"Ayaw ko nga sabi!"
Sigaw ko kay Soliel ng pilitin niya akong kumain. Mabilis na pumagitna si Blaze at sinamaan ako ng tingin.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? Kailan ka pa natutong sumigaw sigaw?" Galit na tanong sa akin ni Blaze.
Hindi ko siya pinansin at tinalikuran na lang sila bigla. Nakasalubong ko si Mom pero hindi ko na rin siya pinansin. Wala akong gana makipag usap na kahit kanino ngayon.
Nang makaakyat ako ng kwarto ay doon ako umiyak ng umiyak. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay nawawala ako sa katinuan. Pinagbabasag ko ang mga frame at vase doon. Pinagtatapon ko ang mga libro at kung ano pang madadampot ko.
"W-Walter!" Paninita sa akin ni Blaze pero hindi ko sila pinansin.
Gusto kong ilabas lahat ng sakit ng nararamdaman ko. Gusto kong manakit. Gusto kong iiyak lahat lahat ng sakit.
Flashback...
"From now on, kalimutan mo na may pinagsamahan tayong dalawa."
"Achizz hindi madaling gawin 'yon," sabi ko na nagsisimula ng tumulo ang mga luha.
"Gawin mo Walter kasi 'yon ang kailangan."
Nakatitig lang ako sa kaniya. Hinihintay ko na sabihin niyang hindi 'yon totoo. Na sabihin niyang, nasabi niya lang 'yo kasi nasasaktan siya. Gusto kong marinig na binabawi niya na lahat ng sinabi niya pero wala. Walang kasunod na ganu'n.
"Achizz 'wag namang ganito," nagmamakaawang sabi ko na hahawakan sana ang kamay niya pero iniiwas niya sa akin. "Achizz nasasaktan mo na 'ko!"
"Nasasaktan din naman ako Walter pero alam ko namang ito ang makakabuti sa 'tin e," sabi niya umiwas pa ng tingin. "Alam kong pagkatapos nito ay wala ng mambubully sa 'yo. Sinisisi ko 'yong sarili ko kasi pinilit pa kita sa relasyon na 'to. Kung hindi sana kita pinilit ay hindi ka mapupunta sa puntong it-"
"Hindi mo 'ko pinilit Achizz, kusa 'to," sabi ko sa kaniya. "Achizz naman," sabi ko na napasapo pa sa noo habang walang tigil ang pagpatak ng luha ko.
"A-Alam kong may babaeng magkakagusto sa 'yo. Alam kong makakalimutan mo din ako at magsisisi ka na lang na naging jowa mo 'ko. Walter hindi ka bakla at lalong hindi bisexual, napilitan ka lang sa akin."
Umiling naman ako. "Hindi. Ayaw ko sa iba Achizz. Ayaw ko sa kanila. Achizz 'wag namang ganito."
"Umuwi ka na Walter. Wala kang mapapala sa 'kin," sabi niya na tinalikuran na ako.
"Ganu'n na lang 'yon Achizz?" tanong ko sa kaniya na ikinatigil niya. "Ganu'n na lang lahat? Parang ang bilis naman magbago ng isip mo?" Napapaluhang sabi ko. "Achizz napapagod din ako!" sabi ko na lalong ikinasikip ng dibdib ko. "Napapagod ako pero hindi ko sinusukuan 'yong bagay na 'to kasi ito ang unang beses na nagmahal ako."
"Intindihin mo ang sinabi ng Dad mo... pareho lang tayong mapapahamak sa bagay na 'to. Itigl na natin 'to. Wala ng mapupuntahan pa ang usapan na 'to," sabi niya bago ako iwan sa kwarto niya.
End of Flashback...
"Ano ba Walter!" Sigaw ni Dad sa akin.
Hinarap ko naman siya at malakas ang loob na sinigawan siya. "Dad! 'Yong bagay na ikinasasaya ko, pinagkait mo!"
"Walter," sabi ni Blaze na inaawat na ako.
Nakita kong matigilan si Dad sa sinabi ko. "Dad naman!" Sigaw ko na napasabunot pa sa sariling buhok. "Dad hindi ako bakla pero Dad, 'yong pagmamahal na binibigay ni Achizz hindi ko kayang bitawan na lang bigla tulad ng sinasabi mo! Mas masakit 'yong ginawa mo Dad kaysa sa mahospital ako."
"Walter, Dad mo 'yan," sabi ni Soliel na hinihila na ako palayo kay Dad.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan Walter," sabi ni Dad na lalong ikinainis ko.
Padabog kong sinipa ang tinapon kong libro. "Hindi mo din ako iniintindi Dad," pagod na pagod na sabi ko. "Tama na Dad. Okay na. Wala na e," sabi ko na tinalikuran na silang lahat.
Masyado na 'kong nasasaktan ng katotohanan. Sinusubukan kong tawagan at kontakin si Achizz pero hindi niya sinasagot. Ako na ang naghahabol ngayon. Naghahabol na ako sa wala. Hindi ko alam na mahuhulog ako ng ganito kalala para habulin 'yong lalaking naghabol din sa 'kin noon.
May pasok ang mga kaibigan ko habang may trabaho naman ang mga magulang ko. Si Weshly naman ay may pasok na kasama ang kasambahay namin. Mag isa lang ako sa bahay. Gusto kong puntahan si Achizz pero may pasok siya, may respeto pa rin naman ako sa schedule niya.
"Walter,"
Napalingon ako sa pinto ng makita si Robelyn. Umayos ako ng upo sa sofa para tignan siya.
"Anong ginagawa mo dito? Walang pasok?" tanong ko sa kaniya.
"May pasok pero nagcutting ako sa isang subject," sabi niya na suminghal pa. Inabutan niya naman ako ng paper bag na paniguradong pagkain nanaman. "Kamusta? Okay na ba?"
Umiling naman ako at parang maiiyak nanaman sa tuwing maaalala ang mga sinabi sa akin ni Achizz.
"Wala na kami ni Achizz," sabi ko na ikinagulat niya. "Nakipaghiwalay na siya sa 'kin.
"Bakit?" tanong niya.
"Marami siyang sinabi pero wala akong maintindihan," sabi ko na nasa malayo na ang tingin.
"Dapat ineexpect mo na ang bagay na 'yan noon pa," sabi niya na ikinalingon ko. "Walang tumatagal sa ganiyang relasyon Walter. Dapat pinaghandaan mo noon pa."
Umiling naman ako at mabilis na nangilid ang luha. "Hindi ko lang kasi inaasahan na ganitp kabiglaan. Okay naman kami 'nung huli naming pagkikita. Hindi ko lang inaasahan na sasaktan niya ako ng ganito," sabi ko na napahawak pa sa noo.
"Makakamove on ka din," sabi niya.
Napailing naman ako. "Hindi ganu'n kadali 'yon."
"Hindi naman kita minamadali."
Nangingilid ang luha ko habang nasa malayo ang tingin. Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit. Nanghihina ako at parang wala akpng gana sa lahat ng bagay. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa zero. Hindi ako sanay na parang wala lang nangyari kasi nasanay ako na nasa tabi ko si Achizz ano mang oras.
"And you know what is the hardest thing happened in my life?" tanong ko na nilingon pa si Robelyn habang nangingilid ang luha. "I was hurted by the man I trusted the most."
__________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomanceSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...