"Uuwi na 'ko, may family trip kasi ang family ko this night kaya kailangan ko makahabol."
Napasimangot naman ako ng magpaalam si Blaze. Wala kasi akong kasama pumunta ng Mall, bibili sana ako ng bagong tshirt kasi nga sumisikip na ang ibang damit ko. Pakiramdam koay tumataba na 'ko. Maganda sana ang taste ni Blaze sa damit pero hindi ko naman siya pwedeng agawin sa family niya.
"Ako din Walter, birthday ng tita ko e invited ako mamayang 6PM. Actually nagmamadali rin talaga ako," sabi naman ni Soliel.
Wala man sana kwenta mamili si Soliel ng damit kasi hindi naman 'to magaling sa pagpili ng damit pero makakasama ko sana 'to. Paano 'to? Mag isa na lang talaga ako? Kailangan ko pa naman ng pantalon bukas kasi puro pa basa ang pants kong pang school.
Napatango na lang ako sa kanila. Sabay pa silang nagsiuwian. Naglalakad na sana ako papuntang parking lot ng makita si Achizz na naglalaro ng billiards. Sakto, may makakasama na ata ako.
Mabilis akong lumapit sa kaniya. Napalingon agad siya sa 'kin at ngumiti. "Oh?"
"Pwede mo ba 'ko samahan sa Mall mamaya?" tanong ko na napakamot pa sa ulo, ngayon lang nahiya. "K-Kung okay lang naman sa'yo, madali lang ba 'yan? Madali lang naman ako e—"
"Wala naman kaming practice ngayon, ang boring kaya sinubukan lang namin. Tara na."
Nanlaki ang mata ko ng iwanan niya ang tako sa mga kasama niya at hilain ang bag niya sa gilid. Ang bilis niya naman kausap.
"Anong bibilhin mo?" tanong niya habang naglalakad kami palabas ng campus.
"Pantalon," sabi ko na nilingon pa ang pantalon ko. "Wala akong pantalon e puro pa basa tapos ano nga pala... bond paper. Sakto naalala ko. Wala na 'kong bond paper sa bahay e."
Tumango naman siya na napalingon din sa pantalon ko. "Libre mo ulit ako. Wala ng bawian."
Nanlaki naman ang mata ko pero agad ding natawa. Ayos ah, hindi nalalayo sa mga kaibigan ko. Bawat sasamahan ako dapat may libreng kasama.
"Kain muna tayo o bili muna?" tanong ko na sinisilip pa ang wallet ko, baka kasi wala akong cash kaya magkacash out ako.
"Bili muna tayo," sabi niya kaya tumango naman ako.
"Kamusta? Nag uusap pa kayo 'nong Steven?" tanong ko, umiling naman siya at natawa. "Okay ka na ba? Hindi ka na masyadong affected?" natatawang tanong ko.
Umiling naman siya. "Ayos na."
Halata naman 'yon sa itsura niya. Mas okay ngayon kaysa noon.
Pumasok nga kami sa LCC. Sobrang daming estudyante ang bumungad sa amin. Ganito naman dito tuwing gabi palibhasa uwian ng mga estudyante at nagigitnaan pa ito ng tatlong schools. Napakunot pa ang noo ko ng maglingunan sa amin ang mga kababaihan, may nagtutulakan pa.
"Mukhang crush ka pre," sabi ko na siniko pa si Achizz.
Napakunot naman ang noo ko. "Bakit ako? Baka ikaw."
Umiling na lang ako tsaka dumiretso na sa male pants. Tumitingin din si Achizz ng pantalon dahil tutulungan niya daw ako maghanap. Napalingon na lang ako ng mapansin na may nagpapapicture ma kay Achizz na grupo ng mga kababaigan. Natawa naman ako at napailing.
"Anong size mo?" tanong niya ng matapos ang mga babaeng magpapicture sa kaniya.
Tinulak ko pa ang braso niya habang natatawa. "Sikat ka na niyan bukas." Inirapan niya lang ako, lalo akong natawa.
"Size?" Pag uulit niya, hindi pinansin ang sinabi ko.
Nagkibit balikat naman ako. "8 inch ata 'to."
Nanlaki naman ang mata niyang napalingon sa akin at mabilis akong tinapik sa braso, natawa naman ako.
"T-Tanga, waist line!" bulong niya na pinandilatan pa 'ko ng mata, medyo namumula pa siya.
Napangiwi naman ako, medyo malakas 'yong pagkakatapik niya sa braso ko. "27-28," sabi ko naman.
Suminghal naman siya at pumunta ng ibang pwesto para hanapan ako ng pantalon. May nahanap akong dalawa, nan lumapit ako sa kaniya ay may hawak na din siyang dalawa.
"Okay na 'yan," sabi ko na tinignan pa ang kinuha niya.
Sinamahan niya naman ako sa cashier. Pati cashier ay nagpapicture sa kaniya, pinagtatawanan ko naman si Achizz sa itsura niya kaya matapos 'yon ay inirapan niya lang ako. Pumunta kami ng Chowking para kumain. Matakaw siya kaya mas marami ang sa kaniya kahit libre ko. Sabay din kaming umuwi. Nagpasalamat pa ako bago kami naghiwalay.
Kinabukasan ay nalate na 'ko nagising kaya dali dali nanaman ang galaw ko. Nagdala na lang tuloy ako ng niluto ni Mom na hotdog dahil kakamadali. Buti na lang ay hindi pa ako totally late.
"Kailan intramural?" tanong ni Blaze.
Nagkibit balikat naman ako. "Wala pa namang announcement. Hindi ko alam kung kailan. Bakit? May kameet up ka taga ibang school ano!" Panunukso ko sa kaniya pero hindi man lang siya naapektuhan.
"Wala. Pinaghahandaan ko lang. Baka kasi matalo mo 'ko e," sabi niya.
Natawa naman ako. "Gago magkakampi tayo."
Suminghal naman siya at iniwan ako. Talagang topakin ang isang 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit naging magkaibigan kami 'non e.
Nang makita ko si Achizz na may dala dalang milktea ay mabilis akong tumakbo sa kaniya at nakihigop sa straw niya. Napakunot naman ang noo niya habang pinapanood akong bawasan ang milktea niya.
"Yan ba ang tinuturo sa section niyo?" nakangiwing tanong ko.
Umiling naman ako. "Natutunan ko lang," sabi ko ng malasaha na ang milktea.
Nakakunot ang noo niyang tinignan ang milktea. Napakunot din ang noo ko at mabilis na inilapit sa kaniya ang straw.
"Ang arte ko! Walang virus 'yan!" Reklamo ko.
Inirapan niya naman ako at muling humigop sa straw niya. Napangiti naman ako habang pinapanood siya. Tinulak niya naman ang mukha ko.
"Wag kang mag imagine tangenamo," sabi niya.
"Hoy hindi ah. Bastos."
Tipid naman siyang natawa at hinila ako sa bag. Lumapit siya doon sa grupo ng mga kalalakihan na abala sa panonood ng basketball. Naupo lang ako sa tabi niya. Nakita ko pa si Soliel na tumatakbo palapit sa amin at naupo sa tabi ko.
"Hoy bakit hindi ka sumasama sa kanila?" tanong ni Soliel na tinapik pa ang dibdib ko.
"Mamaya, atat ka?" tanong ko.
Napalingon naman siya kay Achizz tsaka lumingon sa akin na itinataas taas pa ang kilay. Napakunot naman ang noo ko. Ano nanamang trip nito?
"Bagay kayo. Kayo na lang kaya ni Achizz."
________________________________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomanceSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...