38

69 0 0
                                    

"Pupunta ng ibang bansa si Achizz."

Lalo akong pinanghina ng balitang 'yon mula kay Soliel. Sinubukan kong tawagan si Achizz pero mukhang irinapon niya na ang sim card niya. Parang nasa isa akong bangungot na hindi ko na kaya pang magising.

"Hindi ko kaya," sabi ko na pinaghihinaan na ng loob. "Hindi ko na kaya pang ibalik 'yong sigla sa buhay ko."

"Wag mo ngang sabihin 'yan. Makakamove on ka din," sabi ni Blaze na itinapik pa ang braso ko.

"Hindi naman sa pinag ooverthink kita Walter pero kasi may kasamang babae si Achizz 'nung nakaraang araw," sabi ni Soliel.

Napahawak ako sa ulo habang nakapikit. Parang mababaliw ako sa pag ibig na 'to. Naninikip na ang dibdib ko sa sakit. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Napapagod na 'kong umiyak gabi gabi.

Wala ako sa sariling tumayo at may balak puntahan sa bahay ni Achizz. Hindi sila pinansin at nagmadali akong sumakay ng kotse ko para pumunta doon. Narinig ko pang tawagin ako ng mga kaibigan ko pero hindi ko na sila pinansin pa.

Nang makarating ako sa bahay ni Achizz ay naabutan ko siyang tulala sa kusina nila. Patakbo akong lumapit sa kaniya para yakapin siya pero tinulak niya 'ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na kunot ang noo.

""Achizz hindi ko kaya, bumalik na tayo sa dati," sabi ko habang umiiyak sa harap niya.

Umiling naman siya na napalunok pa. "Hindi na pwede. Aalis ako ng Pilipinas Walter at sa ibang bansa na ako titira. Tigilan mo na ang pangungulit sa akin," sabi niya na ikinailing ko.

Habang nakatitig ako sa kaniya ay parang hindi ko na siya mamukhaan pa. Nag iiba na ang paraan ng pakikitungo niya sa akin. Malamig pa sa yelo. Parang ibang tao ako sa  kaniya dahil sa kakaibang pakikitungo niya.

"Achizz 'wag mo 'kong iwan dito," sabi ko na sinusubukang hawakan ang kamay niya pero iniiwas niya.

"Walter tama na," sabi niya na nakita ko kung paano dahan dahang mangilid ang luha sa mga mata niya. "Tama na. Maawa ka na sa sarili mo. Tignan mo ang itsura mo, ang payat mo na. Hindi ako makakabuti sa 'yo. Layuan mo na 'ko."

Umiling naman ako habang kagat lahat ang sariling labi, pinipigilan na mapahagulhol ang iyak. Nasasaktan na ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya pero nagpapakatanga pa rin ako.

"Bakit ang bilis mo namang magbago? May bago ka na ba?" tanong ko habang umiiyak sa harap niya.

Sinalubong niya ang tingin ko. "Wala," madiing sabi niya na ikinalingon ko. "Wala akong bago. Wala akong balak kumilala ng bago." Napayuko naman ako habang umiiyak. "Pero Walter narealize ko na hindi kita kayang protektahan. Walter tama ang Dad mo, pinapahamak lang natin ang isa't isa. Tama na Walter, ayaw ko ng ibalik 'yong mga araw na pareho tayong nagtatago sa isa't isa kasi nakokonsensiya ako na hindi man lang kita nailigtas 'nung kailangan mo 'ko."

Napatango ako habang hindi makapaniwala sa mga narinig. "Pero bakit kailangan mo 'kong layuan? Bakit kailangan mong lumayo?"

"Kasi kailangan!" Madiing sabi niya na umangat pa ang boses. "Kasi kung mananatili ako dito, pareho nating sasaktan ang sarili natin. Kailangan natin mamulat sa katotohanan Walter. Lalaki ka at lalaki ako. Hindi pwedeng magsama tayo ng matagal kasi kahit anong pilit natin, hindi tayo mapupunta sa kasalan," sabi niya na ikinalunok ko.

Doon ako namulat sa mga sinabi niya. Doon ako nagising. Alam ko naman 'yon e. Alam ko naman 'yon! Talagang kailangan niya pang isampal sa akin ang reyalidad para lang matauhan ako.

"Minahal mo ba 'ko Achizz?" tanong ko sa kaniya na ikinalingon niya. "Nung tayo pa, minahal mo ba 'ko?" tanong ko habang dire-diretso ang pagpatak ng luha.

Napalunok naman siya tsaka tumango. "Oo. Minahal kita Walter. Minahal kita na mas higit pa sa pamilya ko," sabi niya na lalo kong ikinaluha.

Napaupo ako sa sahig habang nakatakip ang kamay sa mukha ko. Umiyak ako ng umiyak dahil hindi ko na kaya pang pigilan 'yong luha ko. Naramdaman ko naman ang pag upo niya sa harap ko para haplusin ang likod ko.

"S-Sorry," sabi niya na ikinalingon ko.

Nakita ko kung paanong dahan dahang lumaglag ang luha sa pisngi niya. Nakatitig lang kami sa isa't isa na para bang naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.

Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti kahit na may luha ang pisngi niya.

"I know someday, You will find someone who is better for you. It's not me because I will never be your girl," sabi niya tsaka pinunasan ang luha ko. "Wlater, mabait ka at alam kong maraming magkakagusto sa 'yo. Balang araw maiintindihan mo 'ko kung bakit ko 'to ginawa," sabi niya na hinawakan naman ang kamay ko. "You are  the best man for me huh. The way you speak, the way you move, the way you smile and laugh, I love everything from you."

"I love you Achizz," umiiyak na sabi ko.

Ngumiti naman siya. "I love you Walter. I love so much," sabi niya na hinalikan pa ang pisngi ko. "Happy 1st Anniversary my love."

__________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now