35

44 0 0
                                    

"Ito pala 'yong mayabang e."

Napaatras ako bigla dahil sa narinig. Mukhang bully nanaman 'to. Uuwi na sana ako pero hinarang nila ako sa parking lot kung saan medyo madilim na ang paligid.

"Ano nanaman bang kailangan niyo?" Iritadong tanong ko na hinarap pa sila.

Grupo nanaman sila na nasa tingin ko ay lima o higit pa. Masyadong madilim kaya hindi ko alam kung mayroon pa ba sa dilim.

"Wag mo nga akong niyayabangan bakla," sabi ng pinakaleader nila na lumapit pa sa akin, si Drek. Napalunok naman ako. "Matagal na 'kong nagtitimpi sa 'yo. Hindi mo man lang kinilala muna kung sino ang hinaharap mo," sabi niya na hinablot pa ang kwelyo ko at higpitan ang hawak doon. "Nakikita mo ba 'yong ginawa mo sa mukha ko? Hindi maalis alis ang pasa sa mukha ko!" Sigaw niya sa mismong mukha ko.

Tinatagan ko ang loob ko kahit nakakaramdaman ako ng panginginig sa takot. Hindi lang kasi galit niya ang ikinakatakot ko, ang hawak niyang kahoy na hindi ko alam kung aanuhin niya o baka ipapalo talaga sa akin.

"Bitiwan mo nga ako," madiing sabi ko na hinawakan ng mahigpit ang kamay niya para  mabitawan ang kwelyo ko.

Napabitaw naman siya kaya umatras ako. Dumaungdong ang kaba sa dibdib ko ng magsilapitan ang mga myembro niya sa akin. Ang isa ay pumunta sa likod ko para hablutin ang bag ko habang ang isa naman ay mahigpit na hinawakan ang dalawa kong kamay sa likod.

Napalunok ako ng lumapit sa akin ang leader nila at mahigpit na hawakan ang leeg ko. Pakiramdam ko ay tumaas ang dugo sa ulo ko bigla dahil sa pagkakahigpit 'nun.

"B-Bitawan mo 'k-ko...Ahh!" Hirap na hirap na sigaw ko na sinusubukan pa siyang sipain pero sinipa ako ng isa sa kanila mula sa likod.

Nanghina ako dahilan para mapaluhod ako habang hawak pa din niya ang leeg at hawak pa nila ang kamay ko sa likod.

"Ano? Matapang ka!?" tanong ng leader nila na sinabunutan pa ang buhok ko para mapatingala sa kaniya.

"B-Bitiwan niyo ko!" Nanghiginang sabi ko at pilit kumakawala sa kanila.

Hindi ko na kayang makagalaw sa lakas ng pagkakasipa ng isa sa akin. Ramdan ko ang kirot sa likod ko at nahihilo na rin ako.

Tuluyan akong napadapa sa lupa ng sipain ako ulit mula sa likod. Pilit akong tumatayo pero inapakan ako ng isa sa kanila. Napaubo ako ng sipain ulit ako ng isa sa kanila. Namilipit ako sa sakit at pilit nilalabanan ang pagpikit ng mga mata ko.

Hinila ako ng isa patayo para iharap kay Drek. "Ano? Suko ka na ba? Mukhang ang hina mo na ah. Akala ko ba hindi ka bakla?" Natatawang tanong niya na sinuntok pa ang dibdib ko.

Napaubo ako ng dugo dahil doon. Hindi pa natapos ang lahat. Ang kahoy na hawak niya ay inihampas sa ulo ko dahilan para matumba ako sa lupa at tuluyang mandilim ang paningin.

"Hoy tarantado kayo ah!" Narinig ko ang pagsingit ni Robelyn pero huli na, nawalan na ako ng malay.

.....

....

...

..

.

"Walter? Walter? Okay ka na ba? Walter?"

Dahan dahan akong napamulat ng mata ng marinig ang boses na 'yon. Si Soliel ang unang bumungad sa akin.

"Tita! Tito! Gising na si Walter!" Sigaw niya dahilan para bumukas ang pinto at sunod sunod silang pumasok.

Nagising ako na nasa hospital na. Dama ko pa din ang panghihina at sakit ng katawan. Napahawak ako sa ulo ng mapansing may nakalagay sa ulo ko. May telang nakapalibot sa ulo ko.

"Walter? Son, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Dad sa akin.

Tumango naman ako. Napatingin naman ako sa ibang taong narito. Si Dad, Mom, Weshly, Soliel at Blaze.

"Saan si Achizz?" tanong ko sa kanila pero sabay sabay silang umiwas ng tingin sa akin. Napakunot naman ang noo kong napalingon kay Dad na nanatiling sa akin ang tingin. "Dad?"

"Kailan ka pa nabubully?" tanong niya na nasa mismong mata ko ang tingin.

Napalunok naman ako at napalingon sa palad ko. "M-Matagal na Dad. 'Nung unang week ng pasok ko pa lang." Pag amin ko na hindi makatingin sa kaniya ng tuwid.

"Bakit kailangan mong itago sa amin na ganiyan na pala ang nangyayari sa 'yo? Kahit ang mga kaibigan mo ay walang alam," sabi ni Dad dahilan para mapalingon ako sa mga kaibigan ko.

Seryoso ang tingin sa akin ni Blaze habang kagat naman ni Soliel ang kuko niyang nakatingin din sa akin.

"S-Sorry Dad. Ayaw ko lang na makadagdag sa iisipin niyong lahat," sabi ko na bumibigat na ang dibdib.

"Kaysa naman ganito? What happened? Nasa hospital ka Walter. Mutikan ka pang maubusan ng dugo kanina dahil hindi alam 'nung babaeng nakakita sa 'yo kung sino ang unang tatawagan."

Si Robelyn ang unang pumasok sa isip ko. Ano na kayang nangyari?

"Kinwento niya lahat sa amin at alam na naming nabubully ka dahil sa kung anong mayroon sa inyo ni Achizz. Sinasabi ko na nga ba at mangyayari 'to sa 'yo. Kung ganito lang naman ang mangyayari sa 'yo Walter, mas mabuting itigil niyo na lang ni Achizz 'yong pinaggagawa niyo."

"Dad," hindi makapaniwalang usal ko.

"I'm serious Walter. Hindi niyo ikakabuti pareho ang ganiyan. Mapapahamak kayo pareho."

"Dad," tawag ko sa kaniya. Hindi alam kung anong sasabihin.

"Walter nabubully din si Achizz sa school nila," sabi ni Dad na ikinatigil ko. "Naaapektuhan ang grade ni Achizz dahil sa pambubully sa kaniya. Walter college na si Achizz."

Napalunok akong napalingon kay Soliel pero umiwas lang siya ng tingin. Muli akong napalingon kay Dad pero seryoso ang mukha niya.

Kumikirot ang dibdib ko sa nalaman. Nabubully rin si Achizz. Pareho kaming nagsisinungaling sa isa't isa.

"Natatandaan mo ang sinabi ko Walter?" tanong ni Dad na ikinalingon ko. "Once na malaman kong nasasaktan ka dahil kay Achizz, ako mismo ang haharang sa inyo."

Nangilid ang luha ko habang nakatitig sa kaniya. Napalunok akong umiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay mas masakit na ang dibdib ko kaysa sa likod ko. Pakiramdam ko ay nanghihina nanaman ako.

"Dad, hindi naman 'yon gusto ni Achizz na mabully a--"

"Nagsinungaling ka sa amin Walter. Nagtago ka sa amin. Hindi mo sinabi 'yong totoong nangyayari." Tigil niya sa pagsasalita ko, galit na ang tono. "Natututo ka ng magtago sa amin Walter at 'yon ang ikinaiinis ko sa 'yo."

"Tama na 'yan honey," sabi ni Mom na hinawakan pa ang kamay ni Dad.

"S-Sorry Dad." Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sakit.

"Itigil niyo ng dalawa 'yan. Pinapahamak niyo lang ang mga sarili niyo," sabi ni Dad tsaka padabog na lumabas ng room.

__________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now