"Narito na si Achizz?"
Pagdating ko ng school ay dumiretso agad ako sa room ni Achizz. Isa sa mga kaklase niya ang nagsabing wala pa siya kaya muli akong bumaba para bumalik ng room.
Napatingin rin ako sa phone ko. Wala akong nareceive na text o call sa kaniya. Hindi lang ako sanay kasi halos oras orasin niya ang pagtext sa akin.
To Achizz:
Achizz saan ka na?
Message Sent.Nagsimula na ang klase pero wala pa rin akong message na natatanggap sa kaniya. Hindi ko na 'yon inisip pa at nagfocus na lang muna sa discussion dahil malapit nanaman ang exam namin.
Talagang sa tuwing lilipas ang araw ay kinakabahan ako. Maghihiwalay hiwalay na kasi kaming magkakaibigan pagkatapos nito. Pupunta na kami sa iba't ibang strand. Iba't iba ang strand na gusto namin.
Nang magbreaktime ay pumunta kami sa open field ng mga kaibigan ko para sabay sabay na kumain. Syempre si Soliel ang chismosa sa amin kaya maraming chika ang bruha.
"Oo nga! 'Yong 'yung kaklase ko 'nung elementary na nagsasabing hindi muna raw siya magkakaanak kasi ganiyan ganito pero nabalitaan ko buntis HAHAHAHAHAHA bobo deserve niya 'yon!" Madaldal na kwento ni Soliel na malakas pang tumatawa.
"Wag kang tumawa, baka ikaw ang sumunod niyan," sabi ni Blaze na napasinghal pa. "Mahirap magsalita ng tapos Soliel. Susuntukin talaga kita 'pag nalaman kong buntis ka," sabi niya.
"Wow ang bait bait naman ng kaibigan ko," plastik na sabi ni Soliel na napairap pa. "Wag 'mong ipanalangin! Kapag nagkatotoo 'yan, kasalanan mo."
"Okay lang 'yon basta ninong ako," sabi ko na itinaas pa ang kamay.
Sumama naman ang tingin sa akin ni Blaze. "Sungalngalin ko din kaya bibig mo," singhal niya naman.
Natawa naman kaming pareho ni Soliel. Napalingon ako sa phone ko ng magring ang phone ko. Akala ko si Achizz pero si Dad pala.
"Yes Dad?" Sagot ko sa tawag niya.
[Son, may I borrow 'your car temporary? Nasira kasi ang function ng kotse ko e malayo layo pa naman ang lakad ko. Kahit 1 week .]
"Yon lang ba? Okay lang Dad! Malapit lang din naman ang school. Sige Dad 'pag uwi ko," sabi ko na nililingon pa sina Blaze na nakatingin din sa akin.
[Thank you son, take care.]
"Yes Dad, bye." Doon ko lang ibinaba ang linya.
Sinabi ko naman kina Blaze at Soliel ang napag usapan bago kami nagpatuloy sa pagkain. Matapos 'nun ay bumalik kami ng room para ipagpatuloy ang klase.
Nang matapos ang klase ay nagpaalam na ang dalawa kong magkaibigan. Pareho pa silang nagmamadali kaya pumayag na din naman ako. Tinignan ko ulit ang phone ko at nagbabakasakaling may reply si Achizz pero wala kaya dumiretso na ako sa room niya ng mag uwian kami.
"Hindi pumasok si Achizz pero base sa excuse letter niya ay pupunta daw siya ng Sorsogon kasi emergency," sabi ni Andson, kaklase niya.
"Ah gano'n ba? Sige salamat," sabi ko bago muling bumaba.
Nagsend load pa ako sa Gcash ko para lang magkaload akong pantawag para matawagan siya. Nasa harap ako ng kotse ko sa parking lot habang sinusubukang tawagan si Achizz.
Nagriring lang pero walang sumasagot. Minsan naman ay napuputol.
Ano bang emergency? Bakit sa Sorsogon? May nangyari ba sa pamilya niya? Wala naman sana...
Nang ulitin ko ang pagtawag ay doon lang siya sumagot.
"Achizz, anong emergency?" 'Yon agad ang bungad ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
DragosteSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...