"Don't mind them."
Hindi na kasi ako mapakali pagkatapos ng concert. Hindi pa rin nag uusap silang pamilya kaya ako ang naiilang. Wala lang naman sa 'kin ang bagay na 'yon kaso hindi lang talaga ako sanay na ganito ang ganap.
"Ayos ka lang ba? Mukha kang stress." Hindi ko alam kung maatawa ba 'ko sa sinabi ko o dapat na maawa sa itsura niya.
It's because Steven... again? I mean... kanina lang siya ganiyan 'nong bago magconcert? Wala namang akong ibang maisip na rason kundi si Steven na alam ng mga fans niya. Sino ba naman kasi mamomoblema? Kung ako naman kasi ang nasa sitwasyon niya at may naging jowa ako at alam ng fans ko, paniguradong aasa sila pero bigla na lang malalaman ng fans ko na wala na kami? Hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ko.
Tumango na lang siya at ngumiti, peke pa. Naupo naman ako sa tabi niya. He was lying on his bed, we are in the room that was next to his parents room. His Dad is no there while his Mom is resting.
"Akala ko ba hindi ka na apektado kay Steven?" tanong ko.
"Akala ko din." Nagbuntong hininga siya na inilayo pa ang tingin sa akin. "I saw him." Napatitig ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon. "Narito rin siya sa Bicol. Akala ko wala na pero 'nong nakita ko siya kasama 'yong girlfriend niya, parang... bumalik lahat ng ala ala."
Nakaawang lang ang labi ko. I don't know! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala pa naman akong nagiging girlfriend pa e. Hindi ko alam kung paano mag advice.
"Kaya niya, kayanin mo." Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko.
Lumingon naman siya sa akin, titig na titig. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang sinabi ko. Napalunok pa ako at hindi malaman kung saan titingin.
"What if... pinapaselos niya lang ako?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
"Tigilan mo na Achizz, 'wag mo ng ipilit 'yong sarili mo doon. Ang gwapo mo tapos ipipilit mo lang 'yong sarili mo sa tukmol na 'yon?" singhal ko.
Tumango naman siya at mabilis na pumikit. Hindi na ako nag abala pang istorbohin siya. Umalis na ako ng kama at lunabas ng kwarto niya. Naabutan kong nag uusap ang Dad at Mom niya. Lalabas sana ako ng bahay pero tinawag ako ng Dad niya.
"How's Achizz?" he ask when I sit on his side.
"He's okay," sabi ko naman.
Alam kong hindi okay si Achizz pero hindi ko naman pwedeng paproblemahin ang parents ni Achizz. Hindi nga yata nila alam e, baka maipit pa 'ko pagnagsalita ng kung ano ano.
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ng Dad ni Achizz. "Sinabi ko na nga ba at mangyayari ito e. Alam kong hindi sila magtatagal 'nun, man is still a man. Maghahanap ng babae 'yan."
Napakunot pa ang noo ko na napalingon pa kay Miss Se. "Alam niyo po?" tanong ko.
Tumango naman sila, sabay pa. "Nagalit ako 'nung una pero wala akong magagawa dahil 'yon siya. As long as he didn't wear a dress, it's okay for me and besides siya ang umamin mismo. Sinabihan ko na siya about sa pinasok niya at nangyari na nga 'yon," sabi ng Dad niya.
"Don't worry sir, he became better soon," sabi ko na ngumiti pa.
"Sir? Come on," natatawang sabi ng Dad ni Achizz. "Call me tito and besides you are Achizz friend."
Ngumiti naman ako sa kanila. Masaya na napalapit agad ako sa pamilya ni Achizz pero napapansin ko kaagad kung paano nila napapabayaan si Achizz. Pareho silang abala sa kaniya kaniya nilang trabaho. Tito is a doctor while his mother is an actress.
"May karaoke pala dito sa bahay niyo? Angas naman," sabi ko ng mapansin ang set of karaoke sa bahay nila.
Wala ang parents niya kaya nakakabwelo akong maglikot. Napatingin naman si Achizz sa kinakalikot ko.
"Matagal ng hindi ginagamit 'yan, gusto mo itry?" tanong niya na lumapit pa sa pwesto ko para tignan ang karaoke.
"Tagal ko ng hindi naeensayo boses ko, ehem ehem," nagbiro pa akong nauubo.
Natawa naman siya at mabilis na inopen ang karaoke para sa 'kin. Inabot niya pa sa 'kin ang song list.
"Baby baby you're my sun and moon~" kanta ko habang naghahanap ng kanta sa song list nila.
Napalingon ako kay Achizz ng mapansin na nakatitig siya sa akin. Umangat naman ang kilay ko pero umiling lang siya at ininguso pa ang song list kaya muli akong naghanap.
"Araw at gabi
Hanap hanap ka sa magdamag
Sa dami ng pagpipiliian
Ikaw lang ang naibigan ko na mahalin
Aalayan ko ng bulaklak
Mapangiti ka lang ay ayos na
Sa 'kin ikaw ang tinadhana
Na gusto kong makasama
Hanggang sa pagtanda~"Kanta ko habang sumasayaw pa. Nanonood lang sa akin si Achizz, parang naiinip pa sa pinaggagawa ko.
"Saan mo naman nakuha ang steps na 'yan?" kunot noong tanong niya.
"Tiktok duh," sabi ko habang pinipindot ang number.
"Tiktok? Really? Sa tanda mong 'yan gumagamit ka pa ng apps na 'yon?" Natatawang sabi niya.
"Hoy uso kaya 'yon ngayon," pagdepensa ko naman.
"Uso 'yon sa mga taong wala namang ginagawa sa buhay." Singhal niya.
"Wow Achizz, sa edad nating 'to uso ang ganon. Boi we are belong to the 21st century. Uso ang mga ganon sa mga dalaga't binata. Binata pa 'ko 'no, hindi pa 'ko matanda. I'm just 18," sabi ko.
"18 ka pa lang pala." Parang bilib na bilib na sabi niya habang nakangiti. "Magte20 na 'ko next month."
My lips form to 'o'. "Wow. Advance Happy Birthday!"
"Thanks," sagot niya naman, tipid pa kung ngumiti. "Hindi ba magseselos ang mga kaibigan mo niyan? Napapadalas pagsasama natin?" Doon na siya natawa.
Napakunot naman ang noo ko pero napangiti din agad. "Baka si Steven ang magselos sa 'tin."
His brows furrowed while smiling. I laugh and hit his arms. He also laughing.
"Okay lang ba kung samahan mo ko mamaya?" tanong niya.
"Saan?" Excited pa man ako kahit wala pa.
"Let's drink. Tayo lang dalawa."
________________________________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomanceSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...