsisinungaling. Totoong nauntog ako kaninang umaga kakamadali. Anong oras na kasi akong nakatulog kaya late na ako nagising," pagpapaliwanag niya. "Sorry na," sabi niya na kinurot pa ang pisngi ko.
"Mag ingat ka naman," sabi ko na medyo may inis pa sa tono.
Napaangat naman ang kilay niya habang nakangiti. "Oo na, sige na. I love you na," sabi niya bago halikan ang labi ko.
__________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomanceSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...