"Ang pogi mo masyado."
Napalingon ako kay Achizz ng sabihin niya 'yon. Natawa naman ako sa sinabi niya na medyo tinulak pa ang mukha niya.
"Wag mo 'kong titigan masyado." Pagsisita ko sa kaniya.
Napangiti naman siya na inalis din ang tingin sa akin. Narito kami ngayon sa bahay nila. Walang tao dito dahil abala ang mga parents niya. Tanging kasambahay lang nila ang narito.
"Nagtitiktok ka din?" Hindi makapaniwalang tanong ni Achizz habang pinapanood akong siniset up ang cellphone para makapagvideo ako.
Tumango naman ako. "Hindi ko naman pinopost, sinisend ko lang sa gc naming magkakaibigan o kaya naman nilalagay ko lang sa drafts. Gusto ko lang pagtawan at puriin ang sarili ko."
Napasinghal naman siya habang pinapanood ako. Isinayaw ko naman ang trending na trending ngayon sa tiktok, 'yong left and right by Jungkook ang Charlie Puth.
"What the hell." Narinig kong pagmumura ni Achizz sa likod ko.
Hindi ko naman siya pinansin at isinayaw lang 'yon. Nang matapos ay pinanood ko naman ang sarili ko sa cellphone habang nakangiti. Masyado kong happy pill ang sarili ko.
"Patingin nga," sabi ni Achizz kaya inilapit ko din ang cellphone ko sa kaniya.
"Magaling ka sumayaw pero itigil mo 'yan, ang korni na mga nauuso sa panahon ngayon," sabi niya na napairap pa.
"Edi 'wag a magtiktok. Hindi ka naman pinipilit e," sabi ko na inirapan din siya.
"Siguro puro babae nasa following mo," sabi niya. Nambibintang agad.
"Wala akong following Achizz."
Itinago ko na lang ang phone ko para harapin siya. Seryoso lang ang mukha niya habang tinitignan ako. Ngumuso nanaman siya na ikinairap ko.
"Ayaw ko tangenamo. Masyado kang abuso," sabi ko na naglakad papuntang reff nila para manghalukat ng makakain.
"Masyado ka rin kasing madamot," sabi ni Achizz na sumunod pala sa akin.
Nakihalungkat din siya sa reff. Kinuha ko lang doon ang slice ng mango grahams tsaka naupo sa may high chair. Sumunod din siya pero chocolates ang hawak niya.
"Saan ka na magcocollege?" tanong ko ng maupo siya sa tabi ko.
"Bakit mamimiss mo agad ako?" Nakangiting tanong niya na tinataas taas pa ang kilay.
"Your face getting thicker Achizz."
Natawa naman siya tsaka sinubuan pa ako ng chocolate bago sumagot. "Hindi ko pa alam kung saang University ako papasok pero doctor ang kukunin ko. I want to become a doctor since I was a child. Nagulo lang ang isip ko dahil sa kung ano si Dad at Mom ngayon. My Mom is exposed to the cameras while my Dad is a business man." Napailing pa siyang nilingon ako. "But this time, I am really obsessed with that fashion."
Napangiti naman ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Ngayon lang kasi siya nagsalita ng gano'n kahaba. Hindi ako sure kung ngayon lang ba o ngayon ko lang talaga siya napansin.
"Bagay 'yon sa 'yo," sabi ko na medyo itinulak pa ang dibdib niya.
"If there something really fits on me, it's you and no one else."
Lalong lumapad ang ngiti ko habang nakatitig sa kaniya. Napaangat pa ang kilay ko tsaka nakangiting sumubo ng grahams. Tangena, napapangiti niya na 'ko.
"How about you? Strand? Or any plan in the future?" tanong niya sa 'kin.
"Engineering," maikling sagot ko. "STEM ang kukunin kong strand sa senior high and engineering naman sa college."
Tumango tango naman siya. "It's good to hear. Mas mabuting may plano ka na habang maaga pa."
"Sa school ako ng ex mo mag-aaral next school year," sabi ko.
Namilog naman ang bibig niya at napatango. "Good luck," sabi niya.
Napatitig naman ako sa kaniya habang inaalam kung may epekto pa ba sa kaniya ang pagbanggit ko sa ex niya pero parang wala na sa kaniya 'yon. Mas okay 'yon.
"Si Steven saan mag-aaral?" tanong ko sa kaniya.
Pinaningkitan niya naman ako ng mata. "Why did you ask me about him? I don't know." Medyo iritadong sabi niya na ikinatawa ko.
"High blood ka agad? Tinatanong ko lang naman."
"Stop asking me about him kung hindi patatahimikin nanaman kita."
Napasinghal naman ako pero medyo natatawa. Pagkatapos 'nun ay naglaro kami ng mobile legend. Hindi pa siya marunong maglaro kaya tinuturuan ko pa.
"Ang boring," sabi niya tinapon pa sa kama niya ang phone niya. "Ayaw kong magMl. Yakapin mo na lang ako," sabi niya na agad ipinorma ang braso paharap sa akin.
Napairap naman ako at sinipa pa ang binti niya. Masyado na siyang maraming nalalaman.
Napabuntong hininga naman siyang nahiga sa kama niya habang nakaupo naman sa gilid niya habang naglalaro ng Ml. Tatapusin ko lang 'to kasi masasayang stars ko. Napalingon na lang ako kay Achizz ng maramdaman ang braso niyang namulupot sa tiyan ko.
"Anong whole name mo Achizz?" tanong ko habang naglalaro.
"Achizz Steven Se," sabi niya na ikinalingon ko. "Bakit mo naitatanon-"
"Kapangalan mo si Steven?" tanong ko, hindi makapaniwala.
"Kakasabi ko lang Walter," sabi niya na hinila pa ang likod na damit ko dahilan para mapahiga din ako.
"Wait lang, rank 'to oh!" Reklamo ko na inaalis pa ang kamay niya sa ibabaw ng tiyan ko.
Imalis niya naman at nahiga ng maayos. Napalingon muna ako sa kaniya bago nagpatuloy sa paglalaro.
"May problema ka ba Achizz?" tanong ko sa kaniya.
Umiling naman siya tsaka inilapit ang sarili sa akin para mayakap ako patagilid.
"Sino ba talaga pinunta mo dito?" tanong ni Achizz na ikinakunot ng noo ko ng nilingon siya. "Ako ba o 'yong malakas na WiFi namin?"
"Syempre ikaw!" Mabilis na sagot ko pero hindi siya sumagot at nanatili lang seryoso ang tingin sa akin. Napabuntong hininga naman ako at walang choice kundi tigilan ang paglalaro. "Ikaw naman," sabi ko na tumagilid ang higa paharap sa kaniya para mayakap siya.
Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa noo ko pababa ng ilong hanggang mapunta ang labi niya sa labi ko. Walang pagtanggi sa sarili ko na sinasabayan pa ang halik niya.
Nang maghiwalay ang labi namin ay niyakap niya naman ako ng mahigpit at bumulong ng linyang nagpawala sa katinuan ng isipan ko.
"I love you Walter, I love you so much."
__________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomanceSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...