29

41 1 0
                                    

"Busy ako this week so please always check your phone."

Malapit na kasi ang pagtatapos namin. Graduating si Achizz sa Senior High School habang moving up na rin namin. Mukhang nagdadalawa pa talaga ako kung anong strand ang kukunin ko.

"I will," sabi ko kay Achizz.

Ngumiti naman siya sa akin. Hinila niya naman ako para halikan. Nang muling magtama ang tingin namin ay hinaplos niya muna ang pisngi ko bago ako naglakad palayo.

STEM na ba talaga? Hay naku bahala na.

Buong buwan ay naging abala kami pareho. Nagkikita naman kami pero madalas na lang. Sa Cafteteria pa kadalasan kami nagkakatagpo. Nginingitian niya naman ako at ganu'n din naman ako. Kampante ako na wala siyang gagawing kalokohan.

"Walter hindi na kayo nagsasama ni Achizz ah? Break na kayo?" tanong ni Soliel habang kumakain kami ng snacks.

"Deserve," bulong naman ni Blaze na abala sa phone niya.

Napairap naman ako. "Masyado ka ng mapanakit Blaze ha. Kunti naang ay iisipin kong hindi na kita kaibigan."

"Ha?" tanong niya na nilingon pa kami. "Pinagsasasabi mo? May kachat ako."

Napasinghal naman ako at umiling naman kay Soliel. "Busy lang kami pareho. Nakita mo naman na halos hindi na rin tayo magkaandugaga sa dami ng gagawin 'di ba?"  tanong ko sa kaniya na napabuntong hininga pa. "Lalo na si Achizz na graduating. Nagkakausap naman kami through online kaya walang problema."

"Mukhang..." Putol ni Soliel habang nasa likod ko ang tingin. "Miss ka na niya," sabi niya na ngumuso pa sa likod.

Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko ngang naglalakad palapit si Achizz sa pwesto namin. Dala niya ang tray at naglatag siya ng maraming pagkain sa table namin. May spaghetti, fries at milktea pa.

"Kumain ka na, namamayayat ka." Rinig kong bulong ni Achizz sa akin.

Napatingin naman ako sa braso ko. Payat amp.

"Kulang na daw kasi siya sa lambing mo Achizz," sabi mi Soliel habang natatawa pa.

Napatingin naman sa akin si Achizz tsaka nakangiting napailing. Nilibre niya din ng pagkain ang mga kaibigan ko.

"Mamayang uwian pupuntahan kita sa parking lot ha, hintayin mo ako." Bulong niya ulit na kinindatan pa 'ko bagp umalis sa pweato namin.

Napairap naman ako. Kailangan pa ba  ng ganu'n?

Kumain naman kami dahil sakto gutom na rin naman ako. Hindi ko naman pakiramdam na pumayat ako. Hindi ko alam kung paano niya nasabing pumayat ako kahit hindi naman. Masyado naman atang malinaw ang mata niya.

Nang mag uwian ay nauna na ang mga kaibigan kong umuwi. Alam naman kasi nilang kasama ko si Achizz kaya basta na lang nila ako iniwan.

Halos mangalay ang paa ko kakahintay kay Achizz pero wala pa din siya. Naboboring na rin ako kaya naisipan kong puntahan na siya sa mismong room nila. Medyo madilim na din ang daan ingat din ako sa bawat paghakbang.

Napakunot ako ng makita ko siya sa gilid ng hagdan na may kausap na babae. Nakangiti pa siya dito at tutok na tutok ang tingin sa babaeng hindi ko mamukhaan kung sino. Hinayaan ko lang silang matapos. Nang maglakad na ito palayo ay doon ko siya sinalubong.

"Sino naman 'yon?" Kunot-noong tanong ko.

"Sino?" tanong niya na napalingon din sa likod niya.

"Yong babaeng kausap mo!" Tumataas ang tono ko habang kunot na kunot ang noo.

Napaawang naman ang labi niya sa gulat pero agad ding natawa ng mahina. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng hallway.

"Relax lang! Kabatch namin 'yon nagpapaturo lang about doon sa research." Pagpapaliwanag niya naman.

"Wow? Kailangan nakangiti habang nagpapaliwanag?"

"Oo?" sabi niya na lalong ikinainit ng ulo ko. "Tsaka isa pa, nagkekwento kasi siya tungkol sa ating dalawa. Masaya daw siya na masaya tayong dalawa. 'Wag ka ngang seloso diyan!"

"Bakit ang tagal mo? Sumasakit na ang paa ko kakahintay."

"Come on love," sabi niya na napairap pa. "Katatapos lang namin magprinting kaya calm down okay? Pagod ako, 'wag masyadong maingay." Malambing na sabi niya habang hawak ang kamay kong naglalakad.

"Sorry." Bigla akong nahiya. Masyado talaga kasi akong maingay. "Gusto mo na bang magpahinga?" tanong ko sa kaniya.

"Nagpapahinga na ako sa 'yo. Ikaw ang pahinga ko Walter."

Dahil pareho din naman kaming pagod ay naisipan naming sa bahay na lang tumuloy. Naroon si Mom kaya sakto pag uwi ay may pagkain na. Buti na lang at tulog na si Weshly kaya hindi kukulitin si Achizz para makipaglaro.

"Masyado kang nagpapagod Achizz, tignan mo ang mga mata mo." Napalingon ako kay Achizz ng sabihin 'yon ni Mom. "Namamayayat ka din. Masyado mo naman atang pinapagod ang sarili mo."

"Hindi naman po tita. Bugbog lang po talaga sa pag aaral. Walang pahinga."

"Magpahinga ka din minsan."

Napangiti ako sa kung paano mag alala si Mom sa kalagayan ni Achizz. Masaya akong nakikitang gano'n siya makitungo kay Achizz.

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na kami ng kwarto ko. Malaki naman ang kama ko kaya kasya naman kaming dalawa. Nang mahiga si Achizz ay nakapikit na agad siya. Halata ang pagod sa itsura niya.

"Wag mong titigan ang mukha ko Walter, matulog ka na." Napaiwas ako ng tingin ng sabihin niya 'yon.

"I am really proud of you Achizz," sabi ko na ikinamulat ng mata niya. "Imagine you are really tired but you choose to be with me just to make sure that I am fine."

Napangiti naman siya habang titig na titig sa  akin. "I always try my best to take a time for you. Alam kong mauulit ang bagay na ito lalo na sa college. Alam kong mauubusan ako ng oras pero maghahanap ako ng oras para sa 'yo."

"Salamat," sabi ko naman na ngumiti pa sa kaniya.

Hinila niya naman ako palapit sa kaniya para yakapin ako ng mahigpit. Napapikit naman ako at handa ng matulog habang yakap siya.

"Malapit na moving up mo, anong gusto mong regalo?" Bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Napakunot naman ang noo ko. "Graduation mo na. Anong gusto mong regalo?" Balik kong tanong sa kaniya.

"Wala. Ayaw ko ng regalo. Ang gusto ko ay naroon ka sa araw na 'yon at okay na sa akin 'yon."

__________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now