"Ang malas mukhang uulan pa."
Napasinghal naman ako habang pinapanood ang pagbagsak ng ulan. Wrong timing naman 'to kung kailan hindi ko dala 'yong kotse. Hiniram kasi ni Dad dahil pinapaayos niya 'yong kotse niya saglit. Ako ang nagpaubaya kaysa si Mom ang mawalan.
"Hiramin mo na 'tong payong ko Soliel oh. Umuwi ka na bago lumakas 'yong ulan," sabi ko kay Soliel na inabot na sa kaniya ang dala kong payong.
"Ha? Paano ka? 'Wag na!" Tanggi niya agad.
Hindi pumasok si Blaze ngayon dahil may importante daw siyang aasikasuhin. Masyado ng mamesteryo ang isang 'yon tss.
"Sige na Soliel," sabi ko na pinahawak na sa kaniya ang payong.
"Kasya naman tayo dito oh!" Binuksan niya pa ang payong para ipakita sa akin.
"Hindi tayo kasiya diyan kaya mauna ka na. Kasama ko naman si Achizz ngayon," sabi ko.
Dahan dahang namuo ang mapang asar na titig ni Soliel. "Kaya pala atat kang umuwi na 'ko kasi gusto mo masolo si Achizz, ikaw ha nice move! Sige na nga, babaye!" Doon lang siya nagpaalam.
Napasinghal naman ako habang sinusundan siya ng tingin palayo. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay umakyat ako ng 3rd floor para puntahan ang room ni Achizz.
Nakita kong abala ulit na nag uusap ang grupo niya sa research kaya nanatili lang akong nakatayo sa labas at hinintay na lang silang matapos. Tamad akong nakasandal aa railings habang tinitignan ang mga estudyanteng naglalakad lakad.
Napaayos ako ng tayo ng makita si Robelyn. Bakit narito siya? Nagtama agad ang tingin namin kaya nginitian ko siya, ngumiti din naman siya pero tipid.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Sakto naman ang pagdating niya, maulan.
"Bawal ba 'ko dito?" tanong niya na tinaasan pa 'ko ng kilay.
Natawa naman ako na napailing pa. "Wala naman akong sinabing bawal ah. Tinatanong ko lang kung ano gagawin mo dito."
"It's none of your business," sabi niya na naglakad na palayo.
Napaawang naman ang labi kong sinundan siya ng tingin. Naputol lang ang tingin ko ng may kumalabit sa likod ko. Si Achizz na pala.
Napakunot naman ang noo niya habang sinundan din ang daan kung saan ako nakatingin kanina.
"Sino naman ang babaeng 'yon? Para kang ano kung makatitig," sabi niya na masama ang tingin sa akin.
Natawa naman ako na agad pang napailing para tumanggi. "Nakilala ko 'yon sa Intramurals, 'yong nakalaban mo sa bilyar."
Umangat naman ang kilay niya. "Oh bakit titig na titig ka masyado?"
Napaangat din tuloy ang kilay ko habang nakangiti. "Masyado ka namang seloso," sabi ko na ginulo pa ang buhok niya. "Kuya!" Pang aasar ko.
Nagulat siya sa sinabi ko at mabilis na tumalim ang tingin sa akin. "Kuya? The hell." Rinig kong bulong niya bago ako hilain sa kung saan.
"Saan na tayo?" tanong ko habang hinahayaan siyang hilain ako sa bag.
"Doon tayo sa coffee shop na bago, masarap daw 'yong kape doon."
"Libre mo," sabi ko kahit may pera naman talaga 'ko.
"Sure basta ikaw," sabi niya na ipinatong pa ang braso sa balikat ko at muli akong hilain.
"Wala tayong payong," sabi ko.
"Paulan?"
Dahil may magpapaulan kami ay iniwan muna namin 'yong bag namin sa locker. Dahil mas malapit sa pwesto namin ang locker ni Achizz ay doon ko na rin nilagay ang akin. Tanging plastic lang ang dala namin kung saan nakalagay ang cellphone at wallet namin.
Wala namang problema sa akin 'yon. Gusto ko din naman magpaulan kasi matagal na din 'yong huling beses akong magpaulan.
Nang makarating kami sa coffee shop ay doon lang kami nagpunas. Inabutan kami ng towel kaya ginawa kong kumot 'yon para ibalot ang sarili ko. Nilatagan nga kami ng kape na halatang masarap.
"Gusto ko ng siopao," request ko kay Achizz.
Napalingon naman siya sa akin bago tumango at naglakad papuntang line para kuhanan ako ng siopao. Nang makabalik siya ay may dala na siyang apat.
"Sarap pala ng kape dito 'no, sakto malamig," sabi ko habang kumakain kami.
Pareho kaming balot ng towel at basang basa ang buhok.
"Mas masarap ako, sakto malamig," bulong niya na inilapit pa ang sarili sa akin.
Napairap naman ako na medyo tinulak pa siya. Narinig ko naman ang pagtawa niya. Nang matapos kami ay napunta kami sa lugar kung saan wala masyadong tao pero maganda ang paligid. Hindi ko nga alam na may ganitong lugar dito.
"Dito ako madalas tumatambay kapag mag isa lang ako," sabi ni Achizz na ikinalingon ko.
Maganda ang paligid. Kahit maulan at makulimlim ang langit ay alam ko kung gaano kaganda dito. Matataas na puno, tahimik na kapaligiran. Maraming bulaklak at kitang kita ang mga bundok sa malayo.
"If you have a chance to choose between me and a girl, who will you choose?" tanong niya na nasa mismong mata ko ang tingin.
Napangiti naman ako. "Bakit mo ba tinatanong 'yan? Natatakot ka ba na baka dumating sa point na mabalewala ka na lang kapag may dumating na babae sa buhay ko?" tanong ko sa kaniya, tumango naman siya. "Eh ikaw ang tatanungin ko. If you have a chance to choose between me and Steven, who will you choose?"
Hindi siya sumagot. Nag iwas lang siya ng tingin at nagbuntong hininga. Naghintay ako ng sagot pero wala akong natanggap 'nun sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano nanaman ba ang dapat kong maramdaman. Dapat bang magselos ako o hayaan na lang sila tutal sila naman ang nauna?
"Gusto mo na ba 'ko Walter? May nararamdaman ka na ba? Kahit konti lang. Mayroon na ba?" tanong niya na sinandal pa ang likod sa kahoy para titigan ako.
Napalunok naman ako habang pinapakiramdanan ang sarili. Alam ko na ang sagot ko na kahit anong tanggi ng isip ko ay 'yon na talaga ang nararamdaman ko. Bawat titig at haplos niya ay may epekto na sa sistema ko. Kahit ang presensiya niya ay napapasaya na 'ko. Hinahanap hanap ko din minsan ang boses at amoy niya.
Hindi na 'to basta kaibigan na lang...
"Konti konti na kitang nagugustuhan Achizz. Konti konti ng nagkukusa."
__________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomanceSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...