"Nice game!"
Sunod sunod ang score namin pero hindi 'nun maalis ang pagkainis ko sa pagmumukha ni Steven. I don't know! Naiinis lang ako dahil sa nga ginawa niya kay Achizz. Nakakainis din ang paraan niya ng pagtingin sa akin. Para bang may ginawa akong masama sa kaniya na kung tutuusin ay siya itong may ginawang masama sa kaibigan ko.
"Kaano-ano mo si Achizz?" bulong na tanong niya habang nasa gitna kami ng laro.
Nasa akin ang bola at siya naman ang nagbabantay sa akin. Sumilaw naman ang ngiti sa labi ko.
"Why are you asking me about that?" bulong na tanong ko din.
Lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Kita ko kung paano siya magtiim-bagang habang pinipigilan ang sariling magalit.
"Bakit hindi mo na lang sagutin?" May diin ang pagkakasabi niya pilit ring inaagaw sa akin ang bola.
Napangisi naman ako. "Nagseselos ka ba? Bro, akala ko ba babae na gusto mo?" Inaasar ko siya gamit ang tonong ginawa niya 'nung nag uusap sila ni Achizz.
Parang biglang uminit ang ulo niya ng tumayo siya ng maayos kaya tumayo din ako ng maayos para salubungin ang bawat titig niya.
"Ano bang problema mo?" tanong niya na tinulak pa ang dibdib ko.
Napaangat naman ang gilid ng labi ko. Alam kong naalarma na ang lahat ng manonood ng mapansing hindi na maayos. Nagsilapitan na din ang team namin para alamin kung anong nangyayari sa aming dalawa.
"Ikaw ata ang may problema e," nakangising sabi ko.
Wala ako sa mood makipag-away. Gusto ko lang siyang asarin.
Naputol lang ang masamang titigan naming dalawa ng lumapit na ang parehong coach namin. Inawat kaming dalawa kahit na hindi pa naman kami nagkakasakitan. Sinisermonan na 'ko ng coach namin pero para bang nabingi ako sa pagkakataong 'yon dahil pareho kami ni Steven na nagsasamaan ng tingin.
"A-Anong nangyari?" tanong ni Achizz na ikinalingon ko.
Doon lang ako bumalik sa reyalidad. Nasa gilid na ako at may kasalukuyang pinalit sa akin. Nakita ko rin na nakatingin sa akin si Blaze, napailing na lang siya ng magtama ang tingin naming dalawa. Napalingon naman ako sa family ko na halata ang pag aalala sa mga mata. Nakita ko rin ang pagtakbo ni Soliel palapit sa akin.
"A-Anong nangyari?" tanong ni Soliel na inabutan agad ako ng tubig.
Kinuha ko naman para inumin 'yon. Napalingon naman ako kay Achizz na halatang alam kung ano ang dahilan.
"Wala, medyo nagkapikunan lang." Pagpapalusot ko. "Magpatuloy ka na sa ginagawa mo. Okay lang ako promise," sabi ko na ngumiti pa.
Naabala ko kasi ang ginagawa documentation. Alanganin naman siyang ngumiti bago naglakad palayo. Doon kami nagkalingunan ni Achizz.
"D-Dapat hindi mo na lang pinatulan," bulong ni Achizz na nilingon pa ang kabilang panig.
"Hindi naman, konti lang." Natatawa ako ng maalala ko kung ano ang itsura ni Steven.
Nang magbreak saglit ang laro ay doon ako nilapitan ni coach. Sinabi niya na kakausapin niya ako mamayang pagkatapos ng laro. Alam kong pagagalitan niya ako pero ayos lang dahil pinalaro niya pa naman ako. Nilapitan naman ako ni Blaze tsaka malakas na binatukan.
"Asshole."
Napairap ako sa sinabi niya. Hindi na 'yon magbabalak na sermonan ako kasi isa rin naman siyang takaw away sa laro.
Next game ay naglaro na 'ko, kasabay nanaman si Steven pero this time ay hindi na kami nagkibuan pa. Lamang naman na kami pero hindi pa rin kami nagpakampante.
Nang matapos ang laro ay doon na ako nagsimulang pakinggan ang sermon ni coach.
"Kung hindi si Blaze, ikaw Walter. Hay naku talaga kayong magkaibigan oh," sabi ni coach na napakamot pa sa ulo. "Iwasan niyo ang magkapinunan specially when you are in the game."
Marami pa siyang sinabi pero hindi na 'yon punasok pa sa isip ko dahil gutom na 'ko. Matapos ang mahabang sermon ay pumunta na kami ng canteen para kumain. Doon ko lang narealize na wala si Soliel sa paningin namin ni Blaze. Sinubukan pa namin itong hanapin pero wala. Hindi naman kami natatakot na baka mawala ito dahil sa dami ng tao, hindi lang talaga kami sanay na hindi 'yon kasama sa pagkain.
"Nagchat ka na? Anong sabi?" tanong ko kay Blaze na abalang chinachat si Soliel.
"Wag daw tayong mag alala, lalabas lang daw siya saglit," pagbasa ni Blaze sa chat ni Soliel.
"Saan daw siya pupunta?" tanong ko naman habang kunot ang noo.
Nagkibit-balikat naman siya. Nagtataka ako kung saan siya pero nawala nanaman 'yon sa isip ko ng makita ang grupo ni Steven na naglalakad papasok ng canteen. Nagtama ang tingin namin pero agad din siyang umiwas ng tingin.
"Uuwi pala ako mamaya," sabi ni Blaze na ikinalingon ko. "Isasama ko si Soliel, hindi 'yon pwede matulog dito mamaya. Sasama ka?"
After the party happened later, pwede matulog dito at pwede rin namang umuwi.
"Uuwi na din tuloy ako." Yon ang naging desisyon ko.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na siya dahil may pupuntahan muna daw siya saglit kaya naiwan ulit ako. Lumapit ako kay Achizz ng makita siyang abala sa phone niya kasama si Patrick at Francis.
"Sama ka Walter? Mamaya walwal! May malapit ditong mini bar!" Pagyaya sa akin ni Patrick.
"Ahh hin-"
"Oo sasama 'yan," sabi ni Achizz na ikinakunot ng noo ko. "Sasama ka."
Gusto kong tumanggi pero napakamot na lang ako sa ulo at napilitang tumango. Saglit lang naman kaya sige lang tsaka isa pa, bihira lang naman nila 'ko yayain kaya nakakahiya ding tumanggi.
"Sino mga kasama?" tanong ko naman.
"Tayong apat lang," sabi ni Achizz. "Saglit lang naman tapos sabay na tayong umuwi."
Tumango naman ako. "Bakit iinom?" Napaangat naman ang kilay ko.
Umangat din ang gilid ng labi ni Achizz. "Magpapainit tayo."
__________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomanceSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...